CHAPTER 36

5.1K 109 25
                                    

Payapa at maganda ang tanawin sa labas ng kanilang bahay. Puro bukid ang makikita at walang ingay ng mga sasakyan at tanging ingay lamang ng kalikasan ang maririnig. Malakas ang ulan kagabi at medyo bumaha ngunit agad din namang humupa kinabukasan.

Umuusok at mainit pa ang kape na siyang itinimpla niya. Tulog na tulog pa si Cerius at hindi na muna niya ito ginising dahil magdamag din silang nag-aral kagabi dahil nalalapit na rin ang exam nito. Wala itong pasok ngayon kaya mas maiging makapagpahinga nang mabuti si Cerius. Naging mahirap para sa kanya ang pagpapalaki ng bata dahil wala siyang karanasan at dapat ay katuwang niya ang kanyang ina.

Ngunit ginabayan naman siya ni Faroda hanggang sa kaya na niya. Nakauwi na rin ito sa kanilang probinsya dahil mas kailangan siya ng pamilya nito. Naiintindihan niya rin ito at ayaw niyang maging makasarili upang hindi ito payagan. Malaki na ang naging tulong nito sa kanya kaya bilang kabawian ay nagbigay siya ng pinansyal na makatutulong na makapagpatayo ng mali

"Matthias? Halika na rito at nakahanda na ang kape at tinapay," tawag niya kay Matthias na kasalukuyang nasa banyo.

Magkaiba sila ng kwartong tinutulugan at ni minsan ay hindi siya nito inunahan dahil malaki ang respeto nito sa kanya kahit na minsan ay ramdam niyang nahihirapan na rin ito. Inaamin niya rin na kahit siya ay ganoon din ngunit nakikita niya itong isang malaking kamalian dahil kasal pa rin siya.

Malimit niya na lang mabasa sa dyaryo si Clay at ayon sa balita ay pansamantala na muna itong titigil pagkatapos niyang magawa ang kanyang dalawang pelikulang pumatok sa masa. Pagkatapos noon ay wala na. Kagabi bago siya matulog ay pinagmasdan niya si Cerius. Habang tumatagal ay mas nagiging kamukha nito si Clay at hindi iyon maikakaila.

Nakaramdam siya ng kalungkutan dahil alam niyang balang araw na magkakaisip na ang kanyang anak ay unti-unti rin nitong malalaman ang lahat. Wala namang sekreto ang hindi nabubunyag at handa siyang ipaliwanag ang lahat dito.

Ngunit hindi rin maiaalis sa kanyang sistema ang takot at pangamba na baka kasuklaman siya ni Cerius at ayaw niyang mangyari ito. Alam niyang lalaking matalino ang kanyang anak. Isa lang ang ayaw niyang mangyari sa ngayong bata si Cerius at iyon ay ang magkita silang dalawa ng kanyang ama. Wala nang karapatan si Clay kay Cerius noong nasa sinapupunan niya pa lamang ito at kung siya lang ang masusunod ay hindi na dapat kilalanin ni Cerius ang totoo nitong ama ngunit ayaw niyang diktahan ang buhay nito gaya ng pagdikta sa kanyang buhay.

Lumabas si Matthias na nakatapis lamang at basing-basa pa ang buhok nito. May hawak din itong maliit na tuwalya at papalapit sa kanyang direksyon. Nag-iwas naman siya agad ng tingin ditto dahil bakat na bakat ang maganda nitong pangangatawan.

"Sorry for taking too long," pagpapaumanhin nito at agad na humila ng bangko at naupo.

Ramdam naman ni Isla ang pag-init ng magkabila niyang tainga. Sa ilang taon na nilang pagsasama sa iisang bahay ay hindi niya pa rin kaya ang presensya nito. "Ayos lang," wika niya at nagsalin ng kape nito sa tasang inihanda niya.

Habang nilalasap ang kape ay napabuntong hininga naman siya dahilan upang lingonin siya ni Matthias. "Pansin ko nitong mga nagdaang araw ay malalim ang iniisip mo. May problema ba?" tanong ng binata na punong-puno ng pag-aalala sa mga mata nito.

"Hindi ko alam kung tama ba itong mga naging desisyon ko, Matthias. Parang sarili ko lang ang iniisip ko at hindi si Cerius. Alam kong maiipit din siya rito. Ayokong masaktan siya, Mathhias," wika niya na parang naiiyak.

"Sa huli ay nasa iyo pa rin ang desisyon at lahat ng sasabihin ko ay para lamang maging basehan mo. Ayokong nakikita kang nagkakaganyan. Hindi naman lingid sa kaalaman mo na mahal kita at hindi kita pinipilit na suklian ang pagmamahal ko sa 'yo dahil ayokong mapilitan ka lamang. Kung hindi ka aaksyon ngayon ay kalian ka gagawa ng desisyon. Habang tumatagal ay palala nang palala ang lahat, Isla. Mas lalong masasaktan si Cerius kapag dumating ang araw na 'yon at alam rin 'yon hindi ba?" mahabang lintanya nito.

Alam niyang lahat ng mga sinabi nito ay totoo at siya lang naman ang takot na harapin ang lahat. Hindi niya kayang harapin ang lahat nang mag-isa.

Lumapit naman si Matthias at kinuha ang kanyang kamay. Bahagya niyang pinisil ang kanyang kamay dahilan upang magkatitigan silang dalawa. "Alam kong punong-puno ka ng pangamba dahil kay Cerius at hindi kita masisisi. Itinuring ko ng isang anak si Cerius kahit na hindi siya sa akin. Mali man dahil alam kong sa huli ay wala akong papel sa inyong dalawa ngunit heto pa rin ako at sumusubok. Huwag kang matakot at mangamba dahil nandito lang ako sa tabi mo," wika nito na may ngiti sa mga labi.

Hindi naman niya mapigilang hindi maiyak at yapusin ng yakap si Matthias. Niyakap naman siya nito pabalik at hinimas ang kanyang buhok. Bahagya ring hinalikan ng binata ang kanyang ulo. "Please, don't cry. I can't stand it when you're crying. But for now it's okay for you to cy but that sadness in your heart won't take long. You have me to cry one and I can't promise you anything yet I can take actions for this. You won't be trapped in this sadness forever because that is the reason I'm here, to make you and Cerius happy," wika nito at humagulhol naman siya sa iyak.

"Hindi ko alam kung papaano ko tatanawin lahat ng utang ng loob ko sa 'yo. Hanggang dito ay ikaw ang kumupkop sa amin ni Cerius," naiiyak niyang sambit. "Sana ikaw na lang, Matthias. Sana ikaw na lang," dugtong niya at yumuyugyog na ang kanyang mga balikat sa pag-iyak.

Hindi naman umimik si Matthias sa halip ay kinarga niya si Isla papunta sa kanyang kwarto. 

My Husband is a Ruthless DarlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon