Anak Ng Callboy
Chapter 2
"Kuya X, bat laging naglalasing si tatay?" usisa ni Lexus, palagi niya kasi napapansin na tuwing gabi ay umuuwing lasing ang kanilang ama.
"Hindi ko rin alam. Baka kapag tinanong ko siya ay magalit siya sa akin." hindi naman talaga alam ni Raddix, kung bakit ba tuwing gabi ay naglalasing ang kanilang ama. Nagsimula lang naman iyon nung dumating sa kanila si Lexus. Naglalakad na sila papunta sa simbahan sa bayan ng Isidro kasama ang kanyang nakakabatang kapatid. Nakakuha na rin sila ng sampaguita kay Aling Sisa, buti na lang ay medyo ok ang nakuha nilang mga sampaguita. Linggo ngayon kaya sigurado siyang maraming magsisimba ngayon at sinisigurado niya na mabilis na mauubos ang mga paninda nilang sampaguita.
"Kuya X, ayaw ba ako ni tatay?" malungkot na tanong ni Lexus, tanaw na niya ang malaking simbahan sa bayan ng Isidro. Humigpit ang pagkakahawak niya sa puting plastic bag na naglalaman ng mga sampaguitang ilalako nila sa harapan ng simbahan. Natatakot siya sa isasagot ng kanyang kuya. Natatakot siya na baka ayaw nga ng kanilang ama sa kanya.
"Hoy! Lexus, bat mo naman naitanong yan?" kunot noo tanong ni Raddix, nagulat siya sa tanong ng nakakabatang kapatid niya. Nakita niyang namumula na ang mga mata nito na para bang pinipigilan nitong umiyak. Hinawakan niya sa balikat si Lexus, at pinahinto niya ito sa paglalakad. Pumunta siya sa may harapan ng nakakabatang kapatid niya.
"Bakit mo naitanong yan sa akin Lexus?" seryosong tanong ni Raddix, gusto niyang malaman kung bakit naitanong sa kanya ni Lexus, ang tanong nito sa kanya.
"Ka-kasi Kuya X, n-ni minsan hindi a-ako tinawag ni tatay na a-anak." kahit na may kumawala ng luha sa mga mata ni Lexus, ay pinipigilan pa rin niyang wag tuluyan na umiyak. Mabilis niya ito pinunasan gamit ang kanyang kamay. Sa totoo lang ay naiininggit siya sa kanyang Kuya X, dahil tinatawag siya ng kanilang ama na anak. Samantalang siya Lexus, lang ang tawag ng ama niya sa kanya.
"'Yun lang ba ang dahilan kung bakit tinanong mo sa akin ang tanong na iyon?" mahinahon na tanong ni Raddix, hawak ang kamay ng kanyang nakakabatang kapatid pumunta sila sa may upuan sa parke ng simbahan sa bayan ng Isidro. Umupo muna sila para pag-usapan ang sa loobin ni Lexus. Nakita niyang umiling ang nakakabatang kapatid niya.
"W-wa-wala na Kuya X." umiiling na naiiyak na sabi ni Lexus, pinunasan niya ang kanyang luha gamit ang laylayan ng kanyang suot na kulay berdeng t-shirt.
"Sigurado ka ba? Sige na sabihin mo na sa akin kung ano ang gumugulo sa isip mo ngayon." nakangiting nakatingin si Raddix, sa kanyang nakakabatang kapatid na tuluyan na umiyak.
"Kuya X, 'di a-ako ma-mahal ni tatay." umiiyak na sabi ni Lexus, ang iyak niya ay naging hagulgol na. May mga napapatingin sa kanilang kinaroroonan pero wala siyang pakialam.
Hinintay na muna ni Raddix, na tumahan si Lexus, bago niya ito kausapin. Hindi niya alam kung ano bang iniisip ng kanyang nakakabatang kapatid. Matagal tagal din ito umiiyak ng makita niyang nahimasmasan na ito ay kinausap niya ito ulit.
"Lexus, puwede mo na ba sabihin sa akin kung bakit mo naitanong ang tanong mo na iyon? Kung bakit nasabi mo na 'di ka mahal ni tatay?" mahinahon na tanong ni Raddix, tumahan na sa pag-iyak ang kanyang nakakabatang kapatid. Seryoso siyang nakatingin kay Lexus, ngayon hinihintay niyang sumagot ito sa mga katanungan niya.
"K-kuya X, napapansin ko na hindi ako masyado pinapansin ni tatay. Kung papansinin man niya ako ay pinapagalitan naman niya ako. 'Di man lang ako tinatawag na anak kumpara sa'yo na anak lagi ang tinatawag sa'yo." malungkot na sabi ni Lexus, pinunasan niya ang kanyang luha gamit ang laylayan ng kanyang suot na damit. Naramdaman na lang niya na may humahaplos sa kanyang likod. Napatingin siya sa kanyang Kuya X, na nakangiting nakatingin sa kanya habang hinahaplos nito ang kanyang likod.