"Ano'ng gusto mong kainin? Huwag mong sabihing ampalaya na naman?" natatawang sabi ni Dave.
"Bakit? Bawal bang mag-ulit?"
"Bawal. Mag-try ka naman ng iba," malambing na sabi ni Dave.
"Ikaw na lang pala ang pumili," natatawang sabi ni Ella.
Dinig na dinig 'yun ni Dianne kaya napasimangot ito. Inakala niya nung una na nagpapanggap lang ang dalawa pero nang marinig niya ang tema ng pag-uusap ng dalawa nakaramdam siya ng pagkainis.
Habang naghihintay sa pagkain inabot ni Dave ang isang kamay ni Ella na may sugat. "Hindi na ba masakit 'to?" tanong niya.
"Medyo makirot pa nang kaunti pero kaya ko naman tiisin."
"Dapat siguro 'wag ka na munang mag-drawing, ipahinga mo muna 'yang kamay mo."
"Hindi pwede. Magagahol na kame sa oras."
"So, what? Ako naman ang boss mo, ah? Okay lang kahit isang buwan ka pang ma-delay. ""May timeline akong dapat sundin. Huwag kang makulit. "
"Okay sige. Pero babantayan kita. Hindi ako matutulog hangga't 'di ka natutulog."
Sa puntong iyon namilog ang mata ni Dianne. Hindi maipinta ang mukha na tumayo ito at nagdadabog na lumabas ng restaurant. Agad naman itong sinundan ng boyfriend nito.
"Hey! Dianne! What's wrong?" habol ng lalaki.Kapwa napatanaw sina Ella at Dave sa mga ito at sabay napangiti.
"Mukhang nagselos ang ex mo, Boss," ani Ella.
"Akala mo lang 'yun. Masyadong conceited 'yang si Dianne. Hindi niya lang siguro matanggap na naka-move on na ako sa kanya."
"Naka-move on ka na nga ba, Boss?" seryosong tanong ni Ella.
Napatitig sa kanya si Dave. "Of course," anito.
Napatango-tango si Ella na noo'y kunwaring inayos na lang ang pagkaing isa-isang inilalapag ng waiter.
"Kain na tayo gutom na ako," ani Dave na noo'y nagsimula ng kumain.
Pagdating sa condo mabilis na tumawid si Ella sa unit niya. Nagbihis lang siya at nag-ayos ng sarili pagkatapos ay sinimulan na niya ang hindi natapos na trabaho. Ilang minuto lang ang nakalipas nang marinig niya ang mga yabag papalapit sa kanya kaya agad siyang napalingon.
"Boss?" tanging nasambit niya.
Hindi kumibo si Dave na noo'y humila nang silya at naupo paharap sa kanya.
"Boss?" ulit niya.
"What? 'Di ba napag-usapan na natin 'to kanina?"
Namilog ang mga mata ni Ella. "Hindi po ba arte lang 'yun?"
"Arte? Sino'ng umaarte?"
Ramdam ni Ella ang pag-init ng pisngi niya kaya agad siyang yumuko at kunwaring nag-drawing.
"Hindi niyo na po ako kailangang bantayan. Naka-permanent lock na po ang pintuan ko sa harapan," hindi tumitinging sabi niya.
"Mag-drawing ka na lang diyan, 'wag mo akong pansinin," ani Dave na noo'y dumukdok na sa mesa at ipinikit ang mga mata.
Saglit siyang tinapunan ng tingin ni Ella sabay napailing.Mag-uumaga na nang matapos si Ella. Muli niyang sinulyapan ng tingin si Dave na noo'y nakatulog na sa kinauupuan. "Boss," aniya sabay yugyog sa balikat nito.
Pupungas na nagmulat ng mga mata si Dave. "Ano'ng oras na ba?" anito.
"Mag-aalas dos na po."
"Alas dos? Bakit naman nagpakasagad ka?" ani Dave na noo'y tumayo na.
"Napasarap po, eh."
"Sige na magpahinga ka na, tatawid na ako sa kabila."
Tumango lang si Ella at bahagyang ngumiti.
YOU ARE READING
Something About Her
Mystery / ThrillerMakapal na make up, itim na kasuotan at itim na lipstick, 'yan ang tatak ng isang Ella Alcantara na na bumuo ng sarili niyang mundo simula ng mawalan ng pamilya. Sa hitsura niyang 'yon, nakuha niya ang atensiyon ni Dave Ricaforte, ang nag-iisang an...