KABANATA 4 "BONDING"

42 5 0
                                    

[KABANATA 4]

PAGKATAPOS nilang kumain, inimbita siya ni Mila sa kwarto nito para ayusin siya. Lalabas daw sila kasama si Hendrix papunta sa mall para mamili ng mga damit. Pangarap daw ito ng dalaga ngunit walang kasama para mag-shopping dahil nandito na daw siya ay masaya na ito.

"Mila, masyado itong maiksi," sabi niya nang pinasuot sa kanya ang fitted black dress na hindi aabot sa tuhod.

"It suits you, Ate Alessia. Mag contact lens ka na lang," pinigilan niya ito dahil hindi siya sanay mag-contact lens at sanay siya sa salamin. Pero wala na siyang nagawa nang magpa-cute sa kanya si Mila. Ang contact lens na nilagay sa kanya ay tulad ng kulay ng mga mata niya. Hindi pa doon natapos dahil inayos rin nito ang buhok niya at nilagyan rin siya ng konting make-up, pati na rin red lipstick.

"Hindi kaya magmukha na akong nakakatawa sa itsura kung ito, Mila?" tanong niya.

"Hindi no! Sobrang ganda mo, Ate. Natural ang kagandahan mo kaya siguro nahulog si Kuya sayo, mga simpleng babae ang gusto niya katulad mo," nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Mapait lamang siyang ngumiti kay Mila.

"Salamat, Mila," sabi niya dahil wala na siyang masabi. Kinabahan siya na baka itanong sa kanya kung saan sila nagkilala ni Hendrix at hindi niya alam kung anong sasagutin niya.

"Teka, maghuhugas lang ako ng kamay sa banyo," pagpapaalam nito.

Pinagmasdan niya ang sarili sa malaking salamin. Napangiti siya ng matamis. Kung kaya niya lang siguro magbuntis, baka hindi siya iniwan ni Benjamin. Sana ngayon ay inaasar niya ito tuwing makikita niya itong nakatingin sa kanya. Hanggang ngayon, dala-dala niya pa rin ang sakit. Pinunasan niya ang mga namumuong luha sa kanyang mga mata na may kumatok sa pinto.

Tumayo siya pero muntik na siyang matumba. Mabuti na lang at napahawak siya sa mesa. Napatingin siya sa kanyang suot na sandal mataas ang takong nun. Muling may kumatok sa pinto. Pagewang-gewang siyang naglakad dahil hindi siya sanay sa ganitong sandal.

"Bakit ang—" hindi natapos ni Hendrix ang sasabihin nang pagbukas ng pinto at agad na bumagsak sa dibdib niya si Alessia. Mabuti na lang ay nahawakan niya ang dalawang balikat nito. Umuwang ang mga labi niya ng mapagmasdan si Alessia.

"Sorry," nahihiyang sabi nito sa kanya at tumayo, pero muli itong natumba. Napabutong na lamang siya at pinulupot ang kanyang braso sa bewang ni Alessia para ma-alalayan ito.

"Salamat," nahihiyang sabi nito.

"Hindi ka naman pala sanay sa ganyang sandal, bakit sinuot mo pa!" inis na sermon niya sa dalaga.

"Si Mila ang nagpasuot nito sa akin," mahinang sabi nito. Bumaba ang tingin niya sa labi ni Alessia, pulang-pula iyon. Bigla siyang napalunok at tila pinagpapawisan rin agad niyang iniwas ang mga mata niya doon.

"Damn," mahina niyang sabi.

"Hendrix, pwede muna ako bitiwan, kaya ko na," nahihiyang sabi ni Alessia kay Hendrix na hindi na makatingin sa kanya.

"Hendrix," tawag niya dito.

"Fine," malamig na sabi nito at binitiwan siya. Bumukas ang pinto ng banyo.

"Kuya, nandito ka?" nakangising tanong ni Mila sa kapatid niya at tumingin ito sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Gusto niyang tuloy tampalin ang noo niya dahil sa mga nangyari kanina. Kung hindi siya naalalayan ni Hendrix kanina, siguradong babagsak siya sa sahig. Mabuti na lang at mabilis ang mga kilos nito. Hinawakan niya ang bewang niya, parang nararamdaman niya pa rin ang braso ni Hendrix doon.

"Bilisan niyo na," sagot ni Hendrix sa kapatid.

"Oo na, kuya, doon ka na nga," pagtataboy ni Mila. Nagulat siya nang tumingin sa kanya si Hendrix at tinuro ang kanyang sandal.

"Mila, palitan mo ang suot niyang sandal. Baka maglakad siya sa mall na pagewang-gewang, baka pagkamalan pa siyang lasing," naglaglag ang panga niya sa sinabi ni Hendrix bago umalis sa kwarto. Tawang-tawa naman si Mila.

"Grabe naman si Kuya, pero kinikilig ako,"

Biglang umusok ang ilong niya!

"Grabe ka na talaga, Hendrix, mukha ba akong umiinom ng alak?" inis na saad niya sa kanyang isipan. Napabutong na lamang siya. Sweet ito sa kapatid pero pagdating sa kanya, bitter at palaging salabong ang dalawang kilay. Minsan napapa-isip na tuloy siya kung sino ba talaga ang babaeng kinuwento ni Hendrix kay Mila.

Isang simpleng doll shoes nalang ang pinasuot sa kanya ni Mila. Hindi na nga siya pagewang-gewang maglakad pero sumakit naman ang paa niya sa sobrang sikip. Nagsinungaling na lang siya kay Mila na tama lang ang doll shoes, baka magtagal pa sila sa loob ng kwarto.

"Salamat," saad niya kay Hendrix nang pinagbuksan siya nito. Na sa likod ng kotse siya habang nasa passenger seat naman si Mila.

"Tell me, Kuya, saan mo na kilala si Ate Alessia?" Tumingin si Hendrix sa side mirror, nakatingin ito sa kanya pero hindi naman iyon nagtagal.

"It's a long story, Mila," sagot nito.

Napahawak siya sa dibdib niya, baka siya na ang tanungin ni Mila.

"Sige na, Kuya, sabihin mo muna," pamimilit nito, rinig niya naman ang mabigat na buntong-hininga ni Hendrix.

"Sa hospital. Naging pasyente ko ang kapatid niya at ako ang na-assign, nang makita ko siya lalo na ang mga ngiti niya, may naramdaman akong kakaiba sa puso ko. Maybe it's love," tumili si Mila. Samantalang siya, kumalabog ang dibdib niya at dilat na dilat ang mga mata niya, napalingon sa kanya si Hendrix, nakangisi ang labi nito.

"Diba, Alessia?" tanong nito sa kanya, sunod-sunod siyang tumango. Pinaghahampas ni Mila ang braso ni Hendrix.

"Kuya, kinikilig talaga ako!" saad nito.

Napahawak siya sa magkabilang pisngi niya, pakiramdam niya namumula na ito, ramdam niya kasi ang init doon.

"Hindi ko ine-expect na ang Kuya Hendrix ko ay magiging corny dahil sa ngiti ni Ate Alessia," natatawang sabi ni Mila, kahit siya ay napangiti ng kunti. Pakiramdam niya ay naglaho panandalian ang lungkot na nararamdaman niya at galit para kay Hendrix. Nang marating na nila ang mall, pinagbuksan siya ulit ng pinto nito.

Pumasok na sila sa loob. Napapagitnaan nila si Mila, nakakapit ito sa braso niya at tuwang-tuwa sa mga nakikita. Pumasok sila sa Penshoppe, kung ano-ano ang pinapakita sa kanya ni Mila, tinatanggap niya naman iyon. Hanggang sa mahagip niya ang pamilyar na lalaki na hindi kalayuan sa kanila. Nang humarap ito, nakumpirma niya ito, si Benjamin.

"Benjamin," emosyonal niyang sabi. Nanginginig ang buong sistema niya nang may kumapit sa braso nito, walang iba kundi si Kimberly. Hinakbang niya ang isang paa niya, pero nagsalita si Hendrix sa tabi niya.

"Anong gagawin mo, Alessia? Pupuntahan mo ang asawa mo at gagawa ka ng gulo dito. Pag nangyari ba 'yun, babalik ba siya sa'yo? o hindi kaya puputulin niya na ang kontrata na binenta ka niya sakin at iiwan niya ang kabit niya na nagdadalang-tao na," bumagsak ang mga luha niya dahil sa mga narinig. Niyakap siya nito para hindi makita ni Mila ang mga luha niya na walang tigil na pagbuhos.

MOONLOVERPRINCESS2

MY HUSBAND SOLD ME TO THE DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon