Anak Ng Callboy
Chapter 7
"Wow Kuya X, may dala kang cake?!" masayang sabi ni Lexus.
Tuwang-tuwa si Lexus, nang makita niya ang kanyang Kuya X, na pumasok sa loob ng bahay nila. Agad niyang nakita ang dala nitong isang familiar na itim na kahon na may kulay green na ribbon. Alam agad niya ang laman nito ng kahon. Minsan na kasi nagdala ang kanyang nakakatandang kapatid nang ganun uri ng kahon.
"Oo pero hindi sa atin ito." isang tipid na ngiti ang lumitaw sa guwapong mukha ni Raddix.
Planong lokohin ni Raddix, ang kanyang bunsong kapatid. Kitang-kita niya ang pagkawala ng ngiti at kumikislap nitong mata dahil sa kanyang sinabi. Ibinili siya ng isang buong dark chocolate cake Sir Hector, kanina. Ang kanilang manager kasi ang nagbayad ng inorder niyang cake. Nagpumilit itong bayaran ang inoder niyang cake. Hinayaan na lang niya ito para hindi na humaba ang usapan nila kanina.
"K-kanino 'yan Kuya X?" usisa ni Lexus.
Biglang lumungkot ang guwapong mukha ni Lexus, dahil hindi naman pala sa kanila ang cake na dala ng kanyang Kuya X.
"Pinabili lang sa akin ito ng kaibigan ko. Mamaya-maya ay kukunin niya ang cake na ito." sabi ni Raddix.
Meron pang naisip na kalokohan si Raddix. Ipinakita pa niya sa kanyang bunsong kapatid ang laman ng box. Gusto niya itong matakam lalo na paborito nito ang chocolate. Noong ibinili siya ni Calum, ng classic dark chocolate cake na inuwi niya rito sa bahay. Para pasalubong kay Lexus, ay tuwang-tuwa ang kanyang bunsong kapatid. Bihira lang naman kasi sila makakain ng cake.
"Ang sarap naman 'yan Kuya X. Hindi nga ako nagkamali na cake ang laman 'yan. Pumunta ka ba ulit doon? Para lang bumili ng cake?" usisa ni Lexus. Ang tinutukoy niyang lugar ay ang Rald's Box Café. Minsan na naikuwento sa kanya ng Kuya X, niya na pumunta ito sa sikat na kapehan sa Bayan ng Prado.
"Sa Rald's Box Café ako pumunta. Isinama lang ako ng aming manager. Nagpatulong lang siya roon. Sa susunod ay mag-iipon ako pera para makabili ulit ako ng cake. Medyo may kamahalan kasi itong cake na ito pero sulit naman 'di ba?" ngiting sabi ni Raddix. Nakita niyang sunod-sunod ang pagtanggo ng kanyang nakakabatang kapatid na si Lexus, sa kanyang katanungan.
"Oo naman Kuya X! Sobrang sarap kaya 'yan! 'Di ba muntikan ko na maubos ang isang cake na katulad ng dala mo ngayon." ngiting sabi ni Lexus.
Napalunok na lang ng laway si Lexus, habang nakatingin sa chocolate cake na nasa box. Naalala niya noong nagdala ng cake ang kanyang Kuya X. Sobra siyang nasarapan sa chocolate cake na iyon.
"Sige na Lexus. Ipapasok ko na muna ito sa ref natin. Mamaya-maya ay pupunta na ang kaibigan ko para kunin ang cake na ito." ngiting sabi ni Raddix.
Biglang napakunot noo si Lexus, sa sinabi ng kanyang nakakatandang kapatid. Wala naman sila refrigerator sa bahay? Bakit nasabi iyon ng kanyang kuya?
"Kuya X, wala naman tayong refrigerator." kunot noo sabi ni Lexus. Lalo siyang napakunot ng makita niyang biglang tumawa ang kanyang Kuya X.
"Hahaha! Its a prank! Sa atin talaga itong cake na ito. Binili 'yan ng manager namin para sa akin para raw may pasalubong ako sa'yo." ngiting sabi ni Raddix.
Tawa nang tawa si Raddix, dahil sa reaksyon ng kanyang nakakabatang kapatid na si Lexus. Niyakap niya ito ng mahigpit dahil nakita niyang malapit na itong umiyak. Iyakin pa naman ang kanyang bunsong kapatid.
"Sige na kainin mo na itong cake na ito." ngiting sabi ni Raddix.
"T-totoo ba Kuya X, na sa atin itong cake na ito? Baka biglang may pumunta rito at hanapin itong masarap na cake na ito?" pag-aalalang tanong ni Lexus. Nag-aalangan siyang kainin ang cake na nasa harapan niya dahil baka may pumunta rito sa bahay nila at hanapin ang cake. Ang mahal-mahal pa naman daw ng cake na ito.