[KABANATA 2] "WALANG TAKAS"

61 6 2
                                    

[KABANATA 2]

HINDI na lang niya pinansin ang pinagsasabi ng mga tsismosa niyang kapitbahay. Papatunayan niya sa mga ito na hindi siya iiwan ni Benjamin. Pero kinagabihan, nakita niya na naman na may hickey si Benjamin sa leeg.

"Si Kimberly ba ang may gawa niyan?" galit na sigaw niya. Napalundag siya sa gulat nang hinawi ni Benjamin ang mga plato sa ibabaw ng lamesa.

"Tangina, hindi mo na nga ako mabigyan ng anak tapos pinagbibintangan mo pa ako at iiyak ka pa sa harapan ko. Nakakabwisit ang ganitong buhay," mabilis niyang sinampal si Benjamin dahil hindi na niya kinaya ang mga panunumbat nito sa kanya.

"Sabi mo sa akin, Benjamin, okay lang sa iyo, pero bakit mo ako sinusumbatan ng lahat ng ito? Wala ba akong karapatan na itanong sa iyo kung saan galing ang hickey mo? Asawa mo ako, normal lang sa akin na itanong iyon sa iyo. Kung ikaw ang nasa kalagayan ko at makita mo akong may hickey, anong gagawin mo? Baka nga masaktan mo ako! Pasensya na kung may problema ako sa matris! Pasensya na kung lampa at iyakin ako! Higit sa lahat, pasensya na kung hindi kita mabigyan ng anak na pinapangarap natin," napahagulgol siya. Lumapit sa kanya si Benjamin.

"Pasensya na, Alessia, kung sumobra ako. Pasensya na," niyakap siya nito at paulit-ulit na humingi ng tawad sa kanya.

"Gusto ko rin magka-anak, Benjamin. Araw-araw akong nagdarasal at umaasa na sana'y mabuntis na ako. Pero mukhang ito na talaga ang kapalaran ko. Pasensya na," umiyak lamang siya nang umiyak, pinapakalma naman siya ni Benjamin hanggang sa kumalma na siya. Nangako si Benjamin na hindi na mauulit ang ganitong eksena at siya lang ang babaeng mamahalin nito.

Ngunit ang mga pangako ni Benjamin ay nabalewala. Linggo ng umaga, may tatlong armadong lalaki ang sapilitang pumasok sa kanilang bahay at dinala siya sa isang malawak na mansyon. Isang lalaki ang nakatayo sa harap niya at linahad sa kanya ang isang papel laman ng kasunduan kung saan ang kanyang fingerprint ay nakalagay sa ibaba nito.

"Alessia Cara Santos, binenta ka sa akin ng iyong asawa sa kapalit ng pagliligtas ko sa sa kanyang kabit, at wala ka nang magagawa kundi-" sabay yuko nito at hinawakan ang panga niya upang iangat ito. "Ipaubaya mo sa akin ang iyong puso," malamig na sabi nito. Naluluha niyang tinitigan ang binatang nasa harap niya.

Niloko na nga siya, ngunit nagawa pa siyang ibenta ng kanyang asawa.

"Hindi ako makakapayag," matalim niyang tignan ang lalaki na nakasuot ng hospital coat, umupo ito sa sofa na nasa harap niya.

"Sa ayaw at sa gusto mo, Mrs. Santos, ikaw ang magiging donor at wala ka nang takas. Kaya kung ako sa iyo, sumunod ka na lang sa mga gusto ko," galit na singhal nito.

"Hindi! Tatawag ako ng pulis," tumawa lamang ito.

"Baka ikaw pa ang ikulong nila! Legal ang dokumento na hawak ko, Mrs. Santos, at nakita mo naman ang fingerprint mo sa ilalim nito," umiling siya.

"Wala akong maalala na inilagay ko ang thumbprint ko sa papel na 'yan."

"Matalino ang asawa mo," napayuko siya dahil may ideya na siya kung paano napunta doon ang fingerprint niya sa papel—siguro habang natutulog siya ay sinamantala ito ng kanyang asawa.

Tinakpan niya ang kanyang mukha, walang tigil ang pag-agos ng mga luha mula sa kanyang mga mata, yumugyog ang kanyang dalawang balikat.

"Pakawalan mo na lang ako," pagmamakaawa niya at dahan-dahang tinanggal ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Ngunit walang nakitang awa sa mata ng lalaki. Malamig lamang siyang pinagmasdan nito.

"Take her to her room and make sure to lock the door."

"Yes, doctor," sabi ng dalawang lalaki habang hinihila siya patayo at kinakaladkad papasok sa isang silid. Walang gamit doon maliban sa kama at banyo. Sa taas ay may bintana ngunit may mga harang.

Narinig niya ang pag-lock ng pinto. Mahirap na makatakas siya. Umupo siya sa kama, pinagdikit niya ang kanyang dalawang tuhod at sumubsob. Tahimik siyang umiyak, hindi pa rin talaga siya makapaniwala. Nagmahalan sila ni Benjamin ng tatlong taon pero bakit naging ganito? Dahil ba hindi siya mabuntis? Kaya nakuha ni Benjamin na kalimutan ang tatlong taon na pagsasama nila? Higit pa sa tatlong taon ang kanilang pagsasama.

"Benjamin, mahal na mahal kita, pero bakit mo nagawa akong lokohin at higit sa lahat, ibenta? Binalewala mo na ang lahat ng mga alaala natin dahil sa babaeng iyon," pumasok sa kanyang isip si Kimberly at nagliyab ang kanyang mga mata.

"Malandi ka!" sigaw niya at pinag-hampas ang kama. Kung makita niya ang babaeng ito, hindi siya magsisisi na tapusin ang buhay nito. Bumagsak siya sa kama at natulog, nagising siya nang maramdaman na merong tumurok sa kanyang braso at ang doctor iyon.

"Ano ang ginagawa mo?" kinakabahan niyang tanong.

"This is a vitamin to ensure that your heart remains healthy."

"Hindi pa rin ako makakapayag," galit niyang sabi. Lumapit sa kanya ang doktor at mariing hinawakan ang kanyang panga, nasaktan siya.

"I don't care, wala kang silbi, hindi mo mabigyan ng anak si Benjamin kaya nakuha ka niyang ibenta sa akin. Magpasalamat ka na lang dahil magkakaroon ka ng silbi, hindi mo siya nabigyan ng anak! Binigyan mo siya ng pag-asa para maging ama sa ibang babae," lumuha na naman ang kanyang mga mata. Bakit sa kanya palagi sinisisisi ang lahat?

Gusto niya ng magka-anak pero hindi sumasang-ayon ang kanyang matris. Marahas na binitiwan ng doktor ang kanyang panga.

"I haven't introduced myself to you yet. I'm Dr. Hendrix Jax Montenegro!" sabay lapit nito sa kanyang mukha. "Ang buhay mo sa lugar na ito ay magiging parang impiyerno kung hindi ka susunod sa mga gusto kong mangyari," dagdag pa nito, dahilan para matakot siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil sobrang lapit ng mukha nito sa kanya.

MOONLOVERPRINCESS2

MY HUSBAND SOLD ME TO THE DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon