Chapter Twenty-Six

54 4 0
                                    

This story is COMPLETED on my vip group. If interested, please message Thea Llorin on messenger or email torresthea15@gmail.com thank you!

Ps: Sa tatlong chapters ng SWC ay mababasa na sa VIP Group pati Epilogue... sa ngayon. Ilalagay ko pa din naman dito, matatagalan lang. Thank you!

Chapter Twenty-Six





"Paki balot na din po."

Tahimik kong pinagmasdan ang pagbabalot sa ireregalo ko sa kasalan para sa susunod na araw. Paalis na kami ni Darcy mamaya, gusto daw niyang mauna sa lahat dahil bilang siya naman daw ang unang naka-witness ng love story nung dalawa

Ang daming alam ni Darcy. Cringe pa.

"Salamat po."

I paid for them and went home after. Kumuha daw ng Hotel Room si Darcy kasi kasama niya iyong dalaga niyang favorite sina Monty. Sama nalang din daw ako sa room nila para daw magkaroon ako ng break sa trabaho, masyado daw kina-career ng pagiging producer.

"Paalis na sa apartment, excited nito."

[Syempre. Kailangan una ako. Papa-dinner si Monty.]

"Sige na, sakay na ako sa edyip."

[Magtaxi ka na! Ang bato nito, may bulsa ka ba sa balat? For sure ang binili mong regalo ay Rice Cooker.]

"Mali! Kettle lang."

[Kuripot ka na ha!]

Mag edyip pa din ako papunta sa bahay ni Darcy. Denise smiled at me.

"Halika na."

Sitting pretty si Darcy sa passenger seat, buti nga nagpadaan sa drive thru.

"Mommy, iyong hilik mo." Suway ni Denise sa kanya.

Natawa ako. Sumimangot lang si Denise kasi tulog mantika na yung Mommy niya. Buti nilagay ni Darcy sa waze iyong daan kasi bobo pa naman ako.

Hindi ko sigurado pero Lausingco Hotels ata to, tapos sa bandang gilid malayo ng konti ang garden na venue ng kasalan. Ginising ni Denise ang mommy niya noong magparking na ako.

Binuhat ko na iyong duffle bag ko at iyong regalo ko. Panay ang reklamo ni Denise kasi inutusan pa daw siya ng Mommy niya.

"Inis ka na ba sa Mommy mo?"

"Ay sobra ate. Kanina pa yan, masyadong excited."

Pumasok kami sa loob ng Hotel. Napabahing ako nang makalapit kami sa receptionist. Nag confirm lang si Darcy bago kami tinulungan ng bellboy.

"Darcy."

Huminto kami nang tawagin ni Chen. Nauna pa sa pagyakap si Denise.

"Ang ganda mo naman ate."

Namula ang pisngi ni Chen at ngumiti sa amin.

"Kakarating niyo lang din?"

"Oo. San si Monty?"

"Nasa kwarto niya siguro, bawal kami magtabi." Sagot niya nang natatawa pa. "Anyway, may pa-dinner sa Hall."

"Sunod kami, pahinga lang saglit."

"Okay. Pahinga lang kayo, nag seset up palang naman." Bumaling sa akin si Chen. "Buti nakarating ka, Serena."

"Syempre. Gusto ko ma-witness pag iisang dibdib niyo ni Monty kahit masakit." Pabiro kong sabi.

"You can borrow him."

"Wag ka na, Serena. Meron ako ipapakilala sayo." Singit ni Darcy. Sinamaan ko siya ng tingin.

Spanish Whipped Coffee (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon