KABANATA 5 "PAGSUGOD"

27 5 0
                                    

[KABANATA 5]

MAHIGPIT ang yakap ni Hendrix sa kanya, gusto niyang huminahon pero hindi niya kaya. Nasasaktan siya, parang gusto niya nalang maglaho ngayon.

"Alessia, fix yourself," malamig na sabi nito sa kanya. Tumango siya at inayos ang sarili.

"Umalis na sila," dagdag pa nito. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. Hinawakan ni Hendrix ang dalawang balikat niya para ilayo sa pagkakayakap. Umuwang ng kunti ang labi niya nang inabot nito ang pisngi niya at pinunasan ang mga luha niya. Tinawag siya ni Mila kaya inayos niya ang sarili niya.

"Go to the comfort room and wash your face," tumango siya sa sinabi ni Hendrix. Ito nalang daw ang magpapaliwag kung hahanapin siya ni Mila. Nagtanong siya sa guard kung saan ang banyo, at tinuro naman ito. Nang makapasok siya sa loob, naghimalos siya para maalis ang bakas ng luha sa mata niya.

"Hindi ko kaya! Hindi ko kaya na makita ang asawa ko na may ibang babae. Ang sakit-sakit kahit pilit kong maging matapang ay nanlalambot ang mga tuhod ko," sabi niya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Agad niyang inayos ang sarili niya nang bumukas ang pinto ng banyo. Pareho silang nagulat ng makita ang isa't-isa.

"Alessia!" tawag sa kanya ni Kimberly. Kumuyom ang kamao niya nang bumaba ang mata niya sa maliit na umbok na tiyan nito.

"Hindi ko inaasahan na magkikita tayo," matamis na sabi ni Kimberly at lumapit ito sa tabi niya. Pinagmasdan niya itong linalabas sa Louis Vuitton bag ang isang red lipstick. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya, gigil na gigil siya na hablutin ang buhok ni Kimberly pero pinigilan niya ang sarili dahil buntis ito.

"Kamusta ka na?" tanong pa nito. Umigting ang panga niya.

"Ang kapal ng mukha mo para kamustahin ako, Kimberly, pagkatapos mong agawin sakin ang asawa ko," singhal niya. Humarap ito sa kanya at matamis lamang itong ngumiti.

"Correction, hindi ko inagaw si Benjamin sa'yo. Mahal niya ako-"

"F*CK YOU!" sigaw niya.

"You know what, Alessia, tanggapin mo nalang na hindi ka na babalikan ni Benjamin. Nakuha ka niyang ibenta para sa akin," malakas niyang sinampal si Kimberly.

"You b*tch," singhal ni Kimberly.

"Sa dami-dami ng pwedeng ipakamot yang kati mo, sa asawa ko pa talaga. Tama nga talaga ang mga chismis sa'yo nung high school tayo. Isa kang babaeng makati, higad, at ahas," bulyaw niya. Bago pa siya masampal ni Kimberly, nahawakan niya na iyon.

"Wag kang magpakante na wala akong gagawin. Mahal ko si Benjamin at naging tanga ako, pero sa pangalawang pagkakataon hindi na. Magsasampa ako ng kaso sainyo kahit ibenta ko pa ang sarili kong katawan para makabayad ng abogado. Mapakulong ko lang kayo," ngumiti lamang ito sa kanya at marahas na binawi ang kamay nitong hawak niya.

"Try me, Alessia! Kahit sampung abogado pa ang kunin mo, hindi ka mananalo. Bakit? Dahil mayaman ako. Pwede kong bayaran ang judge, mababaliktad ka lang. Kung ako sa'yo, magiging mabait ka nalang sa doktor," hindi niya na kaya ang naririnig niya. Nandilim ang paningin niya, hinablot niya ang buhok ni Kimberly at sinabunutan. Hinila niya ito palabas ng banyo.

"Malandi ka!" sigaw niya.

"Bitiwan mo ako!" sigaw nito.

"Shi*t, Alessia!" boses iyon ni Hendrix. Niyakap siya nito para ilayo kay Kimberly. Bago pa siya makalayo, tinulak niya ito.

"Kimberly!" sigaw ni Benjamin.

"Asawa ko," sabi niya. Nasaktan siya nang dumalo ito kay Kimberly at bigla itong sumigaw. Nanlaki ang mata niya nang may lumandas na dugo sa pagitan ng hita nito.

"Anong ginawa mo, Alessia?" sigaw ni Benjamin sa kanya. Lumapit ito sa kanya at dinuro siya.

"Pag may nangyari sa anak namin, malilintikan ka-" hindi na natapos ang sasabihin nito nang mabilis na binitiwan siya ni Hendrix para sugurin ng suntok si Benjamin. Bumagsak ito sa sahig.

"Benj-" sabi niya at hinila siya ni Hendrix papalayo doon. Nagpupumiglas siya ngunit mas hinigpitan pa lalo nito ang kamay nitong sa pulso niya. Nang marating nila ang isang sulok na walang tao ay padarag siyang binitiwan ni Hendrix. Sunod-sunod itong nagmura.

"Nababaliw ka na ba!" singhal nito sa kanya.

"Hindi ako nababaliw, Hendrix. Pinaglalaban ko lang karapatan ko bilang asawa-"

"Bullshit!" sigaw ni Hendrix. Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil lumalabas ang ugat sa noo nito at namumula ang leeg dahil sa galit. Napa-atras siya nang lumingon ito sa kanya at matatalim ang mga mata nito.

"Karapatan! May napala ka ba kanina, ha?" sigaw na tanong nito. Nateteme siya.

"Wala," mahina niyang sabi.

"Meron, Alessia. Alam mo kung ano? Tangina, dinugo ang kabit ng asawa mo. Paano kung makunan yun?" galit na sigaw parin ni Hendrix. Tinakpan niya ang mukha niya dahil umiiyak na siya. Hindi niya naman intensyon na gawin iyon, sadyang nagdilim lang talaga ang paningin niya dahil ang tapang-tapang ni Kimberly. Imbis na magpakumbaba dahil nakagawa ito ng kasalanan, ay naging matapang pa sa harapan niya.

Naramdaman niya ang braso ni Hendrix, mahigpit siya nitong niyakap. Umiyak siya ng umiyak at pinapakalma naman siya nito pero hindi niya kaya dahil naiisip niya kung paano duguan si Kimberly. Mawawala ang inosenteng anghel na bata sa tiyan nito at lalong magagalit si Benjamin sa kanya.

Ilang oras silang ganun hanggang sa kumalma na siya. Hawak ni Hendrix ang kamay niya habang naglalakad kung nasaan si Mila. Pilit ang mga ngiti ang pinakita niya dito at marami silang pinamili. Pagkauwi ay tulala siya sa loob ng kwarto, kahit kanina sa kotse ay tulala siya.

Hindi siya makapante sa kakaisip sa pinagbubuntis ni Kimberly. Kinagabihan ay sama-sama silang tatlo na kumain pagkatapos ay nauna na siyang pumasok sa kwarto niya. Sa kalagitnaan ng muni-muni ay bumukas ang pinto.

"Hendrix," sabi niya. Lumalapit ito sa kanya at umupo sa kama. Bumangon siya at umupo.

"Wag ka nang mag-alala dahil maayos na ang kondisyon ni Kimberly," sabi ni Hendrix. Niyakap niya ito dahil sa magandang balita.

"Akala ko talaga ay may nangyayari sa baby niya, Hendrix. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung nagkataon na nakunan siya. Takot na takot ako! Hendrix," sumbong niya. Hinaplos lang ni Hendrix ang buhok niya. Sinabi niya ang lahat ng hinanakit na ginawa ng asawa niya. Nakinig naman ito kanya hanggang sa hindi niya na namalayan ay nakatulog na pala siya sa bisig ni Hendrix dahil sa kakaiyak.

MOONLOVERPRINCESS2

MY HUSBAND SOLD ME TO THE DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon