Anak Ng Callboy
Chapter 1
"Tay kamusta ang pakiramdam mo?" pag-aalalang tanong ni Raddix Arizabal, sa kanyang ama na si Eduardo Arizabal. Kagabi ay naglasing na naman ang ama niya kinakailangan niya itong asikasuhin. Sanay na siya sa gabing-gabi paglalasing ng kanyang ama. Gusto man niya itong tanungin ngunit baka mag-away lang silang dalawa. Ang ginagawa niya ay hindi na lang siya nagsasalita pero alam niyang may problema ito na hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba. Ngayon ay nasa sala sila sa maliit nilang bahay na pinagtagpi-tagpi sa yero at plywood. Nakatira sila sa mahirap na lugar sa bayan ng Isidro sa Malawi Compound. Nagsusumikap siya na balang araw ay makaalis sila sa mabaho, marumi at magulong lugar na ito. Pero sa ngayon ay magtitiis na muna sila dito dahil hindi pa siya nakakabalik sa pag-aaral. 18 years old na siya sa susunod na pasukan ay first year college na sana siya pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakaipon ng pera para makapag-enrol sa university sa bayan ng Isidro. Gusto sana niya makapag-aral sa Westview University kaso nga lang masyadong mahal ang tuition fee roon. Napatingin siya sa kanyang ama na nakatulala na naman nakatingin sa kapeng itinimpla niya para dito.
"Nakakasawa na ang ganito buhay anak." ang madamdaming sabi ni Eduardo Arizabal, na ama ni Raddix. Sawang-sawa na siya sa paulit-ulit na takbo ng buhay nilang magpamilya. Hindi ito ang buhay na pinangarap niya.
"Tay paulit-ulit na lang ba tayo dito?" napabuntong hininga na lang si Raddix, sa kanyang narinig sa kanyang ama. Sa araw-araw na ginawa ng diyos ay nagsasawa na rin siya sa paulit-ulit na sinasabi ng ama niya. Tuwing kinabukasan pagtapos nitong magpakalasing sa gabi ay ganito lagi ang sinasabi nito sa kanya. Tapos na rin naman siyang uminom ng kape at nakakain ng tatlong pirasong pandesal na nabili niya sa tindahan ni Mang Thomas. Tumayo na siya sa pagkakaupo para puntahan ang nakakabatang kapatid niyang si Lexus, pinuntahan niya ito sa maliit na kuwarto kung saan mahimbing na natutulog ang nakakabatang kapatid nito na walong taong gulang. Ginising niya ito para makapag-almusal na ito.
"Hmm.. Kuya X, mamaya na. Inaantok pa ako." sabi ni Lexus, nagtalukbong pa siya ng kumot para lang hindi siya gisingin ng kuya niya.
"Gising na para makapag-almusal ka na. Para na rin makuha natin ang sampaguita kay Aling Sisa. Baka mapunta sa atin ay mga lanta na." sabi ni Raddix, naglalako sila ng sampaguita sa harap ng simbahan tuwing umaga. Heto rin ang extrang pinagkakakitaan nilang dalawa ng kanyang nakakabatang kapatid.
"Kuya naman! Istorbo ka talaga! Sige na nga!" inis na sabi ni Lexus, napakamot na lang siya ng kanyang ulo at bumangon na siya sa pagkakahiga.
Napangiti na lang si Raddix, sa inasal ng kanyang nakakabatang kapatid. Kahit na walong taong gulang pa lang ito kung makapag-isip at makapagsalita ito ay parang mas matanda pa ito sa kanya. Kinuha na niya ang kanyang pulang towel na nakasabit sa may likod ng pintuan ng kuwarto nila. Maliligo na siya para makapunta na sila kay Aling Sisa at makuha na nila ang sampaguita. Sa paglabas ng kuwarto ay nakita niyang umiinom ng milo ang nakakabatang kapatid niya. Ang kanyang ama naman ay mahimbing na natutulog sa may sala ng bahay nila.
"Lexus, maliligo na ako ah! Bilisan mong mag-almusal dyan." sabi ni Raddix, pumunta na siya sa likod ng bahay kung saan nandoon ang maliit na banyo na kasya lang ang isang tao. Sinimulan na niya ang pagliligo para maaga silang makarating sa bahay ni Aling Sisa. Hindi naman siya masyado matagal maligo mga sampong minuto lang ay tapos na siyang maligo. Sumunod sa kanyang maligo ang kanyang nakakabatang kapatid na si Lexus. Pumunta na siya sa kuwarto nila upang makapagbihis na siya. Kumuha siya ng puting tshirt, basket ballshort at isang puting brief sa cabinet. Iyon kasi ang lagi niyang sinusuot kapag nagbebenta sila ng sampaguita ni Lexus, sa harapan ng simbahan sa bayan ng Isidro. Napatingin siya sa salamin na nakasabit sa dingding ng bahay nila. Napangisi na lang siya sa kanyang nakikitang imahe sa salamin kitang-kita niya ang repleksyon ng kanyang guwapong mukha. Bukod sa guwapong mukhang tanglay niya ay kinababaliwan din ng mga taong nakakakita sa kanya ang makisig na pangangatawa niya. Inaalagaan niya talaga ang kanyang sarili dahil ito ang puhunan niya sa kanyang trabaho bilang callboy. Sa edad niyang disiotso ay marami na siyang karanasan sa pakikipagtalik mapababae o lalaki man 'yan. Simula't sapol ay alam na niya ang situwasyon ng pamumuhay nila kaya gumawa siya ng paraan para kahit papaano ay makaraos sila sa pang-araw-araw. Lalo't pa hindi niya maasahan ang kanyang sariling ama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang kadahilanan kung bakit laging naglalasing ang kanyang ama. Napailing na lang siya sa kanyang naiisip ayaw niyang maisip ng mga problema sa buhay nilang pamilya.