5

398 12 1
                                    

Anak ng Callboy 

Chapter 5

"Bakit ka nagagalit pare? P*tangin* sinasabi ko na nga ba? May relasyon na kayo ni Sir Hector! Wag mong sabihin na mahal mo na iyong bakla na iyon?!" ngising sabi ni Draven. 

Matagal na napapansin ni Draven, ang panlalamig sa kanya ng kanilang manager na si Sir Hector. Dati madalas silang pumunta sa motel at madalas siyang bigyan ng pera at regalo nito. Ngunit noong pumasok si Raddix, sa trabaho nila sa fast food chain na pinagtratrabahuhan niya. Bihira na lang sila lumalabas ni Sir Hector at higit sa lahat ay minsan na lang siya binibigyan ng pera at mga regalo. Kung magbibigay man ito ay hindi ganun kalaki kumpara noon na higit pa sa arawan na sahod niya sa trabaho niya. 

"Wala ka na roon! Tangin* ka rin! Pagkatapos mo siyang gatasan. Babastusin mo siya ngayon!" galit na sabi ni Raddix. 

Hindi uurungan ni Raddix, si Draven, kahit na mas matanda ito sa kanya. Magkasingtangkad at katawan lang sila pero masasabi niyang lamang siya dahil sanay na sanay siya sa basag ulo. Wala siyang pakialam kung matanggal siya sa trabaho basta ma ipasok niya sa utak ni Draven, na kailangan at dapat may respeto at utang na loob ito sa taong pinakinabangan niya. 

"Wala ka na rin pakialam doon kung ginatasan ko siya. Siya rin naman ginatasan din naman niya ako. Tangin* laging said ang tamod ko sa kanya. Hahaha!" natatawang sabi ni Draven. Nagulat na lang siya dahil bigla siyang sinuntok ni Raddix, sa kaliwang pisngi niya na ikinatumba niya. 

"Gag* mo! Wala kang utang na loob at respeto sa tao!" galit na galit na sabi ni Raddix. Nakita niyang susugod si Draven, ng biglang nagsalita si Sir Hector! 

"Anong nangyayari dito?" seryosong tanong ni Hector. 

Akala ni Hector, kung ano na ang nangyari sa loob ng locker room. Nasa office siya ng makarinig siya ng malalakas na boses na nag-uusap. Katabi lang kasi ng locker room area ng boys ang office niya. Plywood lang ang pagitan ng office niya at locker area kaya minsan ay hindi niya maiwasan na marinig ang usapan sa loob ng locker room. 

"Hetong si Raddix, sinuntok ako! Paalisin mo 'yan! Voilation ang gingawa niya!" galit na sabi ni Draven. 

Naghihinayang lang si Draven, na hindi siya nakaganti ng suntok kay Raddix. Nalasahan niya ang sarili niyang dugo. Mukhang pumutok ang gilid ng labi niya. 

"Raddix, totoo ba?" seryosong tanong ni Hector. Nakita niyang seryosong tumango si Raddix. 

Hindi puwede basta-basta magdesisyon si Hector. Gusto niya muna alamin kung bakit nagawa iyon ni Raddix. Sa pagkakakilala niya sa makisig na binata ay mabait ito. At palakaibigan hindi nga lang nito masyado nakakasundo si Draven, dahil na rin sa ugali nito. 

"Sinuntok ko nga siya dahil iyon ang bagay sa kanya. Binabastos ka niya. Wala siyang utang na loob at respeto sa'yo." seryosong sabi ni Raddix. Seryoso siyang nakatingin sa kanilang manager na si Sir Hector. 

Hindi naman makapagsalita si Hector, sa kanyang narinig. Hindi niya akalain na susuntukin ni Raddix, si Draven, dahil daw walang repesto, utang na loob at binabastos daw siya ni Draven? Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya magsalita. 

"Draven, hindi ka puwede na mag-duty na putok ang labi mo. Kailangan mo muna magpahinga." seryosong sabi ni Hector, na ikinabigla naman ni Draven. 

"Sinasabi mo ba na kinakampihan mo pa 'yan kaysa sa akin na kung makach*pa ka sa b*rat ko ay parang uhaw na uhaw ka. Daig mo pa ang bata uhaw sa gatas. Tangin* ka!" galit na sabi ni Draven. Hindi niya akalain na papaburan pa ni Sir Hector, si Raddix. 

CallboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon