KABANATA 7

14 3 0
                                    

[KABANATA 7]

Napa hawak si Alessia sa magkabilang pisngi niya; hindi niya ine-expect na bibiruin siya ni Hendrix. Pinagmasdan niya ito na saganang kumakain. Napangiti siya dahil naalala niya si Benjamin—ganito rin kasi ito kasagana kapag natitikman ang pagkain na niluto niya.

"Kailan ko kaya matatanggap sa sarili ko na wala na talaga kami ni Benjamin?" emosyonal niyang sabi sa kanyang isipan, ramdam niya ang namumuong luha sa mga mata niya. Pinunasan niya iyon baka makita pa ni Hendrix. Huminga siya ng malalim. Gusto niyang itanong dito kung ano ba talaga ang totoong dahilan kung bakit siya ibinenta ni Benjamin. Hinintay niyang matapos kumain si Hendrix. Nang matapos na ito, tumikhim siya kaya napatingin ito sa kanya.

"Hendrix, gusto kong malaman ang totoo. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit nakuha akong ibenta ni Benjamin sa'yo?" seryoso niyang tanong. Nawala ang ngiti sa labi ni Hendrix.

"Sabihin mo sa'kin, Hendrix, bago ako mamatay, gusto kong malaman?" emosyonal niyang tanong. Alam niyang pagkatapos ng operasyon, doon na matatapos ang buhay niya.

"Tulad mo, nahihirapang mabuntis si Kimberly. Ni-recommend sila sa akin ng kaibigan kong doktor. Since nagtagumpay naman yung mga isinagawa kong vitro fertilization (IVF)—isang pamamaraan kung saan ang itlog at sperm ay pinagsasama sa laboratoryo upang mabuo ang embryo, na pagkatapos ay inilalagay sa matris ng babae—but I refused dahil abala ako sa paghahanap ng heart donor para sa kapatid ko," napayuko siya sa narinig niya, bumagsak ang mga luha niya. Dahil kung IVF din ang solusyon nila noon ni Benjamin, hindi rin magtatagumpay dahil literal na malaki ang problema ng matris niya. Best option na lang kung maghahanap ng surrogate mother.

"I'm desperate, Alessia. Wala akong tigil sa paghahanap ng donor para kay Mila at nagulat na lang ako nang sabihin niya ang tungkol sa'yo. Hindi na ako tumanggi dahil tumatakbo ang oras para sa kapatid ko. Pero kailangan niya ng consent galing sa'yo at alam kong hindi ka papayag. Sino namang matinong asawa ang papayag sa alok ng kanyang asawa, pero nagulat ako nang makita ang fingerprint mo sa papel." Pinakinggan na lang niya ang sinasabi ni Hendrix. Mas dumoble ang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya masisi si Benjamin na maghanap ng iba dahil hindi niya kayang punan ang pangangailangan ng asawa.

"Salamat, Hendrix, dahil sinabi mo sa akin ang totoo. Ngayon, tanggap ko na talaga na malabo na kami magbalikan ng asawa ko dahil buntis na si Kimberly. At tanggap ko na rin na maging donor ni Mila. Kahit ngayon ay pwede mo nang simulan ang operasyon," naiiyak niyang wika at tumayo siya.

"Magbabanyo lang ako," pagpapaalam niya at mabilis na lumabas ng pinto. Nakayuko lang siya habang naglalakad dahil namumula ang mga mata niya. Hanggang sa may nabunggo siya.

"Pwede ba wag kang tanga-tanga," sabi ng lalaking pamilyar sa kanya. Inangat niya ang ulo niya at tama nga siya, si Benjamin.

"Pangga," naiiyak niyang sabi. Hinawakan siya nito at hinila sa may sulok.

"Anong ginagawa mo dito, Alessia? Gagawa ka ba ng iskandalo dito? Sasaktan mo ulit si Kimberly?" nanggigigil na sabi nito sa kanya. Umiling siya, hindi niya na iyon gagawin.

"Nagkataon lang na nagkita tayo," sabi niya.

"Benjamin, bakit nagawa mo ito sa akin? Bakit nakuha mo akong iwan! Di ba nangako tayo sa isa't isa na walang iwanan? Bakit iniwan mo ako?" pinunasan niya ang luha niya.

"Gusto kong magka-anak, Alessia. Gusto kong maging ama at hindi mo maibigay sa akin," panunumbat ni Benjamin.

"Sabi mo ayos lang kaya naging kampante ako," inabot niya ang magkabilang pisngi ni Benjamin pero tinanggal lang ito.

"Nagsinungaling ako! Alam mo ba yung pakiramdam na makita yung mga kaibigan ko at kapatid ko na meron na silang anak? Naiinggit ako, Alessia! Si Kimberly may problema din sa matris pero hindi malala tulad ng sa'yo. Ngayong buntis na siya, kaya kong talikuran ang lahat ng mga pinagsamahan natin," nanghina ang mga tuhod niya nang marinig ang mga sinabi ni Benjamin. Nanlalabo na ang mga mata niya at hindi niya na ito makita nang maayos dahil sa mga luha niya.

"Kaya mo akong kalimutan at kaya mo akong ibenta dahil sa gusto mong magka-anak, Benjamin. Gusto ko rin naman magka-anak pero hindi talaga para sa akin 'yun," napaluhod na siya, hindi niya na kaya ang sakit na nararamdaman niya.

"Maghiwalay na tayo. Nag-file na ako ng divorce sa tulong ni Kimberly kaya napadali ang proseso. Magkita tayo bukas sa restaurant na palagi nating kinakainan at pirmahan mo na ang divorce, 8:00am ka pumunta" napahagulgol na siya nang tinalikuran na siya nito hanggang sa nawala na ito sa paningin niya. Wala na talagang rason para mabuhay siya dahil si Benjamin lang naman ang lakas niya pero wala na.

Bago siya bumalik sa opisina ni Hendrix, inayos niya muna ang sarili niya. Tulala lang siya at pilit na ngumingiti. Dumating alas-tres ng hapon ay sumama na si Hendrix na umuwi doon sila sumakay ni Mila sa kotse nito.

"Are you okay?" napalingon siya kay Hendrix na nagmamaneho sa tabi niya. Nasa passenger seat siya. Sinadya ni Mila para maging malapit silang dalawa ni Hendrix.

"Ayos lang ako," sabi niya at pilit na ngumiti. Tumango lamang ito sa kanya. Naging tahimik ang biyahe hanggang sa marating na nila ang mansion. Napahinto silang tatlo sa pagpasok nang makita ang isang babae na nakatayo.

"Hendrix," malambing na sabi nito. Pinagmasdan ni Alessia ang pagyakap ng babae kay Hendrix na gulat na gulat ang mga mata.

"Kuya, sino siya?" tanong ng kapatid.

"Sino kaya ang babaeng ito?" tanong ni Alessia sa kanyang isipan. Umawang ng kunti ang labi niya nang makita ang paghalik ng babae sa pisngi ni Hendrix pero agad din itong napalayo.

"Anong ginagawa mo dito, Pamela?" galit na tanong ni Hendrix sa dati niyang kasintahan na niloko siya. Matamis lamang itong ngumiti sa kanya.

"Miss na kita, mag-usap naman tayo!" pagmamakaawa nito sa kanya. Napatingin siya kay Alessia. Nakatingin lang ito sa kanila. Nakaramdam siya ng takot, hindi niya alam kung para saan. Kinaladkad niya si Pamela palabas ng mansion. Nagpupumiglas pa ito sa mariing paghawak niya sa braso nito. Nang maitaboy niya na ito, isa-isa niyang sinermonan ang mga tauhan niya tungkol sa pagpapasok ni Pamela sa mansion. Mabilis ang mga hakbang niya; gusto niyang magpaliwanag kay Alessia baka kung ano ang isipin nito.

MOONLOVERPRINCESS2

MY HUSBAND SOLD ME TO THE DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon