Chapter5⇨The call❤

7.1K 202 10
                                    

Napangiti si Raymond sa naiisip. Why not? He's Single, Alex is single too. Wala naman siguro magagalit kung susubukan niya
hindi ba?.


Besides, kaya niyang suyuin si Mr. Vien at si Mrs. Cherry sa nagawa niyang pagkakamali na saktan ang kanilang anak noon. Also mga bata pa sila ni Alex noon, Iba ang sitwasyon ngayon. He wants Alex to be his Husband..


Napatigil si Raymond. Asawa? Napangiti siya. All those years, Ngayon lang pumasok sa kukote niya ang salitang Married Life. Why not? He's not getting any younger.


"Tandaan mo Alex. Magiging akin ka. Hindi ko hahayaang na ni kuko mo mahawakan ng ibang lalaki. All of you is mine." seryosong sabi ni Raymond sa sarili.


Ngunit ang hindi alam ni Raymond ay may katulad niya na handang rin gawin ang lahat para sa baklang mahal kahit pinagtatabuyan ito, At iyon ay si Mark. Ang gwapo at makulit na manliligaw ni Alex sa America.


Nakahiga lang si Alex ng mga oras na iyon simula na papasukin siya ng kanyang daddy sa kwarto.


Tinatamad tuloy siyang bumangon sa kama ni hindi pa siya naliligo. Suot niya pa rin ang damit na sinuot niya kagabi. Mabango pa rin naman siya at hindi pa naman siya amoy na malansang isda. Ilang sandali ay tumunog ang kanyang cellphone.

Nilingon niya ito sa kanyang side table. Inabot niya ito at saka sinagot ang tawag na hindi tinitingnan kung kaninong pangalan ang nakarehistro sa numero na iyon.


"H-ello?" medyo bangag siyang napasagot.


"Hi Alex. It's me Mark, How are y----" agad naman binaba ni Alex ang tawag nito. Bakit ba ang kulit ng lahi ng isang to? Hindi pa rin ba siya titigilan ni Mark?


Mahirap ba intindihin ang salitang AYOKO SAYO. HINDI KITA GUSTO. PERIOD. Uso pa pala ang martyr sa ganitong panahon? Napailing nalang si Alex.


Maya maya ay tumawag nanaman ito. Hindi siya nag abalang sagutin ang tawag na iyon hanggang sa naka 20missed calls na sakanya si Mark. Hindi pa rin ito napapagod sa kakatawag sakanya.


Napagpasyahan nalang ni Alex na sagutin ang tawag nito para matigil na sa katatawag.


"H-ello?" ulit niyang sabi kanina na sagutin niya rin ang tawag nito.


"H-ey. What's wrong bat mo ako binabaan kanina? Hindi mo rin sinasagot ang tawag ko?" parang nagtatampong sabi ni Mark sa kabilang linya. Napabuntong hininga naman si Alex



"Pasensya na Mark medyo masakit lang ang ulo ko ngayon. Hang over."


"Ha? Nag bar ka kagabi?" parang shock pa nitong sabi sa kabilang linya.



"Yes. Wala naman masama roon diba? Ano ka ba naman Mark hindi na ako totoy noh!" natatawa niyang sabi.


"Kahit na. Ayoko na may---" ang iba pang sasabihin ni Mark ay pinutol ni Alex at nagsalita.


"Look Mark, This is my Life. Ang ayaw ko sa lahat ay yung dinidiktahan ako."



"Hey don't get me wro--."


"You are the one who started it."matigas niyang sabi.



"Look, I need to hang up. Bye."

"Wai---" May sasabihin pa sana si Mark pero bigla na niya inend call ang tawag nito.

Ano bang magandang dapat gawin para tigilan na siya ni Mark? Wala siyang maisip. What if totohanin ni Mark ang sinabi nito sakanya na susundan siya nito sa pilipinas? Lalo siguro siya maiirita.

Reveng ni Beking Nerdy (Book-2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon