CHAPTER 26

4.8K 96 13
                                    

Sandali namang natigilan si Clay dahil sa kanyang sinabi gayun na rin si Isla.

Mariing tinitigan ni Isla si Clay sa mga mata bago magsalita. "Babies? Alam mo ba ang sinasabi mo?" mapait na wika ni Isla at nagsisimulang mangilid ang kanyang mga luha.

Napansin naman ito ni Clay at akma sana siyang lalapit nang pigilan siya nito. "Isla," mahinang tawag nito at hindi malaman ang gagawin. Hindi niya rin alam kung ano ang pumasok sa kanyang isipan at nasabi niya ang mga katagang iyon.

Ayaw ba nito na magkaroon sila ng anak?

"Clay, you don't even love me. We are officially married, but aren't marriages meant to be happy? If it is, why am I feeling this way? Why do I feel so alone after all these years of marriage? Hanggang ngayon ganoon pa rin ang pakiramdam ko. Ngayon ka lang naman naging ganito sa akin. I admit that I love you... till now. But the love I have for you is tearing me apart day after day. Even my parents cause me this type of pain. Until today, I had not heard anything from them. Am I some kind of collateral? I am a friggin time bomb, Clay! I believed you could learn to love me as much as I loved you, but after witnessing this, I suppose not. So you are thinking about babies? I mean, what is this? Ni hindi mo nga ako ipinapakilala sa mundo mo. In your world you are an unmarried man, Clay," mahabang lintanya ni Isla.

"What do you want me to do?" balik na tanong ni Clay at napakuyom ng kanyang palad.

"Hindi ba't dapat ikaw ang nakakaalam niyan? What should you do, Clay? If you were a man you know what to do," wika niya at napahawak sa kanyang ulo. Para siyang matutumba.

Hindi na niya nakanayan pa at kusa ng tumulo ang kanyang mga luha. "After giving birth what's next? Happily ever after? Hindi kita pinapapapili kung ako o ang career mo dahil bago pa man kita nakilala ay mas nauna ang pangarap mo sa akin and I don't want to take that away from you because that is your happiness but where am I in that happiness? Did you even ask yourself? Where am I Clay? Am I even part of your life? O isa lang akong laruan dito na pwede mong paglaruan at maging parausan!" dagdag pa niya at hindi na niya hinintay pang magsalita si Clay at agad na hinawakan ang seradura at binuksan ang pinto.

Dali-dali siyang naglakad paalis ng kanilang kwarto. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ang tanging alam niya lang ay ang makaalis sa presensya nito. Nakaramdam siya ng kaunting pagkahilo. Para ring bumabaliktad ang kanyang sikmura.

Ayaw niyang makita o ni marinig ang boses nito. Nasalubong naman niya si Faroda na may nag-aalalang mga mata ngunit sa halip na lapitan siya nito at nagitla siya nang may humawak sa kanyang braso.

Si Clay, mabilis pala siya nitong nasundan.

"Bumalik ka sa kwarto natin." Umiigting ang mga panga nito.

Marahas namang hinila ni Isla ang kanyang braso at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Ngayon niya lang napagtanto na malakas ang ulan sa labas. Hindi pa rin ito dahilan upang tumigil siya at tuluyan na siyang lumabas ng pinto.

Sinalubong naman siya ng malamig at malakas na hangin na parang tagos sa kanyang buto sa lamig. Gusto niyang magmura kung bakit ngayon pa na tila tinamaan ng bagyo kung kailan gusto niyang umalis. Maayos naman sila kanina ngunit hindi niya alam kung bakit tila isang iglap ay umiba ang ihip ng hangin.

"Isla! Iha! Pumasok ka rito!" sigaw ni Faroda at dali-dali tumakbo papuntang kusina upang kunin ang ilang mga nakasabit na mga payong at tuwalya.

Hindi pa siya nakalalayo ay basing-basa na siya. "Ngayon pa talaga," wika niya at kinisap-kisap ang kanyang mga mata dahil tila lumalabo ang kanyang paningin.

Isang marahas at malakas na hangin ulit ang tila yumakap sa kanya.

"Isla!" sigaw ni Clay at tumakbo papalapit sa kanya.

Ngunit bago pa man tuluyang makalapit si Clay sa kanya ay dahan-dahan itong nawalan ng malay. "Shit! Isla!" tarantang sigaw ni Clay at dali-dali itong binuhat papasok sa loob ng bahay.

Nag-aalala namang sinalubong silang dalawa ni Faroda na ngayon ay may bitbit bitbit na payong at tuwalya. Basang-basa ang damit ni Isla na tumutulo pa sa sahig gayun na rin ang mahaba nitong buhok.

"Diyos ko po! Ano'ng nangyari?" tarantang tanong ni Faroda habang inihihiga ni Clay si Isla sa mahabang sofa.

Kinuha nito ang dala-dalang tuwalya ni Faroda at ibinalot kay Isla. Namumutla ito at halatang nanginginig sa lamig. "Nanang, kumuha po kayo ng pamalit niya na damit at papalitan ko po siya. Kumot at tuwalya pa po," utos ni Clay at dali-dali naman itong sinunod ni Faroda

Bahagyang lumuhod naman si Clay at inilapat ang kanyang palad sa noo nito. Umaapoy sa lagnat si Isla kaya dali-dali siyang naglakad kung saan ang telepono para tawagan ang kilala niyang doktor.

Nang matapos na niya itong tawagan ay sakto naman ang pagbaba ni Faroda na may dala-dalang mga gamit. "Ako na po ang bahala rito. Magpainit na lamang po kayo ng tubig at bimpo po," wika ni Clay at tumugon naman si Faroda agad.

Kinuha niya ang bagong tuwalya at itinabon ito sa katawan ni Isla. Maingat niyang kinuha ang bawat saplot nito at pinalitan ng damit. Binalot niya rin ng tuwalya ang buhok nito at sinuotan ng makapal na medyas.

Pagkatapos niyang gawin ang lahat ay muli siyang lumuhod at hinawakan ang kamay nito. Hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kanilang dalawa kanina lang. Inaamin niya ang lahat ng mga iyon at kahit siya ay natameme. Bahagya niyang pinisil ang kamay nito at hinalikan. Hindi na rin niya namalayang tumutulo na pala ang kanyang luha.

"I do love you, Isla. I love you."





My Husband is a Ruthless DarlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon