Napapikit naman sa sakit sa pagkababangga si Isla at dahan-dahang nilingon kung sino ang humila sa kanya. Amoy na amoy niya ang mamahaling pabango nito at pamilyar sa kanya ang amoy na 'to. Higit sa lahat ay pamilyar sa kanya ang boses at hindi siya maaaring magkamali kung kanino ito galling.
Napatingala siya dahil sa katangkaran nito. "C-clay," tigalgal niyang sambit habang titig na titig sa mukha nito.
Walang kawangis at sobrang kinis ng mukha nito. Madali rin siyang mapapansin ng mga tao dahil nga sa artista ito. At kahit naman siguro kahit sino ay mapapalingon at mapapalingon ang mga tao rito.
Niluwagan naman nito ang pagkahahawak sa kanya dahilan upang umatras siya nang kaunti. Mariin niyang hinawakan ang kanyang mga kamay dahil sa nanginginig ito. Hindi niya mawari ang kanyang dapat na maramdaman dahil sa ilang taon ay nagkita silang muli. Kanina pa malakas ang kanyang kutob ngunit ngayon ay nasa harap na niya ito mismo.
"I've been looking for you for years, Isla. Years. And who is that child? The one named Cerius Wyatt Randal," wika nito na titig na titig sa kanyang mga mata na animo ay nanghihipnotismo.
Hindi naman siya umimik sa halip ay naghanap ng daan upang makatakas at batid naman ito ni Clay.
Napangisi naman ito at umiling. "You can run but you can't hide. Kahit bali-baliktarin mo man ang mundo. Kahit magtago ka man sa ibang tao . . . hindi mo pa rin maiaalis na akin ka," wika nito at nagbigay daan na parang sinasabi na maaari na siyang umalis.
Nanginginig naman ang mga labi ni Isla at gustuhin niya mang magsalita ay tila walang namumutawing mga salita sa kanyang bibig. Mistulang naging yelo ang kanyang mga paa at hirap pa siyang iyapak ito. Humugot siya nang malalim na paghinga at dali-daling umalis pabalik sa loob ng simbahan. Kailangan na nilang umalis at lumayo. Kailangan niyang ilayo agad ang kanyang anak palayo kay Clay. Hindi niya hahayaang dapuan siya nito ng kahit na kamay ni Clay. Hindi siya makapapayag na kunin nito ang kanyang anak.
Palakas nang palakas ang pagkabog ng kanyang dibdib na sumasabay sa mga yabag ng kanyang pagtakbo. Para siyang hinahabol ng aso sa kanyang pagtakbo at sa muli ay nabangga naman siya sa isang matigas na bagay. Nanlamig at nanginig naman siya sa takot. Ramdam niya rin na tila may mainit na likidong nangingilid sa kanyang mga mata.
"Isla! Isla, bakit? Ano'ng nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Matthias.
Si Matthias pala ang kanyang nabangga na ngayon ay may nagtatanong na mga matang nakatitig sa kanya. Niyapos niya naman ito at pinakalma na muna ang kanyang sarili at hinayaan naman siya nito.
Ilang minuto ang lumipas at kumawala siya sa pagkayayakap nito at hinarap. "Naririto siya . . . kailangan na nating umalis. Kunin mo si Cerius," wika niya at hindi na nagtanong pa si Matthias at dali-daling tumalima sa kanyang utos.
Hindi ito nagpahalata sa loob at pasimpleng tinawag si Cerius at nagpaalam na munang magbabanyo. Nang makalabas silang dalawa ay nakaabang na si Isla sa kanilang sasakyan. Hindi na sila maaaring magtagal pa. Habang tinatanaw si Matthias na karga-karga si Cerius ay hindi niya mapigilang hindi mapaluha. Ayaw niyang mawala sa kanya ang kanyang anak at lalo na ngayon na maganda na ang katayuan nilang tatlo at tila magigiba naman itong lahat nang dahil kay Clay.
Hindi niya alam kung saan sila tutungo ngunit ang importante sa mga oras na ito para sa kanya ay ang makaalis silang tatlo. Saka na niya sasabihin ang lahat kay Matthias dahil alam din niyang nalilito ito sa ngayon.
Nang makapasok silang tatlo sa sasakyan ay isinukbit naman ni Isla ang seatbelt ni Cerius. Kitang-kita sa mukha nito na tila antok na. Mabuti na rin iyon upang hindi gaanong magtanong kung ano ang nangyayari.
"Matulog ka na muna riyan, anak," bulong niya sa tainga nito at hinalikan sa noo.
Tumango naman ito sa kanya at dahan-dahang ipinikit ang mga mata nito. Maaga kasi itong nagising at bakas na bakas na sa mukha nito ang antok.
Nang matapos na niyang ayusin ang pagkakahiga ni Cerius ay agad niyang nilingon si Matthias. "Tara na," wika niya at tumango naman ito sa kanya.
Ngunit bago pa man niya mapaandar ang sasakyan ay natigilan silang dalawa dahil nasa harap mismo ng kanilang sasakyan si Clay. Nakatayo lamang ito at nakatitig sa kanilang dalawa.
"Huwag kang lalabas," wika naman ni Matthias at hindi naman niya malaman kung ano ang gagawin.
Kinakabahan siya sa posibleng mangyari. Agad niyang nilingon ang kanyang anak na ngayon ay himbing na himbing na sa pagtulog.
Pinaandar naman ni Matthias ang sasakyan. Para silang naglalaban sa pagtititigan.
Napalunok naman si Isla nang magtama ang kanilang mga mata ni Clay.
Pinaatras naman ni Matthias ang sasakyan ay walang ano-ano ay umaandar na sila. Napalingon naman siya sa salamin at kitang-kita niya si Clay na nakatayo pa rin sa puwesto nito at nakatanaw lamang sa kanila. Para bang pinapanood lamang ang kanilang pag-alis ngunit hindi dapat siya maging kampante.
"You can run but you can't hide. Kahit bali-baliktarin mo man ang mundo. Kahit magtago ka man sa ibang tao . . . hindi mo pa rin maiaalis na akin ka."
Paulit-ulit ito sa kanyang isipan. Totoo ang sinabi nito ngunit hindi niya hahayaang sa huli ay ito pa rin ang mananaig. Nanginginig ang kanyang mga kamay at pilit niya itong pinipigilan sa pagnginig. Pansin naman ito ni Matthias ngunit nakatuon pa rin ang buo nitong atensyon sa daan.
"We need to find a new place. Hindi na tayo babalik sa bahay. Ako na ang bahala sa lahat," wika nito at tinanaw sa salamin ang natutulog na si Cerius.
Nakita na lamang ni Isla ang kanyang sariling lumuluha. Hindi niya malalaman ang kanyang gagawin kung siya lang mag-isa. Laking pasasalamat niya at kahit papaano ay nasasandigan siya sa ngayong sitwasyon. Agad naman niyang pinahid ang kanyang mga luha gamit ang likod ng kanyang mga kamay.
"Get some rest. Matulog ka na muna at hayaan mo na ako sa lahat."
BINABASA MO ANG
My Husband is a Ruthless Darling
RomanceClay Verdera is an actor while Isla Aurora Randal is just a typical person. Makabagong panahon ngunit makalumang paniniwala pa rin ang nananalaytay sa kanilang mga pamilya. They were arranged into a marriage but it has to be a secret because of Cla...