Chapter 8 - One Step Closer na si Boss

5 0 0
                                    

Nang hapong iyon sinadya ni Dave na 'wag magpakita kay Ella para iwaksi sa isipan nito ang huling ginawa niya.  Matapos niyang ilapag ang pinamiling pagkain sa harapan ng unit nito kumatok siya sa pinto atsaka siya pumasok sa unit niya.

Ilang saglit pa, nagbukas ng pinto si Ella, agad nitong napansin ang nakalapag na supot ng pagkain na hindi naman nito agad kinuha. Nagpalinga-linga muna ito sa paligid bago nito sinilip ang laman ng supot. Walang note na nakalagay sa loob kaya hindi niya ito kinuha.  Isasara na sana niya ang pinto ng mag-ring ang cell phone niya, tumatawag si Dave.
"Hello, Ella. Natanggap mo ba 'yung pagkaing pinadala ko?" agad na bungad ng binata.
Napasulyap si Ella sa supot na nakalapag sa sahig.  "Ito po ba'ng nasa harapan ng pinto?"
"Oo, iyan nga. Pinaiwan ko sa harapan ng unit mo," kunwa'y sabi ni Dave.
"Huwag na po kayong mag-abala sa susunod, Boss. Kaya ko na pong magluto. Thank you po sa food."
"Mabuti naman kung--"
Biglang napakunot ang noo ni Dave nang biglang nawala sa kabilang linya si Ella.
"Hays! Hindi pa ako tapos, eh."

Madaling araw nang makarinig ng malakas na tunog si Dave kaya agad siyang napabangon sa pagkakahiga. Mabilis niyang binuksan ang mga ilaw atsaka niya siniyasat ang kabuuan ng unit niya pero wala siyang nakitang kakaiba. Muli niyang pinatay ang mga ilaw atsaka siya bumalik sa silid niya. Isasara na niya ang pinto nang marinig niya ang mahinang pagdaing ni Ella sa kabilang unit.

"Ella, okay ka lang ba?" tanong niya habang papalapit sa lagusan.

"Boss, tulong!" sigaw ni Ella.

Dali-daling tumawid si Dave sa silid ni Ella at doon ay naabutan niya itong tila wala sa sarili, tulala ito habang nakatitig sa  duguang kamay na may hawak ng basag na bote. Sa gawing paanan ng dalaga ay isang lalaki ang nakahandusay at walang malay.

"Sino 'yan?" ani Dave sabay hila sa dalaga papunta sa likuran niya.

"Hindi ko po alam. Nakarinig lang po ako ng katok kaya ko po pinagbuksan."

" What? May in-expect ka bang bisita nang ganitong oras?"

"Akala ko po kasi kayo lang po, Boss."

"Ella naman!" ani Dave habang pumipindot sa cell phone.

"Hello, guard! Magpaakayat ka ng security sa unit ni Miss Alcantara, ngayon din. " Iyon lang at isinuksok na nito ang cell phone sa bulsa.

"Hindi mo ba naisip na may lagusan ako rito sa silid mo? Kaysa kumatok sa labas, dito na lang ako kakatok sa loob. Pwede rin naman na hindi na ako kumatok at basta na lang akong pumasok. "

"Kayo po kasi agad ang pumasok sa isip ko nang marinig ko ang katok. "

Napaawang ang mga labi ni Dave sabay napailing. "Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil laman ako ng isip mo. Pero muntik ka nang mapaha--"

Napalingon si Dave sa gawing pinto nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok ng  mga security guard. Agad niyang tinungo ang pintuan atsaka niya pinagbuksan ang mga ito.

"Sino 'tong lalaking 'to?" agad na bungad niya sabay turo sa lalake. "Bakit siya nakaakyat dito?" 

"Boss, isa po siya sa kasamang naglipat ni Miss Alcantara nun. "

Kunot ang noong bumaling si Dave kay Ella. " Kilala mo ba 'yan?"

"Pamilyar po siya pero hindi ko po siya kilala."

"Ma'am, isa po siya sa nag-aakyat ng mga gamit niyo noon."

"Guard, ano ba ang paalam nito sa'yo?"

"May dala pong vase 'yan, Boss,  iakyat lang daw po sa unit ni Miss Alcantara."

"Bakit hinayaan mong makaakyat nang walang abiso kay Miss Alcantara?"
"Boss, sinubukan ko naman pong tawagan si Ma'am pero hindi po niya sinasagot ang tawag ko."

Something About HerWhere stories live. Discover now