6

282 9 0
                                    

Anak Ng Callboy 

Chapter 6

"Ano gusto mo kainin?" ngiting tanong ni Hector. Nandito na sila sa loob ng Rald's Box Café. Tinatanong niya si Raddix, kung ano ang gusto nitong orderin?

"Classic dark chocolate cake at capuccino." sagot ni Raddix. 

Nagpaalam si Raddix, kay Sir Hector, upang makahanap siya ng bakanteng upuan. Marami na naman mga customer ang nasa loob ng Rald's Box Café. Parang hindi ito nauubusan ng customer. Ito na ang pangalawang beses niyang pumunta dito sa café na ito. Sobrang nakakarelax ang pinaghalong amoy ng kape at bagong lutong tinapay. Napangiti siya dahil bakante ang puwesto na dati nilang inupuan ni Calum. Sa window side siya umupo at kitang-kita niya ang mga taong busy sa paglalakad sa kanya-kanyang pupuntahan. Napatingin siya sa kalangitan. Wala siyang nakikitang kahit na anong bituin. Natatakpan ito ng mga maiitim at kakakapal na ulam. Mukhang ano mang sandali ay babagsak na ang ulan. Napaunat siya ng kanyang katawan dahil sobra siyang napagod kanina. Sandali pang siya nag-break tapos ay agad siyang bumalik sa trabaho. Akala niya ay sa dinning area siya ulit pupuwesto ngunit tinawag siya ni Sir Hector, at pinabalik siya sa cashier. Gusto nga niya itanong kung bakit lagi siya nitong nilalagay sa cashier? 

"Mukhang malalim ang iniisip mo Raddix? Heto na ang order mo. Good choice ang classic dark chocolate cake dahil 'yan ang number one best seller ng Rald's Box Café." ngiting sabi ni Hector. 

Ang inorder ni Hector, ay isang slice ng classic blue berry cheesecake at isang tall na cappucino rin. Bigla niyang naalala ang kanyang anak na babae. Ibibili niya ito ng classic dark chocolate cake na paborito nito. Napatingin siya sa makisig na binatang nakatingin sa labas ng Rald's Box Café. 

"Hindi naman masyadong malalim ang iniisip ko. Gusto ko lang itanong sa'yo kung bakit lagi mo ko nilalagay sa cashier?" takang tanong ni Raddix. Kinuha niya ang dessert fork at kumuha siya ng konting cake at kinain niya. 

"Nahihirapan ka ba sa pagiging cashier mo? Mas gusto mo ba na maging waiter?" tanong ni Hector. 

"Mas gusto kong maging waiter kaysa sa cashier." sagot ni Raddix. Kinuha niya ang cappucino niya at ininom na niya ito. Medyo napaso siya sa kanyang dulong dila dahil mainit pa ang cappucino niya. Nakita niyang napangiti ang manager nila. 

"Nakikita ko kasi ang potential mo sa pagiging cashier. Kung babalik ka sa pag-aaral ay makakabuting ang kunin mong course ay accounting. Marunong ka kasi sa math, sa pera." ngiting sabi ni Hector. 

Alam ni Hector, na huminto sa pag-aaral si Raddix. Nalaman niya ito noong iniinterview niya ito. Nasabi sa kanya ng makisig na binata na huminto ito sa pag-aaral dahil na rin sa kahirapan. 

"Hindi ko pa alam kung makakabalik ako sa pag-aaral dahil wala pa ako masyadong naiipon na pera." biglang nalungkot si Raddix, sa sinabi niya kay Sir Hector. 

Totoong wala pang masyadong naiipon si Raddix. Dahil na rin maraming utang ang kanyang ama na kailangan pa niyang unahin na bayaran. Hindi nga niya alam bat masyadong maraming utang ang kanyang ama? Bigla-bigla na lang kasi may pumupunta sa kanila at nanininggil ng utang. Lagi niyang sinasabi na magbabayad din sila kapag magsweldo siya sa kanyang trabaho bilang crew ng fast food chain na pinagtratrabahuhan niya. Minsan ay hindi niya maiwasan na magalit sa kanyang ama dahil na rin hindi ito nagpapaka-ama sa kanila ng kanyang nakakabatang kapatid na si Lexus. Simula yata nagkaisip siya ay siya na bumuhay sa kanyang sarili. Magpapasalamat na lang siya kapag binibigyan siya ng pera ng kanyang ama pambili ng pagkain. Simula bata siya ay siya na ang dumidiskarte upang makakita ng pera. Napapailing na lang siya sa kanyang naiisip. 

"Gusto mo ba talaga mag-aral?" seryosong tanong ni Hector.

Sa nakikita ni Hector, ay alam at ramdam niya na gustong bumalik sa pag-aaral si Raddix. Pero hindi nito nagagawa dahil na rin sa kahirapan ng buhay. Alam din niyang may pangarap ito sa buhay. Masipag at mabait si Raddix, kaya naman halos yata ng katrabaho nito ay kasundo nito puwera lanb kay Draven. Nakita niyang napangisi si Raddix, na nakatingin sa kanya. Sobrang lakas talaga ng sex appeal nito. Alam na alam nitong gamitin ang kung anong meron ito. 

CallboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon