This story has advanced chapter on my vip group, payment starts at 50 per month. If interested, please message Thea Llorin on messenger or email torresthea15@gmail.com thank you!
Chapter Twelve
"We can take that chance, Serena."
"Naisip ko din."
"Kaya pala panay ang tanong ni Michelle sa akin. She was so broken-hearted."
Umayos ako ng upo at hinarap si Darcy.
"Darcy, sure naman diba? Iyong pagiging producer ko."
Darcy nodded. "Yes. Ako bahala jan, basta gawin mo lang yung best mo para kay Cole."
I am not really sure what's going to happen. E-explain ko na lang din kay Cole siguro? Pero hindi naman kasi... bahala na. Goodluck nalang talaga, Serena.
Nagpaalam na ako kay Darcy pagkatapos ng short meeting naming dalawa. She called me last night, kasi nga nagtatanong daw si Michelle doon sa sinabi ni Cole. No choice ako kundi sabihin na din iyong mga ginawa ni Cole. And sabi ni Darcy, hindi naman daw pala mahirap iyong inuutos nya sa akin.
Mamayang gabi na yung premiere night ng movie ni Cole. He will be busy for the next few days, kasado na din kasi yung meet and greet nya. Nagawan ng paraan ni Darcy.
Pagka-scan ko sa id ko, automatic na bumukas iyong gate. Nag-pakyu pa ako sa mga paparazzi ni Cole sa labas ng bahay nya. Mga walang magawa, laging gustong hanapan ng butas si Cole. Nagpark ako ng jimny sa spot ko at naglakad na papunta sa main house ni Cole, kaso nadaanan ko sya sa gym.
I couldn't blame Michelle though, tama nga naman. Binigay nya lahat kay Cole pero kasi asungot talaga si Cole at dapat hindi sya umasa.
"Where have you been?"
Kumurap ako at umayos ng tayo.
"Kay Darcy. Nag-uhm, bilin lang."
"Bilin saan?"
"Sa mga bagay bagay." I said, dismissing.
"She probably asked about yesterday. I bet Michelle already told Darcy about it."
"Speaking!" Tinuro ko pa sya. "Dinamay mo pa talaga ako?"
Dinampot nya ang towel sa gilid at hinarap ako.
"I had no choice, Serena. Naiipit ako, baka makita pa ng mga reporters." Tinagilid nya ang ulo sa akin. "And besides, hindi nila bibigyan ng pansin yun."
"Sigurado ka ba? Michelle was eager to know the answer."
"Then, let her think what she wanted to think. I don't owe her explanation." Nilampasan nya ako.
Around three pm, nag ayos na si Cole para sa premiere night. I wore comfy cream pants and a white top. Naka-white dress shirt lang si Cole at black pants. Inayos ko lang ang buhok nya bago kami umalis.
We were on time. Binaba lang kami sa likod ni Ronnie. I immediately saw Darcy, nilapitan agad ng mga bouncer si Cole papasok sa loob. Bitbit ko naman ang mga gamit nya na nakasunod sa kanila. He was greeted by some of the artists, Direk JM is on the stage with Dewberry. Merong small red carpet na lalakadan ng mga cast doon. Naunang maglakad si Dewberry, she's with Direk JM. Sunod ay si Hyan at Cole.
Some of his showbiz friends were present. I saw Kirsten in the crowd kasi vlogger sya. Kitang kita ko ang ginawa nyang pagsulyap sa akin noong ngumiti na si Cole sa mga photographers. Oh god, ito na nga yung sinasabi ko.
Marami pang mga artista na dumalo para sa suporta. And I freaking saw Tricia in the crowd. Binati nya lang ng casual si Cole.
After ng mga picture taking, nakita ko pa si Chen na humabol. Syempre yung fangirl mode ko ang bilis.

BINABASA MO ANG
Spanish Whipped Coffee (Coffee Series)
RomanceCoffee Series Di pinangarap ni Serena ang maging assistant lang ni Cole habang buhay, she wanted to be a producer. Pero bago makuha ang promotion na iyon, kailangan nyang sundin ang isang utos na alam nyang pwedeng magbago sa lahat. Game sya sa gaga...