KABANATA 8 "PAGPAPALAYA"

16 3 0
                                    

[KABANATA 8]

PANSIN ni Alessia ang pagiging taranta ni Hendrix. Napapatanong siya sa isipan niya kung bakit ito natatarantang pumasok. Mukhang alam na niya kung sino ang babaeng iyon; siguro ito ang totoong fiancée ni Hendrix.

"Mila, go to your room. Mag-uusap lang kami ng Ate Alessia mo," kumunot ang noo niya.

"Kuya!" pagrereklamo ni Mila.

"Just go to your room," padabog na naglakad si Mila pataas. Sila na lang dalawa ang naiwan. Nasa labas ang mga bodyguard at nasa kusina naman ang mga katulong.

"Hendrix, ano ang pag-uusapan natin?" tanong niya.

"Yung nangyari kanina. Hiwalay na kami ni Pamela at hindi ko alam na pupunta siya dito sa mansion," nagulat siya sa narinig. Bakit ito nagpapaliwanag sa kanya? Okey naman sa kanya kung magdala ito ng ibang babae sa mansion.

"Ayos lang sa akin, Hendrix. Wala namang kaso 'yun sa akin. Oo nga pala, nakita ko si Benjamin sa hospital. Bukas magkikita kami para sa divorce paper," malungkot niyang sabi. Hinawakan ni Hendrix ang kamay niya na ikinagulat niya. Seryoso ang mga mata nito.

"Sasamahan kita bukas. Baka kung anong gawin niya sa'yo, Alessia," marahan na sabi nito sa kanya. Tulala siya at ramdam niya ang kalabog sa kanyang dibdib dahil may kung ano siyang nakikita sa mga mata ni Hendrix.

"Hindi na, Hendrix. Hindi naman ako tatakas, Sabi ko pursigido na ako na ituloy ang operasyon," nakangiti niyang sabi.

"Sige! Magpapasama ako ng isang bodyguard sa'yo. Sa labas na lang siya maghihintay para makapag-usap kayo ng asawa mo," tumango na lamang siya sa sinabi ni Hendrix.

"Kamay ko, Hendrix," nahihiya niyang sabi dahilan para mabitiwan agad nito ang kamay niya. Humingi ng pasensya si Hendrix.

Tumaas na sila at pumasok sa kanya-kanya nilang kwarto. Napasandal si Alessia sa pinto. Naguguluhan na siya sa mga kinikilos ni Hendrix. Unang pagkikita nila ay marahas ito sa kanya pero ngayon ay naging maamo dahil siguro ay siya ang magbibigay ng pag-asa na mabuhay si Mila. Humawak siya sa noo niya. Kung ano-ano na lang ang iniisip niya pati kabutihan na pinapakita sa kanya ni Hendrix ay binigyan niya ng kahulugan.

Pagdating ng gabi ay sabay-sabay ulit silang kumain. Pinakinggan niya lang ang mga tanong ni Mila. Sinasagot naman iyon ni Hendrix.

"Ang kapal naman ng mukha niya. Hinalikan ka pa talaga sa harapan ni Ate Alessia. Naku, pag nakita ko ulit iyon, sasabunutan ko 'yun," panggigil na sabi ni Mila. Napangiti na lamang siya. Sa sandaling nag-stay siya dito sa mansion kasama niya ang dalawa, hindi niya na ito tinuring na kakaiba, lalo na si Mila. Parang kapatid na ang tingin niya dito kaya hindi siya magsisisi kung dito niya ibibigay ang puso niya. Pagkatapos nilang kumain ay sila na lang ni Hendrix ang naiwan sa hapagkainan.

"Anong oras ang alis mo bukas?" tanong nito sa kanya.

"7:30 am," sabi niya. Napatingin siya sa cellphone na nilahad sa kanya ni Hendrix.

"Tanggapin mo ito. Nandiyan na ang numero ko. Kung may problema, tawagan mo ako, Alessia. Wag kang magdadalawang-isip," nahihiya siyang tinanggap ang cellphone.

"Salamat, Hendrix. Isasauli ko rin ito sa'yo," sabi niya. Umiling ito.

"No! Sa'yo na 'yan. Binili ko 'yan para sa'yo. Dapat kahapon ko pa 'yan ibibigay sa'yo kaso hindi ko alam kung paano ko ibibigay kaya ngayon ko lang naibigay," nateteme siya. Tinapik ni Hendrix ang balikat niya.

"Goodnight," sabi nito at iniwan na siya. Napalingon siya kay Hendrix at sa bagong iPhone niya. Napangiti na lang siya.

"May tinatago naman palang bait si Hendrix," mahina niyang sabi.

Kinaumagahan, nauna na siyang nag-almusal. Hindi niya naabutan si Hendrix na kasama si Mila. Isasama niya muna daw ito sa hospital. Sakto 7:30am, pumunta na siya sa restaurant kung saan sila unang nag-date ni Benjamin at doon din ito nag-propose.

Umorder siya ng paborito ni Benjamin. Kahit sa huling sandali, gusto niya itong makasabay sa pagkain. Huminga siya ng malalim ng matanaw niya ang pagpasok ni Benjamin. Ngumiti siya para itago ang lungkot sa labi niya.

"Napa-aga ka," malamig na sabi ni Benjamin.

"Oo, 7:30 nandito na ako," sagot niya.

"So, excited ka na mag-divorce tayo?" Umiling siya sa tanong nito.

"Hindi, Benjamin. Naalala mo ba dito sa pwestong ito na nag-date tayo nung high school at dito ka rin nag-propose sa akin?" emosyonal niyang sabi. Tumango lamang ito sa kanya. Nasaktan siya sa malamig na trato ng asawa.

"Mahal pa rin kita," sabi niya. Malamig lamang siya nitong tinignan.

"Wala na akong nararamdaman para sa'yo," sagot nito.

"Ang bilis mo naman makalimutan na mahal mo ako, naka-move on ka agad," pinunasan niya ang namumuong luha sa mga mata.

"Wag kang gumawa ng eksena dito, Alessia," bulong na galit nito sa kanya.

"Bakit, Benjamin? Ako pa yung naging masama sa paningin mo. Nasaktan ako sa ginawa mo. Ano dapat ang maramdaman ko, bitiwan ka ng ganun kadali. 3 years tayong nagsama, higit pa doon pero ang dali lang sa'yo nakalimutan ang lahat," mahina niyang singhal.

"Sorry, okay," mahina siyang nagmura dahil sa narinig.

"Yun lang? Sorry lang?" tanong niya.

"Ano bang gusto mong gawin ko, lumuhod sa harapan mo, Alessia, para mapatawad mo ako?" galit na sumbat ni Benjamin. Mahina niyang kinalampag ang lamesa kaya nakakuha sila ng kunting atensyon sa mga taong nasa loob ng restaurant.

"Don't make a scene here," suway nito sa kanya.

"Benjamin, kahit kunti bago ka magdesisyon na iwan ako at ibenta ako, kahit kunti lang, nasaktan ka ba?" naiiyak niyang tanong.

"Nasaktan din ako, Alessia. Anong tingin mo sa akin? Hindi ko pinahalagaan ang tatlong taon na pagsasama natin? Lahat ng pinakita at pinaramdam ko sa'yo totoo iyon. Minahal kita, alam mo yan-"

"Pero hindi naging sapat, Benjamin," pagpuputol niya sa sasabihin nito.

"Gusto ko lang magka-anak at hindi mo kayang ibigay yun, tapos ang usapan! Pakawalan mo na ako, Alessia. Kahit anong gawin mo, magmakaawa ka man, hindi na ako babalik sa'yo," napahawak siya sa dibdib niya at mahina niya iyon hinampas. Sa sobrang sakit ay hindi na siya makahinga ng maayos.

"Gusto ko kayong ipakulong pero gawin ko man yun ay walang magbabago. Naawa rin ako sa bata dahil ayoko siyang lumaki sa kulungan. Tama ka, kahit umiyak pa ako ng dugo at mamatay pa ako sa harapan mo, hindi na magbabago ang desisyon mo. Para sa bata, pipirmahan ko ang divorce paper dahil ayokong lumaki ang bata na merong kahati," mahaba niyang sabi at nanginginig na kinuha ang envelope na naglalaman ng divorce paper. Pumatak ang luha niya sa papel pagkatapos niyang pirmahan iyon.

"Salamat sa tatlong taon na pagsasama natin. Masaya ako para sa'yo dahil naging ama ka na, hindi nga lang sa akin kundi sa ibang babae," wala nang tigil sa pagbagsak ang mga luha niya. Dahan-dahan niyang kinalas ang singsing sa daliri niya at nilapag iyon sa lamesa.

Durog na durog siya ng nilisan ang restaurant. Hindi niya na alam ang gagawin niya. Pinunasan niya ang mga luha ng tumunog ang cellphone niya, si Hendrix iyon.

"Hello," pinigilan niyang mapiyok.

"You're free, Alessia! Wag ka nang bumalik sa mansion, you must heal yourself. I'm sorry dahil naging marahas ako sa'yo! Wag ka nang mag-alala sa operations ni Mila, nakahanap na ako ng donor. Take care of yourself and before I hang this call, I want to say that I LIKE YOU, ALESSIA," nabitiwan niya ang cellphone dahil sa mga narinig. Malaya na siya at higit sa lahat ay gusto siya ni Hendrix.

MOONLOVERPRINCESS2

MY HUSBAND SOLD ME TO THE DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon