Chapter 9- Meet Dianne, the Ex

5 1 1
                                    

Naglalakad na sa hallway si Ella nang masalubong niya si Bench.
"Hey! Okay ka na? Balita ko may nangyare kagabi sa unit mo? Kumusta? Hindi ka ba nasaktan?"
"Good morning, Sir. Ayos lang po ako. Nakakulong na po 'yung lalaking pumasok sa unit ko."
"Kaloka! Ano kayang motibo ng isang 'yun? May nawala ba sa mga gamit mo?"
"Wala po, agad po kasi akong nakahablot ng pamukpok kaya napalo ko po agad siya."

"Si Boss Dave, nasaan?"

"Dumaan po muna sa police station. Ayaw na po niya akong ma-stress kaya siya na lang po ang nag-file ng complain."

"Sure ka ba na kaya mo nang magtrabaho?"

"Opo, Sir. Marami na po akong hahabulin, eh."

"Naku, Ella mag-iingat ka nga. Hindi pa natatapos ang buwan nakakailang disgrasya ka na. Sige na, mauna ka na sa office, dadaan na muna ako sa HR para maikuha kita ng leave form, kukunin ko na rin tuloy 'yung cheke mo."

"Para saan po 'yung cheke, Sir?"

"Medical assistance," ani Bench na noo'y lumihis na ng daan.

Dumiretso naman si Ella papunta sa quarters nila.

"Miss Ella!" halos iisang boses na sambit ng mga katrabaho niya nang makita siya. Agad na nagsipagtayuan ang mga ito atsaka siya sinalubong ng group hug.

"Miss Ella, mabuti naman at magaling ka na. Na-miss ka po namin," nakangiting sabi ni Mika.

"Ako rin, sobrang na-miss ko kayo," nakangiting sagot niya.

"Napano po ang kamay niyo, Miss Ella?" ani Karen nang mapansin ang kamay niyang may benda.

"Ah, wala 'to. Nasugatan lang ako kagabi. Guys, back to work na baka maabutan pa tayo ni Boss," aniya na noo'y pumuwesto na sa mesa niya.

Isa-isa na ring nagsipagbalikan sa pwesto ang mga kasamahan niya at seryosong sinimulan ang trabaho.

Alas onse y medya nang magtungo ang grupo sa canteen. Nakapila na sila noon nang mamataan ni Ella na paparating si Dave.

"Sabay na tayo," anito sabay abot sa kamay niya atsaka siya hinila papunta sa VIP lane. Namilog ang mga mata ni Ella at agad napalingon sa mga kasamahan na noo'y nagtatanong ang mga mata. Pilit ang ngiting sumilay sa mga labi niya atsaka siya umiling bilang tugon. Basang basa na kasi niya ang nais ipahiwatig ng mga ito.

"Ano'ng gusto mong kainin?" ani Dave nang bumaling sa kanya.

"D-Dun na lang po ako sa kanila sasabay, Boss," alanganing sabi niya.

"May kailangan akong i-discuss sa'yo regarding sa lalaking nahuli natin sa condo," ani Dave habang pumipili ng pagkain.

Napaawang ang labi ni Ella at napatango-tango.

"Ano'ng gusto mong kainin?" muling tanong ni Dave nang bumaling sa kanya.

"Pork chop na lang po, Boss atsaka ginisang ampalaya."

Agad na bumaling si Dave sa counter at in-order ang pagkaing gusto niya. Ito na rin ang nagbitbit ng tray nila papunta sa table.

"Ano po ang sabi sa presinto, Boss?"

"Matagal ka na palang ini-stalk ng lalaking 'yun. May nakuhang cctv footage ang mga pulis kung saan inaabangan niya ang pag-alis at pag-uwi mo."

"Akala ko nagkakataon lang na siya 'yung nasasakyan ko tuwing hapon, ibig po bang sabihin, sinasadya niya ang bawat pagkikita namin?"

"Parang ganun na nga."

Tumaas ang balahibo ni Ella na noo'y  napayakap sa sarili.

"Don't worry. Ipapasarado ko na muna 'yung pintuan sa'yo. Dun ka na lang sa pintuan ko dadaan papasok sa unit mo, in that way, indi nila iisiping mag-isa ka lang."

Something About HerWhere stories live. Discover now