Chapter9⇨Him or Him❤

5.6K 171 6
                                    

MARK's POV

"Oh andiyan na iyong hinihintay ko."


"Ha? Sino?" tanong ni Alex sa kabilang linya.


"iyong malaking flappy bird. hahahaha Sige I'll hang up now." Kahit ako natawa sa sinabi ko kay Alex.


Iyong malaking flappy bird na tinutukoy ko eh yung eroplano na sasakyan ko papuntang pilipinas. Dalawang araw ang biyahe. Last week lang ako nagpa book ng flight sa pilipinas for a vacation.


Ang sadya ko lang naman talaga is makita si Alex o di kaya makuha ang pag-ibig nito. Ganun naman talaga, Pag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para makita lang siya kahit pareho kayong lalaki. Iyon nga lang hanggang tingin lang ako pero hindi pa rin ako sumusuko kahit sabihin sakin ni Alex na ayaw niya sakin pero susubukan ko pa rin. Napabilang na talaga ako sa kasamahan ng mga martyr. Kahit patuloy niya ako pinagtatabuyan, andito pa rin ako sakanya na umaasa.


Wala pa naman siyang boyfriend, Wala ring asawa. Single siya, Single ako. Wala rin akong karibal sa atensiyon niya. Wala naman nanliligaw sakanya ako lang ang nagpaparamdam. Makulit kasi talaga ako. Siya kasi iyong naiimagine ko na maging future wife. Bagay naman kami ah! Lalo na ngayun at Ganap na talaga siyang babae.


"Please fasten your seatbelt sir." sabi nung magandang stewardess. Nginitian ko lang siya.


--

RAYMOND's POV

"H-ello dad?"


"Raymond. I want to talk with you. Where are you?" sa tono pa ng boses ng daddy niya ay alam niyang importante ang sasabihin nito.


"I'm right now at the office." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na nito binaba ang telepono sa kabilang linya.


Isinantabi niya ang kanyang cellphone at muli inaasikaso ang mga hawak na papeles.


Habang busy siya sa mga ito ay siya naman ang bukas ng pinto sa kanyang opisina at walang anumang katok na pumasok si Alexander Arenal. Pawisan naman ang sekretarya niya na nakasunod sa ama niya.


Sa tingin ni Raymond baka pinipigilan ito ni Jane na wag pumasok dahil alam lahat ng tao rito sa opisina na pag nasa loob siya ng office niya ay walang sinuman ang may karapatan na mang istorbo sakanya pero labas na dun ang daddy niya, lalo't ito talaga ang may-ari ng kompanya.

Ang totoo lahat ng shares niya sa kompanya ay hindi pa lubos ibinigay ng daddy niya. Mas malaki pa rin ang shares nito kaysa sa kanya. Pag nakapag-asawa na raw siya ibibigay na lahat nito ang 60 % stock of shares nito sa kompanya.


Iyon ang kasunduan nila ng daddy niya a year ago pero he wasn't a desperate man para makuha ang lahat ng iyon. When time comes, it will come.


"Dad." napatayo naman si Raymond sa kinauupuan nito.
tumikhim muna si Alexander bago magsalita sa harapan ng anak.


"Hindi mo lang ba ako pa uupo-in?" sinenyasan muna ni Raymond na umalis muna si Jane, itong sekretarya niya minsan hindi ma alog iyong utak.


Tama bang pigilan tatay niya na wag pumasok sa opisina niya eh opisina rin ito ng daddy niya.


"oh have a seat dad. doon tayo sa sofa, we'll discuss your here abouts there. Wine or coffee?" alok niya. saka sabay na sila umupo sa sofa.


"No thanks. Hindi rin ako magtatagal."


"You'd really suprise me dad, nasa labas ka lang pala naghihintay. anong meron at tinangay kayo ng hangin amihan papunta sa opisina ko? hehe."pagbibiro niya.


Reveng ni Beking Nerdy (Book-2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon