Chapter17⇨Third day❤

4.7K 144 2
                                    


Kinabukasan...

ALEX's POV

Maaga akong nagising kinabukasan. Bumangon na ako at dumiresto sa banyo para maghilamos at mag mugmog, Hindi ko na sinuklay iyong buhok ko dahil hindi naman masyado magulo iyong buhok ko at maganda naman akong tingnan kahit messy iyong buhok ko. hehe..

Lumabas na ako mula sa kwarto ko at dumiretso na sa kusina. Nadatnan ko naman na kinakausap ni Raymond si manang Juliana at mang jose.
Napansin naman ako ni mang jose at ngumiti ito sakin.

"Magandang umaga ho senyorita." Bati ni mang jose. na hiya naman ako sa pagkakasenyorita ko f na f ko eh.

"Magandang araw ho rin sa inyo." Bati ko sakanila at lumapit ako.

Tumingin naman ako kay Raymond. Hindi ko na siya iiwasan simula ngayong araw na to dahil gaya nga ng sabi ko sakanya kagabi na susubukan namin kung may sparks pang natitira samin dalawa in that way baka may pag-asa samin dalawa. Susubukan ko rin gugustuhin muli ang isang Raymond Arenal. Kung titibok pa ba ang puso ko gaya nung dati.
Wala naman sigurong masama kung susubukan namin dalawa diba?

"Hey. Goodmorning Alex. Aga aga tulala ka nanaman sa kagwapohan ko. tsss." Natauhan naman ako at kumunot iyong noo ko sa sinabi niya. Ganito ba talaga siya? Sobrang yabang! >__<

Napansin ko naman na palihim nagsisikohan si manang Juliana at mang jose at pangiti-ngiti pa sila.

"oy Raymond! Ang aga aga rin ah wag mo akong binibwesit!" sumimangot naman iyong mukha niya sa sinabi ko. Hahaha!

Hindi pa rin pala siya nagbabago at ngayon ko lang iyon napansin. Sobrang yabang niya pa rin katulad nung highschool pa kami.

"totoo naman ang sinasabi ko ah! -____-"

"Ewan ko nga sayo Raymond. Siya nga pala, anong chinichismis mo kina manang Juliana?" tanong ko kay Raymond.

"Chismis?" nagtatakang niyang tanong. Tumango naman ako baka kasi ako pinag-uusapan nila at kung anu-ano ang pinagsasabi nitong si Raymond. Eh di sira na iyong image ko kina manang Juliana. Teka bat ba ako nag-aalala ng ganito? >___< Erase! Erase!

"Kinausap ko sila na maglilinis muna rito sa bahay habang wala tayo."

"tayo?" nagtataka ko rin sabi.

"Bakit? Saan ba tayo pupunta Raymond?" tanong ko sakanya. Saan nanaman kaya akong balak dalhin nitong si Raymond -__-

"Mamamasyal tayo.vAyoko naman na ikulong ka rito sa isang linggo. Besides si manang Juliana ang kumausap sakin tungkol dito." Napatingin naman ako kay manang Juliana at nakangiting tumango ito sakin na ibig sabihin totoo ang sinasabi ni Raymond sakin.

"Tama si senyorito Raymond. Kinausap ko siya. Ayoko naman na mababagot ka rito sa bahay." Napangiti naman ako sa sinabi ni manang Juliana.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Sa bayan tayo." Sabi ni Raymond tapos umupo na siya doon sa mesa at hinigop ang mainit nitong kape.

"Masaya ho roon ngayon senyorita Alex." Sabi naman ni mang jose.

"bakit ho?" nagtataka ko naman tanong.

"Fiesta po kasi sa bayan ng Rosales. Maraming pabenta tapos mga palaro. Wag kayong mag-alala. Mababait ang mga tao sa rosales. Sige ho at tutuloy na kami ni Juliana. Babalik nalang po kami mamaya." paalam ni mang jose at lumabas na sila sa bahay.

Reveng ni Beking Nerdy (Book-2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon