Chapter11⇨Flashback❤

5.2K 148 1
                                    

Dinala ko si Mark sa isang top hill overview, Kararating lang namin. Napakaganda kasi ng lugar na ito. Buong city makikita mo. Dito kasi may freedom ka kung ano ang gusto mong gawin sa buhay mo. Lahat rito pwede mo isigaw ang lahat lahat na hinanakit na nararamdaman mo. Hindi ka maiinitan dahil may dalawang malalaking puno ang nakatayo rito sa top hill overview at mayayabong pa ang mga dahon nito.


This place reminds me 6 years ago dahil dito ako mismo dinala ni Raymond nung sinuprise niya ako noong gabi iyon, Pinalagay niya pa sa isang building na kahit nasa overview ka makikita mo pa rin ito.


Pinalitan ng malaking tarpaulin na I LOVE YOU ALEX ang billboard na iyon ng advertisement pero dito rin pala ang huli kong punta noong sobrang nasaktan ako.


*Flashback*


"Alex let me explained." Tumayo siya at tumayo rin ako. Sinampal ko siya na ubod ng lakas na ikinagulat ng karamihan na nasa loob ng restaurant na iyon.


"You want to explained? Sorry but I don't have time for bullshits Raymond." Sabi ko at umalis na. Nakalabas na ako pero sinusundan niya pa rin ako. Pinigilan niya ako sa braso. Napaharap ako sakanya at agad ko siyang sinampal!


"tama na Raymond! Tama na! ano ba! ayoko na! ayoko na gawing tanga yung sarili ko! Ayoko ng umiiyak ng dahil sayo!kasalanan mo ang lahat ng to at hindi ako. Hindi ako ang nang iwan sa ere, ikaw! kaya wag na wag mong sasabihin sakin na magpapaliwanag ka dahil malinaw ang lahat ng iyon sakin Raymond! sariwa pa sa utak ko! Ni hindi ko nga maintindihan eh? kung anong meron sa iba na wala ako kung bakit hindi mo magawang makunteto na ako lang. Porket ba bakla ako at wala ako ng meron ang mga tunay na babae! Ganon ba?!"


"Alex don't do this to me." Yumakap siya sakin. Gusto ko siyang yakapin pero mas gusto ko siyang patayin sa mga oras na iyon. Itinulak ko siya papalayo sakin dahil nandidiri ako sakanya.


"You made me believe that you won't hurt me. You made me believe that I am your princess at wala ng iba. ang galing mo Raymond! Pinaniwala mo ako ng sobra! 100 % na audience ang pumapalakpak sayo! Sorry Raymond. No.... I want to say, hanggang dito nalang tayo Raymond." umiiyak kong sabi at tinalikuran siya.


Hindi pa talaga ako umuwi ng bahay ng gabing iyon. Dumaan ako kung saan ako dinala ni Raymond noong gabi na sinopresa niya ako.


Nang makarating ako doon. Bumaba ako sa taxi at tinakbo ko kung saan hanggang ngayon tanaw na tanaw ko parin ang isang building na may malaking tarpaulin sa stall ng mga advertisement sa billboard. Andoon pa rin ang I LOVE YOU ALEX na pinalagay ni Raymond sakin.


"bat mo ginawa ito sakin Raymond?! Napalaking gago mo talaga! Tarantado ka talagang lalaki ka!" sigaw ko habang umiiyak. Rinig ko pang pa echo echo iyong boses ko.


"akala ko pa naman ikaw iyong lalaking magpapasaya sakin. Iyong gagawin ang lahat para sakin at yung tanggap ang lahat ng wala ako! Kasalanan ko rin ito eh! Naging stalker mo ako dahil naka pa imposible na pansinin mo ako pero andito na tayo eh napansin mo na ako. Kasalanan ko dahil I expect too much from you, I want to blame myself for loving you dahil iyong pagmamahal ko ikaw rin pala ang sisira nun. Bwiset ka talagang lalaki ka!" napahagulhol na ako ng mga sandaling na iyon at napaluhod habang iyong mga kamay ko nakatakip sa mga mata ko. Daig ko pa tuloy ang babaeng bida sa pelikula sa drama ko.


"Pagsisihan mo talaga na sinaktan mo ako!" sigaw ko nanaman ulit at napa iyak.


*end of flashback*


"hey Alex? Are you alright?" Doon naman ako muli natauhan na tinapik ni Mark ang balikat ko. Napatingin naman ako sakanya.


"Ha? May sinasabi ka?"


Reveng ni Beking Nerdy (Book-2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon