Chapter 10: My feeling love life

40 2 4
                                    

Ngayong araw na ito, tinuruan na ako ni Lieutenant RJ kung paano i-assemble ang baril. Sobrang hirap ngang kabisaduhin iyong pagkakasunod-sunod kaya ginawa ni Lieutenant RJ, inuulit niya ng dahan-dahan para makabisa ko. Binigyan kami ng lunch break para gumana naman ang brains namin o ako lang? Haha. Napagpasyahan na lang namin na dito na lang kami kumain, magpapabili na lang kami kaso nung nagtanong na kami kung sinong bibili,nagturuan na sila.

" Sige, ako na lang bibili "

Nagulat kaming lahat dahil ang nagsabi nun ay walang iba kung hindi ang pinakamabait, pinakaguwapo, pinakasweet at pinakaperfect sa buong kalalakihan si Lieutenant RJ.

" Ahhh, hindi na. Ako na lang " sabi ko, ayokong mapagod si Lieutenant RJ kahit sino huwag lang siya,haha

" Hindi ok lang sa akin parang iyon lang, ayoko din kasing nalilipasan ka ng gutom "

Nagulat ako. . .. I mean kaming lahat sa sinabi niyang iyon.

" Ang ibig kong sabihin ay ayokong nalilipasan din kayo ng gutom "

Napa-ahhh na lang sila, ako? Ewan hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko,it's complicated. Ayun na nga,kahit nakakahiya naman na ipa-utos iyon kay Lieutenant RJ,wala talagang makakapigil sa kanya at wala na kaming magagawa doon,ano ito?Pabebe girls?Ang dami niyang binitbit ng pagkabalik niya. Waaah! Ayoko siyang titigan,ang laki ng muscles niya sa mga binubuhat niyang puno ng mga pagkain,nasisilaw ako baka dumugo ang ilong ako.Ano ako si Sunako Nakahara? Deh joke lang ang ibig ko talagang sabihin,naaawa kasi ako sa kanya huhuhu dahil sa amin ginawa namin siyang muchocho,di ba kasi pangbabae iyong muchacha.

(A/N: itigil mo na iyang walang kakwentang-kwentang jokes,pinapahaba mo pa iyong story ehhh)

Ok,sarreh! Hindi na kinaya kasi ng mixed emotions ko kaya bumigay na.

" Thanks much talaga, Lieutenant RJ " I give my sweetest smile to him

" Ok lang iyon, malakas ka sa akin ehhh " he give me a killer smile

" Naku,nagpapa-cute,hindi naman cute " sabi ni Sano

" Inaamin ko naman na hindi ako cute dahil MAGANDA ako " in-emphasize ko talaga ang word na maganda sa kanya

" Saan banda? Hindi ko makita " Sano

" Jelly ka lang "

" Anong jelly? Tao ako noh! Parang gusto ko tuloy kumain nun "

" Baliw! Hindi pagkain ang tinutukoy ako,ang ibig sabihin nun,nagseselos ka lang " pang-aasar ko sa kanya

" May pa-jelly jelly ka pang nalalaman atsaka ako magseselos?tapos ikaw ang dahilan,spell A-S-A. Walang lalaking magkakagusto sa iyo noh! " Waaah,tao din ako nasasaktan sa sinasabi nitong isip-bata na ito,huhuhu. Magsasalita na sana ako para gantihan siya ng biglang nagsalita si Lieutenant RJ.

" Bakit? Maganda naman siya ahhh atsaka mabait " pagkatapos niyang sabihin iyon TUMINGIN SYA SA AKIN,WTF!

" Sabi ko sa inyo ehhh,bulag lang at hindi gwapo ang hindi nakakakita sa beauty ko " pagbibiro kong sabi para hindi awkward ang atmosphere

" O sige,may tanong ako sa iyo Lieutenant RJ dapat honest ka sa isasagot mo,magkakagusto ka ba sa katulad ni Kimi "

" Grabe,Sano! Dinadamay mo si Lieutenant RJ sa kalokohan mo. Lieutenant RJ,huwag mong sagutin siya,nang-iinis lang iyan "

" Bakit hindi? Lagi niya akong pinapatawa ehhh " tumawa siya ng kaunti

Awkward atmosphere, awkward atmosphere, go away!

" So,clown pala ako? " pag-iiba ko ng atmosphere

" Hahahahahahahahaha "

Sige, Sano! Tumawa ka lang! Ako may admirer kahit papaano,ehhhh ikaw WALA! Hahaha. Bumalik na kami sa aming business ang pag-assemble ng baril,kahit papaano nakuha ko siya kaso ang bagal ko,hmmmph! Buti pa sila Honami at Lindsay,magagaling. Kailan kaya ako magiging katulad nila,huhu.

" Magaling! Marunong ka ng mag-assemble " Lieutenant RJ

Buti pa si Lieutenant RJ,kino-comfort ako hindi katulad ng isa,grrr!

" Ano ba iyan Mr.Joker,mas mabagal ka pa sa pagong mag-assemble " ang galing talaga magmotivate ni freaking Vice President

Nasa tent na kami,matutulog na sana kami ng biglang may pusa kaming narinig. Hinanap namin ni Kim kung saan galing iyong ingay ng mga pusa,ten years na kami naghahanap ng sa wakaa nahanap namin sila,nasa likod sila ng halamanan at kumakain. Pinanood namin kumain sila dahil ang cute cute nila ng biglang nagulat kami sa nagsalita sa likod namin.

" Bakit nasa labas pa kayo? " si Lieutenant RJ lang pala

" Ahhh,ehhh,hinanap namin kung saan galing iyong narinig naming ingay ng pusa "

" Ahhh,lagi silang nandiyan kapag gabi kaya pinapakain ko sila kapag nandiyan sila. Oo nga pala,heto nga pala si Michael,siya ang magbabantay sa tent niyo. Ihahatid kayo ni Michael sa tent niyo,matulog na kayo "

" Opo,Lieutenant RJ "

Iniwan na namin si Lieutenant RJ at hinatid na kami ng bodyguard namin. I'm really so confused,bakit may bodyguard kami? Ehhh,nasa base naman kami nila,wala namang mangyayari sa aming masama dahil sila-sila lang din naman ang nandito,nakakafreak lang ehhh.

" Matulog na po kayo,maaga pa naman kayo bukas. Dito lang po ako,magbabantay dito "

" Ahhh,sure ka? Hindi ka ba mangagawit? Ok lang kahit huwag mo ng gawin iyan,hindi naman namin kailangan na bantayan kami "

" Order po ito ni Lieutenant RJ " order niya?

" Sabihin mo na lang kay Lieutenant RJ na ok lang kami,hindi na namin kailangan ng bantay "

" Sorry po talaga Ms.,matulog na po kayo "

Pumasok na kami sa loob at talagang nag-iba ang aura ko ngayon.

" Sino iyong lalaki sa labas? " tanong ni Kawaii

" Bodyguard daw natin " walang gana kong sagot

" Ohhh? Bakit daw? "

" Ewan ko,inutos ni Lieutenant RJ "

" Ahhh,wow! Overprotective ni Prince Charming sa iyo huh "

" Huh? Bakit sa akin lang? Tayo ang binabantayan hindi lang ako "

" Obvious naman na siya lang ang may concern sa iyo hindi sa amin,napasama lang kami dahil nandito ka. Sige na,matulog na tayo,antok na antok na ako ehhh. Goodnight sa inyo "

Haaay,kung totoo man iyon,di ba dapat kiligin ako dahil ginawa niya iyon for me? Sobrang sweet ni Lieutenant RJ pero katulad din ng pagkain na kapag nasobrahan sa matamis,nakaka-umay din parang ganoon ang nararamdaman ko sa kanya,haaay. Humuhugot na ako dito akala mo naman may lovelife ako,itulog na lang ito.

Military LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon