CHAPTER 6

5.7K 108 9
                                    

Nagkukumahog na bumaba si Clay mula sa kanyang sasakyan nang maiparada na niya ito sa garahe. Sinalubong naman siya ni Faroda at bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Mas lalo namang nag-alala nang husto ang binata dahil dito.

Hindi niya gusto si Isla ngunit hindi niya hiniling na may mangyaring masama rito. Mabait ang dalaga sa kanya ngunit siya lang ang walang amor para rito.

Ilang baktas lamang ang kanyang ginawa sa pag-akyat sa hagdan hanggang sa matungo siya sa mismong kwarto ng dalaga.

Kinatok niya ito ng ilang beses at nagpakilala ngunit wala siyang sagot na narinig. Sinubukan niya ring pakinggan kung may ingay sa loob at may naririnig siya tila hikbi.

"Isla, it's me. Please, open the door," mahinahong wika ni Clay ngunit kitang-kita ang ugat na namumuo sa kamay nito habang hawak-hawak ang busol ng pinto.

Makalipas ang ilang minuto ay dahan-dahang bumukas ang pinto at dinig naman ng binata ang nga yabag na papalayo sa pinto. Nilingon naman ni Clay si Faroda at sinenyasang huwag ng sumunod at tumango naman ito.

Nang makapasok ang binata sa loob ng kwarto ng dalaga ay agad niya ring isinarado ang pinto. Ngayon lamang siya nakapasok sa loob simula nang lumipat sila. Amoy na amoy niya ang kakaibang pabango ng dalaga.

"What happened?" malumanay niyang tanong sa dalaga.

Nasa sulok ito ng kama at nakatalukbong pa ng kumot na animo ay takot na takot. Napapikit naman si Clay at humugot ng malalim na paghinga.

Maingat siyang lumapit sa dalaga dahil baka kahit ang dalaga ang matakot sa kanyang presensya. Nang makalapit siya sa dalaga at ilang pulgada na lamang ang kanilang layo ay nagsalita ito.

"Can I hold your hand?" mahinang tanong ni Clay at hindi naman umimik ang dalaga.

Tila lumambot at nahabag naman ang puso ng binata habang pinagmamasdan ang dalaga. Halatang takot na takot ito. Walang pag-aatubiling kinuha niya ang kamay ng dalaga at bahagya pa itong pumisik ngunit kalaunan ay hinayaan na lamang siya na hawakan ang maliit nitong kamay.

Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang sa mapagdesisyonan ni Clay na buhatin ang dalaga patungo sa higaan nito at inihiga. Kinumutan niya na rin ito at muling hinawakan ang kamay nito.

Walang nagsalita sa pagitan nilang dalawa. Namayani ang katahimikan ngunit ang katahimikan na iyon ay kalmado at para bang puno ng proteksyon.

Nakaramdam naman ng antok ang dalaga at pagkakomportable sa presensya ng binata. Bagama't nagulat siya sa inaakto ng binata para sa kanya ay wala na siyang lakas pa upang tanungin ito. Nagpapaagos na lamang siya sa daloy ng oras at palagay niya ay naaawa lamang ito sa kanya. Isip-isip niyang naririto lamang ang binata dahil sa sumbong sa ni Faroda rito.

Hindi umalis si Clay sa tabi ng dalaga hanggang sa makatulog ito. Tila isa itong manyikang natutulog nang matiwasay. Hinawi naman niya ang iilang hibla ng buhok na nasa mukha ng dalaga at inipid tainga nito.

Wala sa animo niyang pinagmasdan ang mukha ng dalaga at hindi niya maitatangging nagtataglay ng kakaibang kagandahan ang dalaga at sinumang lalaki ay mabibighani sa ganda nito. Hindi mahirap mahalin ang dalaga ngunit hindi niya lamang ito magawa-gawa dahil may nagmamay-ari na ng kanyang puso.

Bahagyang pinisil ni Clay ang kamay ng dalaga at sa isip-isip niya ay pinangako niyang hindi na niya ito mamaltratuhin nang 'di maganda. Simula rin sa araw na ito ay pakikitunguhan na niya ito nang maganda.

"I'll find those bastards." Pigil hiningang sambit niya.

Maingat niyang kinuha ang kanyang kamay mula sa pagkahahawak sa dalaga. Inayos niya rin ang higaan at kumot nito bago tuluyang lumabas sa kwarto.

Pagkalabas nang pagkalabas niya sa kwarto ay agad na sumalubong sa kanya si Faroda at bakas pa rin sa mukha nito ang pag-aalala. May dala-dala rin itong tray ng pagkain. Hindi halos maisip ni Clay na kayang maghintay nh matanda ng halos ilang oras sa labas ng kwarto ng dalaga at may dala-dala pa ito.

"Ayos na po siya, Manang," wika ni Clay upang maibsan kahit papaano ang pag-aalala nito sa dalaga.

Alam ng binata na napamahal na si Faroda kay Isla at halos ituring na niya itong apo.

Tumango naman si Faroda. "Hindi ba siya kakain? Walang laman ang tiyan niya kaninang umaga pa," sagot naman ni Faroda. at akmang papasok na sa kwarto ng dalaga nang pigilan naman ito ni Clay.

"Nagpapahinga na po siya, Manang. Mas maigi siguro kung hayaan na muna natin siyang matulog. Babawi na lamang siya ng kain bukas. Kung pwede sana ay maaga kang magluto ng pang-umagahan bukas at ilabas mo siya sa kwarto niya. Hindi na muna ako papasok sa set at magdadahilan na lamang," mahabang lintanya ng binata at para namang natulala si Faroda sa mga nabitawang salita ng binata.

Tumango naman si Faroda na may ngiti sa mga labi nito. "O siya sige at bukas na bukas din ay maaga akong gigising at ipagluluto siya ng paborito niyang ulam," wika ni Faroda at maingat na naglakad paalis dala-dala ang tray.

Nanatiling nakatayo pa rin si Clay sa harap ng pinto ng dalaga. Nagdadalawang-isip pa rin siya kung iiwan niya na lamang na mag-isa ang dalaga ngayong gabi. Napahilot naman siya sa kanyang sentido dahil parang pinahihirapan niya lamang ang kanyang sarili bagkus noon ay madali lamang siya kung makagawa ng isang desisyon.

Napabuga naman siya ng paghinga at dali-daling pumanhik sa kanyang kwarto. Agad siyang naligo upang mahimasmasan ngunit sa pag-aakalang magiging kalmado na siya ay tila mas lumala pa ang kanyang nararamdaman. Kumuha siya ng dalawang makapal na kumot at isang unan.

Sasamahan niya na lamang ang dalaga sa kwarto nito. Babantayan niya ito dahil hindi siya siya mapakali at baka makaramdam ang dalaga ng takot kapagka mamaya-maya ay magising ito mula sa pagkatutulog.

Maingat niyang binuksan ang pinto ng kwarto ni Isla at gaya ng kanina ay amoy na amoy niya ang halimuyak ng dalaga. Inilatag naman niya ang isang makapal na kumot sa sahig na malapit sa kama ng dalaga. Doon niya napagpasyahang matulog at hindi siya mangangahas na tabihan ito.

Muli niyang nilingon ang himbing na himbing sa tulog na dalaga. "Good night, Isla."








My Husband is a Ruthless DarlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon