KABANATA 10 "BIYAYA"

30 6 0
                                    

[KABANATA 10]

Nang araw na sinabi iyon ni Hendrix sa kanya, wala itong araw na pinalampas. Araw-araw siyang dinadalhan ng bulaklak, tsokolate, at love letter. Tuwing binabasa niya ang mga iyon, kinikilig siya, parang bumalik siya sa pagiging teenager. Ngayon lang siya nakaranas na bigyan ng love letter.

"Ate, kinikilig ako," sabi ni Vernice nang makita si Hendrix na may dalang kumpol na rosas. Inayos niya ang sarili niya at lumapit kay Hendrix at tinanggap ang dala nito.

"Thank you, Hendrix. Upo tayo, kamusta ang trabaho mo?" ngumiti ito.

"Ayos naman, minuto-minuto kitang namimiss," ngumiti siya dahil sa narinig.

"Kamusta si Mila sa State?"

"Ayos naman siya doon. Next week uuwi siya dito para makita ka. Are you free tomorrow?" tanong ni Hendrix.

"Yes," sagot niya.

"Mag-date tayong dalawa," hindi nawala ang ngiti niya sa labi. Pumayag siya na mag-date silang dalawa bukas. Natatakot pa rin siyang masaktan pero naisip niya na parte naman iyon ng relasyon. Hindi siya hinahawakan ni Hendrix dahil tsaka lang daw nito hahawakan ang kamay niya pagnaging sila na.

Sa bawat araw na lumipas, kita niya ang sinseridad ni Hendrix sa panliligaw sa kanya at hindi niya na ito pahihintayin pa. Nang dumating si Mila sa Maynila, kumain sila sa labas. Marami itong kwento sa kanya nang magbanyo si Hendrix. Kinuwento sa kanya ni Mila ang nangyari sa tatlong taon na lumipas na umalis siya sa mansion.

Madalas daw itong lasing at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya. Nalungkot siya nang marinig ang sinabi ni Mila na umiiyak ito habang tinatawag ang pangalan niya.

"Mahal na mahal ka talaga ni Kuya, Ate Alessia. Alam mo, sinabi niya rin sa akin ang katotohanan at ang naging karanasan mo sa isang relasyon. Hindi ako mangangako na hindi ka paiiyakin ni Kuya pero isa lang ang sigurado ko, ang pagmamahal sa'yo ni Kuya ay totoo," hinawakan niya ang kamay ni Alessia pagkatapos sabihin iyon.

"Alam ko yun, Mila. Sa tuwing kasama ko ang Kuya Hendrix mo, ramdam ko ang pagmamahal niya at respeto para sa akin. Kaya naman sasagutin ko na siya-" hindi niya natapos ang sasabihin nang magsalita sa likod niya si Hendrix.

"Talaga, Alessia? Sinasagot mo na ako?" nanginginig na tanong ni Hendrix. Tumayo siya at niyakap niya ito ng sobrang higpit at gumanti naman ito.

"Oo, Hendrix. Sinasagot na kita." Nagulat siya nang umiyak ito sa harapan niya kaya lalo siyang napangiti. Walang masama kung bibigyan niya ng pangalawang pagkakataon ang puso niyang magmahal. Lumipas ang araw, linggo, buwan, at taon. Nauwi rin sa kasal ang pagmamahalan nilang dalawa.

Dalawang taon na silang nagsasama.

"Try this, Alessia!" nanginginig ang kamay ni Hendrix nang ibigay sa kanya ang pregnancy test.

"Hendrix, paano kung negative?" naiiyak niyang tanong. Hindi na siya umaasa na mabubuntis siya. Ilang araw na kasi siyang nakakaramdam ng hilo at pagkaduwal, delayed din ang menstruation niya. Sinabi niya ito kay Hendrix kaya nagulat siya nang lumuhod ito sa harapan niya at umiyak. Nagmamadali rin itong bumili ng pregnancy test.

"Negative man o positive ang resulta, Alessia, hindi magbabago ang nararamdaman ko para sa'yo," napapikit siya nang hinalikan nito ang noo, ilong, at labi niya. Tumango siya at sinubukan ang pregnancy test. Ilang minuto siyang nasa banyo. Tinakpan niya ang mukha niya at kinuha ang pregnancy test. Huminga siya ng malalim at tinignan ang resulta. Napaluhod siya at napatili.

"Anong resulta?" tanong ni Hendrix na hindi narin napigilang pumasok sa banyo Naiiyak niyang ibinigay ang pregnancy test.

"Positive. I'm pregnant, Hendrix." Walang tigil ang pagbuhos ng luha niya.

"Yes, daddy na ako! Daddy na ako!" sigaw nito at niyakap siya ng mahigpit. Paulit-ulit na hinalikan ni Hendrix ang noo niya at nagpasalamat sa kanya. Hindi niya inaasahan ang biyayang binigay sa kanya. Nang magpa-ultrasound siya, nalaman nila ni Hendrix na hindi lang isa ang dinadala niya kundi tatlo. Nagpasalamat siya sa Diyos at hindi siya sumuko na humiling at magpasalamat sa biyayang natanggap niya.

Inalagaan siya ni Hendrix hanggang sa manganak siya. Ramdam niya talaga ang pagmamahal nito sa kanya at sa mga anak nila. Sobrang saya niya at tama ang naging desisyon niya na hindi siya sumuko. Isang araw, aksidente niyang nakita sa isang grocery ang dati niyang asawa na si Benjamin kasama ang anak nitong lalaki.

"Kamusta ka na?" tanong nito sa kanya.

"Ayos naman," nakangiti niyang sagot.

"Congrats nga pala. Nakita ko sa Facebook yung post ni Hendrix sa mga anak niyo. Masaya ako para sa'yo," emosyonal na sabi nito. Ngumiti siya. Wala na yung sakit at galit na nararamdaman niya.

"Salamat, Benjamin. Kayo, kamusta na kayo ni Kimberly?" malungkot itong ngumiti.

"Pagkatapos niyang manganak, iniwan niya kami at sumama siya sa ibang lalaki. Alam mo, Alessia, nagsisi ako sa mga nagawa ko sa'yo. Nabiyayaan ka ng triplets pero hindi nga lang ako yung kasama mo," tinapik niya ang balikat ni Benjamin.

"Sorry, Benjamin, sa mga pagkukulang ko sa'yo," umiling ito.

"Ako ang nagkulang, Alessia. Hindi kita pinahalagahan. Ngayong masaya ka na at mahal mo na si Hendrix, ngayon ko lang narealize na malaki ang sinayang ko."

"Kalimutan mo na yun, Benjamin. Sa ngayon, mag-focus ka na sa anak mo at darating din ang babaeng nararapat para sa'yo. Huwag kang mawalan ng pag-asa," sabi niya.

Sa huling pagkakataon ay nagpaalam sila sa isa't-isa. Lalong naging malalim ang pagmamahal ni Alessia kay Hendrix at sa mga anak nila.

"Hendrix, nakikiliti ako," natatawa siya nang hinahalikan nito ang leeg niya. Sabi ng doktor ay nagkaroon daw ng miracle dahil makakayanan pa daw niya magbuntis ng higit sa lima. Kaya ito si Hendrix, nasa ibabaw niya at hinahalikan siya.

"Mahal na mahal talaga kita, Alessia," hinaplos niya ang mukha ni Hendrix.

"Mahal na mahal din kita, Hendrix. Salamat dahil ipinaramdam mo sa akin kung gaano kahalaga ang buhay at huwag mawalan ng pag-asa. Marami akong natutunan sa buhay ko na ikaw ang kasama ko," hinalikan siya nito sa noo at pinagdikit ang mga noo nila.

"Manalig lang tayo, Alessia. Hindi ka sumuko na magdasal at hindi ka nawalan ng pag-asa. Ngayon ay natupad na ang hinihiling mo. Hindi lang isang anghel ang binigay sa atin kundi tatlo pa at masusundan pa yun," napasigaw siya nang muli siyang hinalikan ni Hendrix sa taas ng dibdib niya. Wala silang suot na damit sa loob ng kumot.

"Pilyo ka talaga," natatawa niyang sabi.

"Pilyo talaga ako dahil ako ang asawa mong doktor," sabi nito at hinalikan siya sa labi. Marami siyang natutunan sa buhay, lalo na sa buhay mag-asawa. Ayos lang umiyak, huwag lang mawalan ng pag-asa. Ang biyaya ay dumarating, hindi man ngayon, bukas basta manalig ka, darating yun. Huwag mawalan ng pag-asa dahil ang kapalaran ng buhay ay nakasalalay sa taong nagpupursige.

I'm Alessia Cara Montenegro. Dito na matatapos ang kwento ng buhay ko. Masarap talaga magmahal ang isang Dr. Hendrix Jax Montenegro.

WAKAS

MOONLOVERPRINCESS2

MY HUSBAND SOLD ME TO THE DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon