Isang linggo na rin ang makalipas simula nang magkasama silang dalawa ni Clay. Sa isang linggong iyon ay hindi niya maitatangging mas lumalim ang pagtingin niya rito ngunit may parte sa kanyang puso ang pag-aalalangan dahil sa mabilis na pangyayari. Marami itong ipinangako sa kanya at lahat ng iyon ay pinaniniwalaan niya. Mahal niya pa rin si Clay at handa pa rin siyang sumugal dito.
"Clay, hindi ko alam kung ano ang sasabihin pero umaasa ako sa mga pinangako mo."
"Asahan mong lahat ay matutupad."
Naudlot naman ang kanyang pagmuni-muni nang may biglang kumatok sa pinto ng kanyang kwarto.
"Isla, iha? May naghahanap sa 'yo sa labas," wika ni Faroda nang makapasok ito sa kanyang kwarto.
"Po? Wala naman po akong inaasahang bisita ngayon. Sino po sila?" tanong niya at napakamot naman si Faroda sa likod ng kanyang ulo.
"Pasensya ka na iha at hindi ko natanong ang pangalan niya ngunit dahil na rin sa may ipinakita siyang larawan ninyong dalawa ay pinapasok ko na. Nag-iisa lang siya sa baba," sagot naman nito at tila nagulat naman siya.
Napakunot noo naman siya dahil wala naman siyang inaasahang bisita at kailanman ay hindi pa siya nagkakaroon ng bisita. Wala si Clay sa bahay dahil may aasikasuhin na raw muna itong importante. Pakiramdam niya nga ay tunay na silang mag-asawa maliban sa isa dahil magkaibang kwarto pa rin sila.
"Bababa na rin po ako, Nanang," sagot niya at tumango naman si Faroda.
Inayos niya na muna ang kanyang damit at saglit na nagsuklay ng kanyang buhok. Nang makitang presentable na siyang tingnan ay nagpasya na siyang bumaba.
Habang pababa ng hagdan ay tila may naririnig siyang nag-uusap. Napalingon siya sa ibaba habang pababa ng hagdan ay nakatalikod mula sa kanya ang kausap ni Faroda. Pamilyar sa kanya ang tindig at boses nito. Kahit buhok nito ay pamilyar sa kanya. Bigla namang kumabog nang husto ang kanyang dibdib dahil dahan-dahan itong lumingon sa kanya.
Ngiting-ngiti ito sa kanya na parang kumikislap ang mga mata. Dali-dali naman siyang bumaba at tinakbo papunta sa direksyon nito. Agad niya itong sinalubong ng yakap at halos kargahin siya nito.
"Matthias!" tawag niya at isang malutong na tawa naman ang narinig niya rito.
"O siya sige at maiwan ko na muna kayo rito ha at ipaghahanda ko kayo ng makakain," wika ni Faroda at tumango naman siya bilang sagot.
Nang maiwan na silang mag-isa ay iginiya naman niya paupo si Matthias. Hindi pa rin siya makapaniwala na naririto ang binata. Ilang araw pa lang naman ang makalipas simula nang lisanin niya ang Batanes.
"Nakagugulat ka naman. Hindi ka naman agad nagpasabi na pupunta ka rito," wika niya na may ngiti sa kanyang mga labi.
"Ipinatawag kasi ako ni Papa, dahil may gusto siyang ipakitang resort dito. He intended to purchase it and launch a new business," sagot naman nito at titig na titig kay Isla.
"That's great! Congratulations! Mabuti naman at nadalaw ka rito sa akin. Teka, kumain ka na ba? Ano'ng oras na ba? Tanghali na ba?" sunod-sunod niyang tanong na bahagyang ikinatawa naman ni Matthias.
His affection for Isla was so strong that it could be deemed as love. He found great amusement in her. Isang linggo at ilang araw pa lang naman simula nang umalis si Isla sa Batanes ngunit nakaramdam na siya nang matinding pangungulila rito. Sa katunayan ay ilang araw niya ring pinag-isipan ito. Mabuti na lang din at tinawagan siya mismo ng kanyang ama upang suyurin ang isang resort kaya nagkaroon siya ng rason upang bisitahin si Isla.
Alam niya kung ano ang katayuan ni Isla at iyon ay ang kasal na ito sa isang kilalang aktor. Ngunit isa itong malaking sekreto sa publiko at parang isang nakatagong anino si Isla na ayaw ipakita sa mga mata ng publiko. Minsan ay naisip din ni Matthias na kung siya ang pinakasalan nito ay ipagmamalaki niya si Isla sa buong mundo at mamahalin niya ito hanggang sa sila ay tumanda.
Umiling naman ito sa kanya. "I'm asking you to go lunch with me. If it is okay?" tanong nito sa kanya at tila nag-alangan naman siya.
Hindi naman siya ganito noon ngunit para bang may dumidikta sa kanya na hindi pumayag dahil kay Clay, ngunit matalik niyang kaibigan si Matthias at sinadya siya nito. Galing pa nga ito sa malayong lugar at tila nakahihiya naman kung tatanggihan niya ito.
"O ito na ang meryenda ninyo. Ubusin ninyo na muna ito bago kayo umalis kung may pupuntahan man kayong dalawa ha. Sa kusina na lang muna ako kung may kailangan kayo ha," wika ni Faroda at nagpasalamat naman si Matthias dito.
Hindi niya ikakaila na magandang lalaki ang binata at kahit na sinong babae ay kaya nitong paibigin at mahuhumaling rito. Papasa nga ito kung pipiliin nitong maging artista. Tiyak din siyang maraming maghahabol na sponsors dito gaya na lang kay Clay. Kung sana ay kaya niyang diktahan ang kanyang puso kung sino ang mamahalin upang hindi siya masaktan ay ginawa na niya ito.
Kinain naman ni Matthias ang inihandang meryenda ni Faroda para sa kanila at hindi naman niya namamalayang pinagmamasdan niya na lamang ito habang kumakain.
"You can stare at me all you want Isla, but please answer my question," wika nito na nakangisi at bahagyang kumindat pa ito sa kanya.
Pinamulahanan naman siya at agad na napahampas sa braso nito. Mahilig talaga siya nitong asarin. "Oo na, sige ubusin na muna natin itong inihanda ni Nanang Faroda bago tayo umalis," wika niya at ibubuka niya pa sana ang kanyang bibig upang kainin ang nasa kanyang kutsara nang may nagsalita mula sa kanyang likuran.
Huli na rin nang mapansin niyang nakatingin na rin pala si Matthias sa taong nasa kanyang likuran.
"Who said you'd go on a date with him?" Isang malamig na boses ang tila nagpatigil sa pag-ikot ng kanyang mundo.
"Clay . . ."
BINABASA MO ANG
My Husband is a Ruthless Darling
Lãng mạnClay Verdera is an actor while Isla Aurora Randal is just a typical person. Makabagong panahon ngunit makalumang paniniwala pa rin ang nananalaytay sa kanilang mga pamilya. They were arranged into a marriage but it has to be a secret because of Cla...