"I still can't find her!"Nabigla ako nang biglang ihagis ni Dad ang cellphone niya at galit na galit na napaupo sa swivel chair niya.
We can't find my twin sister na dapat ikakasal na bukas. Hindi ko alam kung sinadya niya ba na umalis dahil sa kasal niya. Pero paano naman ang fiancé niya?
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ni Kayla at naisip niya ang pag alis. Kung hindi niya gusto mai-kasal sa lalaking 'yon sana sinabi na lang niya para nagawan pa ng paraan.
As for me? Tahimik ang buhay ko, I don't want to get married dahil sakit lang sa ulo ang mga lalaki. My parents know that.
"Dad, I need to go na pala," tumingin siya sa 'kin at agad naman nawala ang kunot ng noo niya. Lumapit siya sa 'kin at hinalikan ang noo ko.
"Take care, okay?" Tumango ako at saka ako umalis ng opisina niya.
Pag labas ko narinig ko ang boses ni Mom na may kausap sa phone niya. Nang makababa ako ay hindi din siya mapakali katulad ni Dad kanina.
Kung nasaan ka man Kayla sana okay ka lang dahil once na umuwi ka dito isang-katutak na sermon ang aabutin mo.
Lumapit ako sa nanay ko at hinalikan siya sa pisnge.
"I need to go," bulong ko sakanya dahil may kausap siya. Binigyan niya lang ako ng isang sunod-sunod na tango at nag ba-bye pa.
I smiled at her at kinuha na ang susi ng sasakyan ko. Sakto naman ang pag labas ko dahil tumawag ang best friend ko.
"Yes Ava?"
"Where are you na? Kanina pa ako dito!"
"I'm on my way galing kasi ako sa bahay nila Dad to check if may balita na kay Kayla, but until now wala pa din. We still can't find her,"
"Ano ba naman kasing pumasok sa utak niyang kambal mo at umalis pa?! Tomorrow is her wedding day! Mygosh! Kung makita ko lang ang bruha na 'yan baka sinabunutan ko na 'yan,"
"Pag nakita ko siya baka hindi lang sabunot ang aabutin niya sa 'kin. She made our parents worried about her!"
"Calm down! Forget muna about Kayla mag papakita din 'yon!"
"Yeah, I hope so,"
"Dalian mo!"
I was about to say something pa nang bigla niya akong binabaan ng tawag. Natawa na lang ako at sumakay na ako sa sasakyan ko saka ako ng punta sa coffee shop na meeting place naming dalawa.
Pag dating ko ng mall pinuntahan ko agad siya at nakita ko siya sa loob na may kausap na lalaki. Pumasok ako sa loob ng coffee shop at lumapit na ako sakanya na sakto namang pag alis nung lalaki.
"Sino 'yon?"
"My boss,"
"Oh? Did you already order my drink?" I asked her.
"Oo! Bayad utang ha? Dami mo ng utang sa 'kin,"
"I know!" Natawa na lang siya sa sinabi ko.
"Drink for KC!"
Tumayo na ako nang marinig ko ang nickname ko at saka ko kinuha sa "claim area" ang drink na inorder sa 'kin ni Ava.
Pag balik ko may kausap siya sa phone kaya tahimik akong umupo sa harapan niya.
"Yes boss, edit ko mamaya pag balik ko,"
After ng call niya napa buntong hininga na lang siya at kunot noo na tumingin sa 'kin.
BINABASA MO ANG
The CEO's Fake Wife
RomanceAs my twin sister vanished without a trace, and now, my parents want me to marry her powerful CEO fiancé in her place. Pretending to be her was supposed to be temporary, but as I get pulled deeper into her world, I realize there's more at stake than...