This story has advanced chapter on my vip group, payment starts at 50 per month. If interested, please message Thea Llorin on messenger or email torresthea15@gmail.com thank you!
Chapter Fourteen
Hinagod ko ang buhok ko at umayos ng tayo habang pinapanuod ko si Cole sa gitna para sa photoshoot nya kung saan featured sya sa isang magazine.
“Hi.” Pumasok ang isang editorial member sa loob. “I'm Gailor Llorin. Wondering if I could have a short time para sa short interview with Cole Hernandez?”
“Yeah, sure. Patapos na din naman kami.” Sagot ni Cole.
Ngumiti iyong Gailor Llorin sa lahat doon. Noong matapos sa last set, pinaunlakan na ni Cole ng interview si Gailor. Tipikal na mga tanungan lang iyon na nagulat ako kasi malugod na sinagot ni Cole iyon.
“How about love life, Cole?”
Nakita ko kung paanong umangat ang gilid ng labi nya bago sya sumulyap sa pwesto ko at binalik uli kay Gailor ang tingin.
“Ang ganda ng ngiti. I assumes meron?”
“Do I need to answer that?”
“Depende. Pero kung gusto mo, iwan natin iyong mga fans mo na curious sa love life mo. I mean, you're Cole Hernandez for one thing.”
“Sige. Leave them curious.”
Pagkatapos ng interview, nagpasalamat na si Gailor kay Cole bago sa ibang staff. Lumakad palapit sa akin si Cole at umupo.
“Wala na sunod na schedule?”
“Wala na.”
Naramdaman ko yung buntong hininga niya.
“Cole, checheck mo pa ba yung pictures?” Tanong ng photographer.
“Sige. Sabihan mo ko kung pwede na.”
Tapos tinagilid nya ang ulo nya sa akin. Kumurap ako.
“Ayusin ko na gamit mo.”
“Remove my make up first, Serena.” Nilahad nya ang make up remover doon.
Nilapitan ko nalang iyon at kumuha ng bulak tapos nilagyan ko ng make up remover. Nakatitig nga sya, lumapit pa ako at yumuko ng konti.
“Pikit ka.” Utos ko pa.
“That's okay,”
Tinagilid ko ang ulo ko at pinunasan na ang mukha nya. His eyes were open and he's staring at me as I wipe his face.
“Sa mata na ako.” Sabi ko.
Pumikit naman sya at tiningala pa ang mukha sa akin. Ngumuso ako at pinunasan ang mata nya para maalis ang make up nya doon. Alam ko namang makinis ang mukha ni Cole pero ewan ko kung bakit napatitig ako ngayon sa kanya.
Slowly, he open his eyes. Napakurap ako uli nang magtama ang mata namin.
“Cole, ready na.”
Lumayo ako at tinapon sa basurahan ang tissue, tumayo naman si Cole at lumapit sa monitor doon. Pinalobo ko ang pisngi ko dahil sa uneasy na pakiramdam ko bigla.
Jusko, ano yun, Serena?
“I like this.”
Sinimulan ko nalang ayusin ang mga gamit nya, ilang saglit pa ay lumapit na sya uli sa akin. Bago pa ako makapagtanong, hinubad na nya ang suot na damit. I came face to face with his chest.
“Tshirt, Serena.”
Hinila ko ang isang tshirt nya at inabot sa kanya.
“Ayos ka lang?”

BINABASA MO ANG
Spanish Whipped Coffee (Coffee Series)
RomansaCoffee Series Di pinangarap ni Serena ang maging assistant lang ni Cole habang buhay, she wanted to be a producer. Pero bago makuha ang promotion na iyon, kailangan nyang sundin ang isang utos na alam nyang pwedeng magbago sa lahat. Game sya sa gaga...