KABANATA 1 "KASUNDUAN"

172 8 0
                                    

[KABANATA 1]

INAYOS ni Alessia ang mga plato sa hapagkainan. Napangiti siya nang may yumakap sa kanya mula sa likod. Nilingon niya ito at nakita niyang si Benjamin, ang kanyang asawa.

"Akala ko matatagalan ka pa sa banyo," tumawa ito.

"Naligo ako nang maayos dahil gusto kong maging malinis sa paningin ng mga kaklase ko," inabot niya ang magkabilang pisngi ng kanyang asawa.

"Gwapo ka naman, plus points iyon. Hay, pwede bang wag ka na lang umattend, Benjamin, kasi baka hindi ka na umuwi. Ikaw pa naman ang pinakagwapo sa batchmates niyo." Humalakhak ito at pinagdikit ang mga noo nilang dalawa. Tatlong taon na silang kasal at wala pa silang anak dahil may problema siya sa matres. Kahit ganun, hindi siya iniwan ni Benjamin. Sinubukan naman nila na makabuo pero wala talaga. Kahit ganun, hindi siya sinisi ni Benjamin.

"Mahal na mahal kita, Pangga," matamis niyang sabi sa kanyang asawa.

"Mahal na mahal din kita at walang hihigit sa'yo, Alessia," naging emosyonal siya at mahigpit na niyakap si Benjamin. Nagsimula ang lahat nang palagi siyang binubully ng mga kaklase niya dahil nerd siya, hanggang sa dumating ang transfery na si Benjamin sa eskwelahan. Class president ito sa eskwelahan nila hanggang sa pinagtagpo silang dalawa. Tila parang pelikula ang kwento ng buhay nila.

Pagkatapos ng emosyonal na eksena, kumain sila.

"Maaga akong uuwi, Pangga," sabay kaway ng asawa niya at sumakay na sa tricycle. Simple lang ang buhay nila. Hindi sila mayaman, nakatira sila sa maliit na bahay sa Quiapo.

Alas-dyes na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi ang asawa niya. Magdamag niya itong hinintay. Napatayo siya nang makarinig ng tunog ng makina. Binuksan niya ang pinto at isang puting kotse iyon. Bumaba ang asawa niya at bumaba rin ang isang babaeng pamilyar sa kanya. Hanggang sa maalala niya kung sino iyon.

"Bakit magkasama si Benjamin at si Kimberly?" Napahawak siya sa doorknob nang makita niyang hinalikan ni Kimberly sa pisngi ng asawa niya. Nang maka-alis na ito at humarap sa kanya si Benjamin, gulat na gulat ito pero ngumiti lamang siya at binalewala ang mga nasaksihan niya.

"Sabi mo maaga kang uuwi," malungkot niyang sabi. Hinapit ni Benjamin ang bewang niya at sumiksik sa leeg niya.

"Uminom ka?"

"Konti lang, Pangga," hinaplos niya na lang ang buhok ng asawa at pumasok sila sa bahay. Inalalayan niya ito na pumasok sa kwarto nila at pinahiga sa kama. Agad itong nakatulog. Napabuntong-hininga na lang siya. Isa-isa niyang inalis ang butones ng polo ni Benjamin hanggang sa mapatigil siya nang makita niya ang isang hickey. Pumasok sa isipan niya si Kimberly.

Noon pa man ay may pagtingin na ito sa asawa niya at kinakabahan siya. Namumuo ang luha sa mga mata niya. Pinunasan niya ang mga iyon ay kailangan niyang magtiwala sa asawa niya.

Hindi siya nakatulog kagabi kaya naman kinaumagahan ay mugto ang mga mata niya at tulala siya.

"Pangga," natauhan siya nang sumigaw si Benjamin. Napasinghap siya nang lumiyab ang apoy sa kalan. Hinila siya papalayo doon sabay buhos ni Benjamin ng tubig.

"Pasensya na, Pangga," naiiyak niyang sabi. Niyakap siya nito.

"Ayos lang ba? Bakit ka ba tulala, ano ba ang iniisip mo?" sabi nito at dahan-dahan na lumayo. Kinagat niya ang pang-ibabang labi.

"Si Kimberly may gusto siya sa'yo, Benjamin, at nang buksan ko ang polo mo, may nakita akong hickey. Sa kanya ba galing iyon?" napayuko siya pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Ilang segundo itong hindi umimik hanggang sa marinig niya ang bigat ng buntong-hininga nito.

"She's drunk kaya nagawa niya iyon. Kalimutan mo na siya, Pangga. Diba sabi ko sa'yo hindi ako titingin-" Hindi niya ito pinatapos. Mahigpit niya itong niyakap at umiyak.

"Patawad, Benjamin, kung pinag-iisipan kita ng masama," naiiyak niyang sabi. Hinaplos nito ang buhok niya at hinalikan ang ibabaw ng ulo niya.

"Mahal na mahal kita, Alessia Cara Santos."

Makalipas ang isang buwan ay napansin niya ang pagbabago kay Benjamin. Minsan inaabot na itong umaga umuwi galing trabaho. Isa itong engineer sa kompanya nina Kimberly. Nalaman niya lang iyon ng ilang araw matapos ipagtapat sa kanya. Hindi na daw pinaalam sa kanya baka mag-isip na naman daw siya ng kung ano-ano. Hanggang isang araw ay nag-away sila.

"Alessia, ano ka ba? Boss ko lang si Kimberly. Tigilan mo nga yang pagiging selosa mo!" bulyaw nito. Nagulat siya dahil ito ang unang beses na sinigawan siya ni Benjamin, naiiyak na naman siya.

"T*ngina, palagi ka na lang ganyan, iiyak. Wala kaming ginagawa ni Kimberly ng masama at kung hindi ka naniniwala, bahala ka sa buhay mo," dagdag pa nito at malakas na sinira ang pinto ng bahay nila. Napaluhod siya sa sahig at umiyak. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya pero mas lalo lamang lumakas ang iyak niya.

Hindi umuwi si Benjamin kagabi kaya naman kinaumagahan ay pinuntahan niya ito sa trabaho at nakita niya itong nakikipagtawanan kay Kimberly. Mahigpit niyang hinawakan ang plastik na may lamang baunan nang makita niyang hinaplos ni Kimberly ang dibdib ng asawa niya. Kinalma niya ang sarili. Ayaw niyang gumawa ng eksena baka madagdagan na naman ang pag-aaway nila ni Benjamin. Pinili niya na lang tumalikod at umuwi ng bahay.

Sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo pang lumalamig ang pagsasama nilang dalawa.

"Benjamin, pwede ka bang mag-day off? Pasyal tayo," nakangiti niyang sabi sa asawa. Napatigil ito sa pagsubo ng kanin.

"Hindi pwede. Alam mo naman marami tayong bayaran sa bahay. Sa susunod na lang," malamig na sabi nito. Ngumiti na lang siya at  tinago ang lungkot. Kahit sa kama ay naging malamig na rin ito sa kanya. Noong isang beses na nagpakita siya ng motibo na may mangyari sa kanila, hindi siya pinansin at dinahilan na pagod ito.

"Bakit tila nanlamig ka na sakin, Pangga?" naiiyak niyang sabi habang pinagmamasdan ang tulog niyang asawa.

"Diba mahal mo pa naman ako, diba?" pumiyok siya.

"Kasi ako mahal na mahal kita kaya naman wag mo akong iwan," tinakpan niya ang bibig niya para hindi kumawala ang hikbi niya. Natulog siyang may luha sa mga mata at nagising siya na wala na sa tabi niya si Benjamin. Umalis na ito galing trabaho. Mag-isa na naman siyang mag-aalmusal. Kahit mga kapitbahay nila ay pinag-uusapan sila. Kesyo daw na hindi niya kayang bigyan ng anak si Benjamin kaya humanap ng iba o mukha daw siyang losyang kaya nasawa na ang asawa niya.

Nasasaktan siya!

MOONLOVERPRINCESS2

MY HUSBAND SOLD ME TO THE DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon