3

377 10 0
                                    

Anak Ng Callboy 

Chapter 3

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

"Saan mo ito nakuha?" ngising tanong ni Calum. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa guwapo at makisig na lalaking nakaupo sa kanyang harapan. 

"Sa Malawi Compound sa Bayan ng Isidro." ngiting sabi ni Aakil. 

May mga kakilala si Aakil, na nakapagsabi sa kanya na meron mga guwapo, makikisig at sariwa sa huling kanto ng Malawi Compound sa Bayan ng Isidro. Marami na rin siyang naririnig tungkol sa lugar na iyon. Noong una ay hindi niya trip na pumunta roon. Dahil alam naman niyang iyong lugar na iyon ay ang pinakamahirap na lugar sa Bayan ng Isidro. Pero pinipilit siyang pumunta roon ng mga kakilala niya. Sa sobrang usisa niya ay sinubukan niyang pumunta. Sobrang takot siya habang dumaan siya sa daan ng Saba Compound. Marami na siyang nababalitaan na delikado ang lugar na iyon. Lahat yata ng mga snatcher, magnanakaw, drug addict, pusher at iba pang masasamang trabaho. Pero nakahinga siya ng maluwag dahil sa kanyang nakitang mga guwapo at makikisig na lalaki at magaganda at sexy babaeng pakalat-kalat sa huling kanto ng Malawi Compound. At doon ay nakilala niya si Raddix. 

"Seryoso ka ba?" gulat na tanong ni Calum. Akala niya ay isang modelo si Raddix. Akala niya ay nakuha ito ng kanyang kaibigan sa isang mamahalin bar tulad na lang ng Helix Bar na isang sikat na bar sa Bayan ng Prado. 

"Yeah! Mukha ba ako nan-tritrip?" ngising sabi ni Aakil. Lihim siyang natatawa dahil kanina pa niya napapansin na hindi maalis-alis ang tingin nito kay Raddix, kanina pa nakangiting nakatingin kay Calum. Nakakaramdam na nga siya na out of place na siya. Bigla na lang tumingin nakangiti si Calum, sa kanya. 

"Kamusta ang performance ni Raddix?" ngiting tanong ni Calum. Kanina pa sila nagkakatitigan ni Raddix. 

"Hindi ko alam? Bat hindi mo alamin?" ngising sabi ni Aakil. Hindi pa niya nakakatalik si Raddix. Dahil gusto niya ito ibigay kay Calum. Nakita niya ang kasiyahan sa guwapong mukha ng kanyang kaibigan. 

"Sige na akyat na kami sa taas. Salamat dude!" ngiting sabi ni Calum.

Inaya na ni Calum, si Raddix na pumunta sa unit niya at doon ay magkakaalaman na kung magaling ba ito o hindi. Sumakay na sila sa elevator at nagpapasalamat siya dahil silang dalawa lang ang nasa loob ng elevator. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nila sa isa't-isa. Nasa 10th floor pa naman ang floor ng unit niya. Bigla na lang sila nagsunggaban ng halik. Napayakap sila sa isa't-isa. Isang mapusok na laplapan ang nagaganap sa kanilang dalawa. Dila sa dila. Laway sa laway. Narinig nilang biglang bumukas ang elevator. Mabilis silang naghiwalay sa isa't-isa. May isang pumasok na isang matandang babae. Nagkatinginan silang dalawa ni Raddix. At isang ngisi ang lumitaw sa kanyang mga labi. Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa 10th floor kung saan ang floor unit niya.

"Sir Calum, ang galing mong humalik." ngising sabi ni Raddix. 

Nararamdaman ni Raddix, na magiging tiba-tiba siya ngayong gabi. Matagal na niyang nakakausap si Sir Aakil. Noong una niya nakilala si Sir Aakil, akala niya ay kukunin nito ang resbisyo niya. Sinabihan siya nito na may ipapakilala. Naghintay siya ng mga ilang araw sa sinabi ni Sir Aakil, sa kanya. At heto nga kasama na niya ang pinakilala sa kanya ni Sir Aakil. Kailangan na kailangan pa naman niya ng pera para makabayad na sila ng kuryente. Naputulan kasi sila ng kuryente. Gusto man niyang humingi ng pera sa kanyang ama ngunit wala rin itong pera. Kailangan niyang galinga para malaki ang makukuha niyang pera. 

"Calum, na lang ang itawag mo sa akin. Nasarapan ka na? Paano na lang kung natikman mo na ako?" ngiting sabi ni Calum. Pumasok na sila sa condo unit niya. Inaya na muna niya si Raddix, na kumain. Ngunit tumanggi ito sa alok niya. 

CallboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon