This story has advanced chapter on my vip group, payment starts at 50 per month. If interested, please message Thea Llorin on messenger or email torresthea15@gmail.com thank you!
Chapter Thirteen
Isang tango lang ang ginawa ni Cole noong nagpaalam ako. Uuwi akong Lucena ngayon kasi pumayag sya at wala naman syang gagawin ngayon.
Nagmaneho na ako palabas ng bahay nya at papunta sa highway. I informed Mama about this, ipagluluto nya daw ako ng gusto kong ulam at sabi nya mamamasyal kami sa Niyugyugan sa may perez park ngayon. Sakto naman yung uwi ko.
Inabot pa nga ako ng trapik kaya halos nag aagaw na yung liwanag at dilim sa langit noong makapasok ako sa Lucena. Nadaanan ko sa Perez Park yung Niyugyugan, excited ako umuwi sa bahay lalo na't pinagluto ako ni Mama ng paborito kong ulam.
“Two days lang ako, Ma. Marami din kasing sunod na schedule si Cole.”
“Hindi mo ba sya sinama? Sayang at hindi nya makikita ang niyugyugan.”
“Kahit naman isama ko, hindi sya makakapag-gala.”
Pagkatapos ko kumain, inaya ko na agad si Mama na mamasyal sa Niyugyugan. Doon nalang namin kikitain si Kuya Billy dahil palabas palang ito ng trabaho nya. Nagtricycle nalang kami ni Mama dahil mahirap maghanap ng parking dito ngayon.
Nakakatuwa yung mga bawat kubol ng mga lugar sa Quezon Province. Pabonggahan talaga, puro pagkain nga ang binili namin ni Mama. Noong sumunod si Kuya Billy, pumila naman kami sa lucban para sa pancit habhab na nasa dahon ng saging.
We also took a pictures. Himala nga at walang text or tawag si Cole sa akin, mabuti naman alam na nya ang salitang pahinga.
Madaling araw na kami halos nakauwi sa bahay. Busog na busog ako sa mga pinamili naming pagkain.
Sumunod na araw, abala na si Mama sa tinatapos nyang tahiin. Si Kuya Billy naman ay pumasok na sa trabaho nya.
“Gusto mong mamasyal uli, anak?” Tanong ni Mama matapos kong maligo.
“Mamaya nalang siguro, Ma. Ang init.”
Ako nagluto ng lunch namin ni Mama tapos ako na yung nagpresintang maghugas ng mga pinggan. Isa isa na ding kinuha ang mga patahi kay Mama.
“Di ka sasama mamasyal, Ma?”
“Hindi na muna, anak. Pagod ako sa mga tahiin. Sige, mag enjoy ka lang.”
Nang okay na ako sa itsura kong crop top at maong pants, nagpaalam na ako kay Mama na huling pasyal dahil babalik na ako sa manila bukas. Baka magtrantums na naman si Cole kapag di pa ako umuwi agad.
Madilim na noong makarating ako sa Niyugyugan ngayon. Excited pa din ako at mas maganda ang itsura ngayon, mas dumami nga lang ang tao sa paligid.
“Serena!”
Nahinto ako paglalakad nang marinig ko iyon. I look back and saw Ali with her husband. She waved at me, tapos nakita ko si Leonardo sa gilid. Automatic yung pagngiti ko agad.
“Huy!” Bati ni Leonardo sa akin.
“Hi.”
“Nandito ka?”
“Hometown ko to. Kayo?”
“Sa Lucban sina Ali, sumama lang kami.”
Hinila ako ni Ali sa kubol ng Lucban para bumili ng pancit habhab. Nakilala ko pa ang ibang kasama nilang si Macario at Slater. Dinamihan ko yung suka sa habhab ko nang may mahagip akong pamilyar na bulto. Pero ang imposible naman?
![](https://img.wattpad.com/cover/372403816-288-k154204.jpg)
BINABASA MO ANG
Spanish Whipped Coffee (Coffee Series)
RomanceCoffee Series Di pinangarap ni Serena ang maging assistant lang ni Cole habang buhay, she wanted to be a producer. Pero bago makuha ang promotion na iyon, kailangan nyang sundin ang isang utos na alam nyang pwedeng magbago sa lahat. Game sya sa gaga...