Things all went through today with Raymond. Mabuti nalang hindi na kami masyado nagbabangayan dalawa. Maayos kami nag-uusap. Sinet-aside muna namin iyong problema namin dalawa. We just enjoy the day na magkakasama kami. It's opportunity na rin to find out what I really felt for Raymond. I just realize na nakakapagod rin isipin kung ano ba talaga ang pinopoint out ko sa sarili ko. I keep on saying to myself dati na ayoko na magmahal kung isang Raymond Aren nanaman ulit ang makikilala ko. Iyong tipo na kalimutan nalang ang lahat na nangyari and to think na walang nangyari pero hindi pala... Hindi ganun kadali harapin iyon sa kasalukuyan. Mas lalo akong nahihirapan kasi muli nag krus ang landas namin ni Raymond. To the point na wala na talaga iyong feelings mo para sa kanya pero nung makita mo ulit siya nagkamali ka pala... Muli nanaman nabubulabog iyong feelings na matagal ko ng inalis sa sarili ko para sakanya.
And there, Andiyan si Mark. Ang super kulit at corny na manliligaw ko. Bakit kasi hindi nalang si Mark ang minahal ko noon pa? Hindi naman kasi siya mahirap mahalin. Mahal niya kasi ako...pero ako ang may problema..Hindi ko mahal si Mark. I looked at him only as a friend. Hanggang kaibigan lang talaga ang pwede kong I give in sa kanya.
Maswerte ang babaeng mamahalin ni Mark. Nagpapasalamat ako kay Mark dahil minsan binigyan niya ng kulay ang mundo ko when im in the time of my darkess side. Iyong time na malungkot ako, pinapasaya niya ako.
Ngayon naipit ako sa isang sitwasyon na kailangan kong pagdesisyonan... A one big favor to asked for. Marriage..
I am going to decide if I am willing to be a Mrs. Arenal. Choss! Mrs. talaga haha.
Kaya ngayon, Pinakapalan ko nalang iyong mukha ko kanina na pumunta sa bahay nila Raymond and asked him if it is okay to go out with me today.
Siyempre ang ibig sabihin ko nun sa sinasabi ko is a DATE.
Kahit isang araw lang.. Isang araw kung meron pa bang kilig factor sa katawan ko pag naiisip, nakikita, nakakasama, nakakausap ang isang Raymond Arenal.If katulad pa rin ba noon ang pagtibok ng puso ko sakanya hanggang ngayon.
I want to compare the past from my present.
Nasa loob kami ng kotse ni Raymond. Pareho kami abala sa pagkain ng aming ice cream cup.
Dumaan kasi kami sa ice cream parlor. Siyempre nilibre ako ni Raymond. Habang nagmamaheno nga siya kanina ako ang pinahawak niya sa ice cream cup niya at anak naman ng tinola. Alam niyo ba kung ano ang sinabi niya sakin kanina?
"Babe. Pasubo naman ng ice cream."
Oh kita niyo na ang ugali ng lalaking iyan? May pa babe-babe pang nalalaman eh.
I can't deny but I blushed in that time at worst He saw me blushing because of him.
Sinubuan ko naman siya at baka umiyak.Nandito kami sa isang Open Park. Hindi kami bumaba ng kotse kasi nga tinatapos pa namin iyong ice cream namin. Ipinark lang ni Raymond iyong kotse under the tree para naman hindi maiinitan iyong kotse.
"Mark came into my house lately." Panimula ni Raymond. Binasag niya iyong katahimikan na kanina pa namumuo sa aming dalawa. Mabuti na nga lang may ice cream kung wala, kanina pa panis iyong laway ko sakanya.
"Nakita ko nga. Nagsuntukan ba kayo?" tanong ko sakanya.
"Hell No!!"react niya.
"May sinabi lang siya sakin." Sabi ni Raymond.
"Pwede ko bang malaman kung ano pinag-usapan niyo?"
This time. Tumingin sakin si Raymond. Walang emotion ang mukha nito. Basta lang siya nakatingin sakin.
"Okay. Pwede mo naman hindi sagutin iyong tanong ko. Neverm--"
"It's You." Agad naman ako napalingon sakanya.
"Ano kamo?"
"It's You sa tagalog ikaw."
"Alam ko! Umayos ka nga Raymond!" binatukan ko nga.
"ouch! amazona ka talagang bak----" reklamo niya hindi na niya naituloy ang sasabihin nya dahil umamba na ako.
Natawa naman ako sa kanya. Umayos naman siya ng upo. Tapos na kasi niyang kainin iyong ice cream niya. Ako naman patapos na rin.
"Ikaw ang pina-usapan namin. He told me that..." tumingin naman sakin si Raymond ng malagkit.
"He told me that I can have you. He is already willing to give up on you. He doesn't want to be in a one sided love anymore." Nagulat naman ako sa narinig ko. So it means, Nag give up na talaga si Mark sakin.
"a-no naman ang sinagot mo sakanya? Did you act rude to him?" pag-aalala kong tanong kay Raymond.
Ngumiti si Raymond saken. " No. I'm thankful to him. I told him that You're mine, only mine."
Bigla naman parang may tumatambol na drum sa loob ng puso ko ng mga sandaling iyon."I-kaw Raymond..."
"anong ako?" nagtataka niyang tanong sakin.
"ahmm. Are you not giving up on me?"
Grabe. Out of the blue naman siguro iyong tanong ko sakanya. Sa lahat ng itatanong ko, Eto pa. Bahala na nga.
Hinawakan ni Raymond iyong kamay ko. I felt the crazy sparks that runs into my veins....again.
"No matter what happened, I'm not going to give you up Alex. I won't give up on you. Mahal kita Alex maging sino ka man. I will always do. Please trust me when I say I love you... because I will always mean it at araw araw kong ipaparamdam iyon sa'yo." I'm speechless. Hindi ko alam pero umiiyak na pala ako sa harap ni Raymond.
"why are you being like this Raymond? Bakit Sobra mo akong minahal na kahit alam mong pinagtatabuyan kita? At higit sa lahat hindi ako tunay na babae isa lang akong hamak na bakla!" I sobbed.
Lumabas ako ng kotse at naglakad papunta sa harapan ng kotse para makahinga ng maluwag. Sobrang sikip lang kasi ng atmosphere namin sa loob.
Lumabas rin si Raymond sa kotse.. Pumwesto ito sa harapan ko. He slowly lifted my chin up.
"as long as you're the same person I fell for, My feelings won't ever change Alex. Kahit ano kapa and you're just so hard to forget kaya ngayon I'm still hoping.. May pinaglalaban lang talaga ang puso ko kaya ganito ako."
"Raymond.." I said while sobbing.
"Can you promise na hindi mo na ako pagtatabuyan at ipagtutulakan palayo Alex?"
Fighting to this despair, tumango ako at ngumiti sakanya.Nagulat pa nga si Raymond sa naging reaksyon ko but Raymond immediately grab my wrist at niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"I'm s-orry Raymond. S-orry if nasasaktan kita sa pinagsasabi ko sayo dati." I said while my tears keep flowing in my cheeks.
"It's my fault. Don't be sorry."
I stepped backward at muli nagtama ang tingin namin ni Raymond."I love you Alex, never forget that."
﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Huhuhu! Last chapter na next... busy na eh kya tatapusin ko na to kahit maikli lang kesa nman sa iba hindi tinatapos. Diba?? Hehe:)))
Please vote and comment guys:))
Thankyou:)))
BINABASA MO ANG
Reveng ni Beking Nerdy (Book-2)
Teen FictionWhat will you do if both of you will see each other again? What if sabihin nito sayo na Mahal ka pa rin niya at wala pa rin nagbago sa nararamdaman niya sayo simula ng tinalikuran mo ito? Maniniwala ka pa ba sakanya? Will you Trust him again...