KABANATA 9 "PANIBAGONG SIMULA"

21 4 0
                                    

[KABANATA 9]

TATLONG taon ang lumipas ngunit sariwa pa rin kay Alessia ang nangyari sa kanya. Siguro, magiging parte na iyon ng mga alaala niya. Marami siyang natutunan sa buhay, tulad ng hindi sapat ang salitang "Mahal ka" ng isang tao para samahan ka nito habang buhay. Magiging sapat lang ito kung pinaparamdam at pinapakita. Alam niya sa sarili niya na meron din siyang pagkukulang at hindi niya iyon itatanggi.

Ngayon, humilom na ang sakit ng nakaraan. Nagmamay-ari na siya ngayon ng isang milk tea shop. Kahit maliit lang ito, kuntento na siya. Marami siyang naging kaibigan na sumuporta sa kanya sa negosyo.

"Hindi katapusan ng mundo kung masaktan at malugmok ka. Bahagi lang ito ng pagsubok sa bawat tao," sabi niya sa kanyang isipan. Naging motto niya na ang mga linyang iyon sa tuwing nakakaramdam siya ng kahinaan.

"Naku, Ate, mukhang magiging sold-out na naman tayo. Nandiyan na kasi yung mga gwapong doctor," biro ng empleyado niya. Malapit lang kasi ang milk tea shop nila sa hospital. Isang taon siyang naghanap ng trabaho at nang maka-ipon ay pinasok niya ang negosyo. Magdadalawang taon na siya sa negosyo ngayon.

"Tumigil ka nga diyan. Ayusin mo na lang yung mga lamesa," suway nya sa empleyado nya . Tawang-tawa naman itong umalis. Mahigit sa sampung customer ang pumasok sa shop. Minsan, napapangiti siya kapag nakikita ang mga doctor dahil may naaalala siya.

"Kamusta na kaya silang dalawa?" tanong niya sa kanyang isipan. Araw-araw pumapasok sa isipan niya ang dalawang taong naging parte ng buhay niya.

"Naku Ate, meron akong nakikitang bagong doctor na nakatingin sa’yo," bulong ni Vernice. Sinundan naman ng mga mata niya ang tinuturo ni Vernice. Muntik na siyang mahulog sa inuupuan niya nang makita si Hendrix. Parang kanina lang ay iniisip niya ito. Tinaasan siya nito ng kilay at hindi rin nagtagal ang titig nito nang kalabitin ito ng kasamahang doctor.

"Ate, ang gwapo. Kanina pa yan nakatingin sa'yo. Mukhang bet ka Ate," mahina niyang hinampas sa braso si Vernice, baka may makarinig sa mga sinasabi nito.

"Tumahimik ka nga. Bumalik ka na lang sa kusina at asikasuhin ang mga order nila. Magpatulong ka na rin," seryosong sabi niya. Tumikhim siya at pinilit mag-concentrate sa inventory. Ramdam niya ang titig ni Hendrix.

"Shit," mahina niyang sabi nang magkamali siya sa pagpindot sa calculator. Kailangan niyang magsimula ulit sa umpisa.

"Bakit ba ako natataranta? Ano naman kung nandito siya? Tatlong taon na ang lumipas. Baka nga nakalimutan na ako ni Hendrix, lalo na ang mga sinabi niya sa akin," wika niya sa kanyang isipan. Uminit ang magkabilang pisngi niya nang maalala ang huling usapan nila.

"Ate, natataranta po kayo?" nilingon niya si Vernice na inaasar siya. Matalim niya itong tinitigan pero tumawa lamang ito sa kanya. Napabuntong-hininga na lang siya at kunwaring tinignan ang paligid para mahagip niya si Hendrix. Nagtagpo ang mga mata nila sa isa’t isa. Agad siyang umiwas at tinukod ang isang braso, sabay takip ng kamay sa noo niya.

"Umayos ka Alessia. Wag kang pahalata," mahina niyang singhal sa sarili.

"Ikaw Doc. Hendrix, hindi ka ba papunta sa hospital?" tanong ng isang doctor.

"Hindi pa. Mamaya na," kinagat niya ang pang-ibabang labi niya nang marinig ang sagot ni Hendrix.

"Bakit ayaw niyang umalis? Anong gagawin niya dito? Hindi ba siya busy? Kakausapin niya ba ako?" sunod-sunod niyang tanong sa sarili. Nagulat siya nang kalabitin siya ni Vernice at tumawa naman ito.

"Ano ba!" singhal niya.

"Ate naman, kalma! Ito yung bayad nila. Namumula ka na Ate, allergic ka ba sa kilig?" pang-aasar nito sa kanya.

"Tumigil ka nga! At kanino naman ako kikiligin?" kinakabahan niyang tanong.

"Doon sa bagong customer nating doctor," bulong nito. Tinawag niya ang isang tauhan niya at inutusan itong kaladkarin si Vernice papasok sa kusina. Dapat pala ay hindi niya ginawa dahil sila na lang ni Hendrix ang naiwan.

"Can I make an order?" magaspang na sabi nito at tinaas pa ang kamay. Nataranta siyang kinuha ang papel at lumapit kay Hendrix. Lumunok muna siya bago magsalita.

"What order do you like, sir?" nanginginig niyang tanong.

"I want adobo manok," nagulantang siya sa narinig. Kita niya ang pagsilay ng pilyong ngiti ni Hendrix.

"Sir, wala po kami nun," nahihiya niyang sabi.

"Paano yan! Yun ang gusto ko, Ms. Cara," kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. Grabe ang epekto ni Hendrix sa kanya. Tatlong taon silang hindi nagkita kaya nai-intimidate siya.

"Milk tea shop po ito, sir. Hindi restaurant," mahinahon niyang sabi.

"Wala pa akong kain simula kagabi, breakfast at ngayong lunch. Sasakit ang tiyan ko kung yung nasa menu ang kakainin ko. I need heavy food since hanggang umaga pa ang uwi ko. Ayaw mo naman siguro na sumakit ang tiyan ng customer mo, Ms. Cara," sabay ngisi nito sa kanya. Bumuntong-hininga siya at dahan-dahang tumango.

"Sige, hintayin mo na lang kung kaya mung maghintay—"

"Kaya kong maghintay kahit ilang taon pa, Ms. Cara," hindi siya nakaimik sa sinabi ni Hendrix. Pakiramdam niya ay meron itong kahulugan.

"Sige po, sir," iyon na lang ang nasabi niya at tinalikuran niya ito. Inutusan niya si Vernice na bumili ng mga ingredients. Marami pa itong tinanong sa kanya pero sinermonan niya lang hanggang sa umalis na ito.

Nang dumating na si Vernice, nagsimula na siyang magluto. Nagsaing na rin siya ng kanin.

"Ate, wala naman yan sa menu natin!" sabi ni Vernice.

"Wag ka na lang makulit diyan," suway niya dito. Pagkatapos niyang maluto, nilagay niya na iyon sa malinis na plato at nilagay sa tray. Lumabas na siya ng kusina at dinala ang pagkain kay Hendrix. Dahan-dahan niyang nilapag ang plato sa mesa.

"Take a seat, Ms. Cara. Hindi ko ito mauubos. Saluhan mo ako. Waiter, plate at isang kutsara," wika ni Hendrix. Laglag na talaga ang panga niya sa nangyayari.

"Enjoy sa date niyo po, Ate," bulong sa kanya ni Vernice. Napahilamos na lang siya ng mukha dahil nahihiya na siya.

"Ms. Cara, sapat na siguro ang tatlong taon. At kung hindi pa sapat, maghihintay ako na pumayag kang ligawan kita." Mabilis niyang tinanggal ang dalawang kamay sa mukha niya nang marinig ang sinabi ni Hendrix. Matamis itong ngumiti.

"I want to court you, Alessia Cara."

MOONLOVERPRINCESS2

MY HUSBAND SOLD ME TO THE DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon