KABANATA 3 "PAGPANGGAP "

55 9 0
                                    

[KABANATA 3] "PAGPANGGAP "

"Sumunod ka lang para hindi ka masaktan," sabi nito sa kanya habang dahan-dahang lumalayo. Napabuntong-hininga siya nang makita ang pagtalikod ni Hendrix. Bago ito tuluyang umalis sa kwarto niya, muling ipinaalala sa kanya ni Hendrix na huwag gumawa ng kalokohan.

Sa mga nakalipas na dalawang araw, araw-araw siyang tinuturukan ni Hendrix ng injection. Wala siyang naramdamang kakaiba maliban sa pagiging masagana niya sa pagkain. Sa loob ng dalawang araw na iyon, ilang beses siyang malalim na nag-iisip at hinahanap ang mga masasayang sandali kasama si Benjamin hanggang sa maramdaman niya ang luha sa mga mata nito.

"Benjamin, bakit mo naman nagawa ito sa akin? Mahal na mahal kita," pinunasan niya ang luha niya nang biglang bumukas ang pinto. Hindi si Hendrix o hindi rin ang tauhan nito  kundi isang maputlang babae. Ngumiti ito nang matamis sa kanya, naka-suot ng puting bestida.

"Sino ka?" tanong niya sa babae na nasa harapan niya ngayon.

"Hi! My name is Mila! I'm 18 years old. Ikaw?" Pagpapakilala nito sa sarili, habang pinagmamasdan siya. Mukhang may iniinda itong sakit, kaya umupo ito sa kama niya.

"Alessia Cara Santos," nagulat siya nang hawakan ni Mila ang kanyang dalawang kamay, at ramdam niya ang lamig nito.

"Ate Alessia, ikaw ba ang fiancée ni Kuya Hendrix?" tanong nito, bago pa man siya makasagot, biglang pumasok si Hendrix sa kwarto at mariin siyang tinignan. Binitiwan ni Mila ang kanyang kamay upang lumapit sa kapatid na puno ng pag-aalala.

"I told you, Mila, not to leave your room," sabi ni Hendrix sabay haplos sa buhok ng kapatid.

"Kuya, ang boring sa kwarto, teka, siya ba 'yung fiancée mo na tinutukoy mo sa akin?" napatingin siya Hendrix, umiwas siya nang makita ang ngiti nito kay Mila.

"Yes, she is," napalunok siya nang marinig ang sagot ni Hendrix.

"She's pretty," sabay ngiti ni Mila at muli itong lumapit sa kanya.

"My sister-in-law," sabi ni Mila sa kanya, at niyakap siya ng sobrang higpit. Napatingin siya kay Hendrix na umiwas ito ng tingin sa kanya.

"Ano ang nangyayari?" tanong niya sa kanyang isipan.

"Bakit nandito siya, Kuya?" tanong pa rin ni Mila, at lumayo na ito sa kanya. Napatingin siya kay Hendrix, dahil hindi na ito makasagot sa kapatid niya. Hinawakan niya ang kamay ni Mila, at napalingon naman ito sa kanya. Emosyonal ang mga mata nito habang tinitingnan ito.

"Mila, tulungan mo ako," bulong niya sa kanyang isipan. Nagulat siya nang nilayo ni Hendrix si Mila sa kanya.

"Kuya naman," pagrereklamo ng kapatid. Napalunok siya nang matalim ang tingin ni Hendrix sa kanya.

"Go to your room. Mamaya mag-uusap tayo, may mahalaga lang kaming pag-uusapan ng fiancée ko," diin ni Hendrix. Umiwas siya ng tingin sa doktor na para bang lulunukin na siya. Niyakap niya ang sarili, at muli siyang nanginig. Nang makalabas si Mila ng kwarto, agad na lumapit sa kanya si Hendrix at hinablot ang braso niya.

"Huwag mong sasabihin ang tungkol sa kasunduan, dahil kung hindi, idadamay ko lahat ng taong nakapaligid sa iyo! Mark my words," galit na sinabi nito sa kanya, at sunod-sunod siyang umiling.

"Huwag mong idamay ang pamilya ko dito, Hendrix. Susunod na ako sa mga gusto mo, wag mo lang silang idamay," pagmamakaawa niya, marahas na binitawan siya ni Hendrix.

"Good! Kailangan mo lang pala takutin para sumunod ka sa mga gusto ko. Itong tandaan mo, Alessia, wala akong nirerespetong babae, maliban sa kapatid ko. Kaya huwag kang umasa na maawa ako sa iyo, dahil malabong mangyari 'yun," sabi ni Hendrix bago ito umalis ng kwarto niya. Nang sumara ang pinto, napatili siya sa sobrang galit.

"Lahat nalang kayo, ayaw sa akin! Lahat nalang kayo, pinagtatabuyan ako," iyak niya. Inayos niya ang makapal na salamin.

"Kailan ba matatapos ang paghihirap ko?" bulong niya. Nang dumating ang gabi, muling pumasok sa kwarto niya si Hendrix.

"Gusto ni Mila na kasama ka sa hapagkainan," malamig na sabi nito sa kanya. Hindi na siya nito hinintay makapagsalita, dahil hinila na nito ang braso niya patayo. Nagulat siya nang pagkalabas nila sa kwarto, pumulupot ang braso ni Hendrix sa kanyang manipis na bewang, kaya napalingon siya sa doktor.

"Let's pretend to be sweet in front of my sister." malamig na wika nito sa kanya. Tumango siya, ramdam niya ang kalabog ng kanyang dibdib. Amoy na amoy niya rin ang mahahaling pabango ni Hendrix, at naririnig niya ang mabibigat nitong hininga.

"Ate Alessia," ngiti ni Mila at kumaway, ngumiti naman siya. Bagaman galit siya kay Hendrix, hindi niya idadamay ang galit nararadamdaman niya sa kapatid nito.

"Inosente at mabait," sabi niya sa kanyang isipan. Nang makababa sila sa hagdanan, lumayo na si Hendrix sa kanya. Lumapit naman sa kanya si Mila at pinulupot ang kamay nito sa braso niya.

"Ate Alessia, alam mo, masaya ako dahil na dagdagan na kami sa hapagkainan. Nakakalungkot lang dahil kami lang dalawa ni kuya. Pag wala siya, mag-isa lang ako noon," malungkot na sumbong nito. Inaabot niya ang buhok ni Mila at marahang hinaplos iyon dahilan para makita niya ang emosyonal nitong mga mata.

"Hindi ka na mag-iisa dahil nandito na ako," seryosong sabi niya, at niyakap si Mila. Kung may magagawa siya para rito, gagawin niya. Naramdaman niya na ang mag-isa, at ayaw niyang maranasan iyon ng iba lalo na sa isang inosente na tulad ni Mila.

"Salamat, Ate Alessia," malambing na wika ni Mila sa kanya at hinila na siya nito patungo sa upuan. Nasa gitna si Hendrix habang nasa kanan siya, katabi si Mila. Habang kumakain siya ay ramdam niya ang tingin ni Hendrix, at ayaw niya iyon tignan.

MOONLOVERPRINCESS2

MY HUSBAND SOLD ME TO THE DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon