Parang tood na nakatayo lamang si Isla sa harapan ng pinto ng kwarto ni Clay. Kahit siya ay hindi niya alam kung bakit niya ngayon ito ginagawa. Napabuga siya ng kanyang paghinga at walang ano-ano ay kinatok ang pinto.
Sa pangalawang katok pa lang ay agad namang sumagot si Clay. "Come in," maawtoridad nitong wika at agad namang tumalima si Isla.
Pinihit niya ang seradura ng pinto at agad naman siyang nakaramdam ng panlalamig at pagkabog nang husto ng kanyang puso. Pagkabukas nang pagkabukas niya ay tumambad sa kanyang ang madilim na sulok ng kwarto at ang tanging nagsisilbing liwanag lamang sa loob ay ang lampshade.
Amoy na amoy niya rin ang mamahaling pabango ng binata na hindi masakit sa ilong. Habang tumatagal ay tila nakikita na ni Isla ang pigura ni Clay na nakatayo. Manghang-mangha pa rin siya sa angking katangkaran ni Clay. Hindi niya maaatubiling bagay dito ang pagiging artista nito.
"Clay," mahinang tawag ni Isla at hindi malaman ang gagawin. Para kasing naurong ang kanyang dila sa presensya ni Clay.
"Close the door, Isla," malamig nitong turan at sinunod naman ito ni Isla na walang pagdadalawang-isip. Pakiramdam niya kasi ay kailangan niyang sundin agad ang utos nito dahil asawa niya ito.
Nang maisara niya ang pinto at muling harapin si Clay ay muntik na siya mapasinghap sa gulat nang makitang nasa harapan na niya ito mismo at titig na titig sa kanya. Para siyang isang daga na nakorner ng isang pusa.
Napalunok naman siya ng kanyang laway nang dahan-dahang lumalapit sa kanyang direksyon si Clay. Ngayon ay amoy na amoy na niya ang pabango ng binata at para siya nitong kinukulong.
"Isla, who is he?" malamig na tanong ni Clay habang titig na titig sa mga mata ni Isla.
Kuyom ang mga palad nito at halatang nagpipigil lamang ng kanyang galit. Hindi niya kayang isipin na sa loob ng isang buwang pagkawala ni Isla ay tila nahuhumaling na ito sa iba. Samantalang siya naman ay pinutol na ang kanyang kahibangan sa babaeng noon pa niya tinitingala.
Sa isang buwan na nawala si Isla at kahit koneksyon ay wala sila ay nakaramdam siya ng pangungulila rito. Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili at isinawalang bahala na lamang ito ngunit nang makita niya si Isla na ngumingiti habang nakatingin sa sarili nitong selpon ay hindi niya mapigilang hindi makaramdam ng kakaibang galit. Ayaw niya mang aminin ay nagseselos siya rito. Minsan na niya kasing pinatingin si Isla sa Batanes gamit ang kanyang mga koneksyon at kilala niya ang lalaking lumalapit dito. Si Matthias Del Fuego, kilala niya ito. At lahat ng mga babaeng pinopormahan niya ay agad niyang nakukuha kaya isa sa mga ipinagtataka niya noon ay kung papaano nagkakilala ang dalawa. Kalaunan ay nalaman niya ring magkababata pala ang mga ito.
Hindi naman magawang umiwas ng mga tingin si Isla dahil tila nahihipnotismo siya sa mga tingin nito. Akmang ibubuka na niya ang kanyang bibig nang biglang sunggaban naman nito ni Clay nang marahas na halik. Nagitla naman si Isla sa naging aksyon nito at agad na sinubukang kumawala rito. Ngunit kahit anong tulak niya kay Clay ay hindi man lang ito natitinag.
Marahas namang pinunit ni Clay ang suot-suot niyang bestida at sa isang iglap ay nanuot sa kanyang balat ang malamig na hangin na dala ng aircon. Naiwan siyang tanging saplot na panloob lamang. Hindi naman mawari ni Isla ang kanyang gagawin. Gusto niyang tumakbo papaalis ng kwarto nito ngunit tila nanigas lamang siya sa kanaynbg kinatatayuan. Hindi pa rin siya pinapakawalan ni Clay at patuloy pa rin sa paghalik sa kanyang leeg.
"Clay," mahinang tawag niya rito at tumataas-baba ang kanyang paghinga. Habol-habol niya ang kanyang paghinga dahil sa maiinit na mga halik ni Clay.
Para siyang nalulusaw sa mga titig nito at dahil sa lamig ay agad na nanayo ang kanyang mga balahibo. Hindi naman iyon lingid sa pansin ni Clay dahil ramdam na ramdam niya ito. Dali-dali naman niyang kinarga ang dalaga patungo sa kama nito at maingat na inihiga.
Kumabog nang husto ang kanyang dibdib ngunit hindi maalis ang mga tingin sa mga mata ni Clay. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga tainga at pisngi. Alam niyang pulang-pula na siya ngayon ngunit dahil na rin sa madilim ang kanilang paligid ay mukhang hindi naman ito pansin ni Clay.
Litaw na litaw sa hubog ng katawan ni Isla ang magandang pagkababae nito. Pigil na pigil lamang si Clay sa kanyang nakikita at nahahawakan. Marahang hinatak ni Clay ang kanyang makapal na kumot at kinumutan si Isla.
"You are my wife; nobody else owns you but me. I'm just making things clear here," malamig na turan nito at marahang niyapos ng yakap si Isla.
Ibinaon naman ni Clay ang kanyang mukha sa likod ng ulo ni Isla at bahagyang inamoy-amoy ang buhok nito. Napasinghap naman si Isla sa naging turan nito sa kanya ngunit hirap man siyang aminin ay tila nagugustuhan niya ito. Sa ilang taon ng kanilang pagsasama ay ito ang unang pagkatataon na nagkatabi sila sa iisang kama. Sa kanyang sitwasyon lalo na ngayon at iilang saplot lamang ang mayroon siya ay hindi na siya nakaramdam ng pagkahiya ngunit naging komportable pa siya.
Ngunit hindi niya maitatangging ramdam niya ang init ng katawan nito. At tila may matigas na bagay pang nakatusok sa kanyang likuran. Mainit at bahagya pa itong kumikiskis sa kanyang likod.
Hindi niya maiwasang hindi kiligin sa mga naging kataga nito kanina na para bang kinikilala na siya nito bilang kanyang asawa. "Clay," mahinang tawag niya rito at umungol naman ito bilang pagsagot.
Namula naman siya ngunit agad niyang kinolekta ang kanyang sarili. "Tungkol doon sa-" hindi na niya napatapos pa ang kanyang sasabihin nang magsalita ito.
"Don't mention his name, and I might just add him to the list. Leave it and just be with me. Good night, Isla," sagot naman ni Clay at napahinga naman nang maluwag si Isla at tumango.
"Good night, Clay."
![](https://img.wattpad.com/cover/368902423-288-k590790.jpg)
BINABASA MO ANG
My Husband is a Ruthless Darling
RomansaSi Clay Verdera, ang tinitiliang aktor ng bayan-gwapo, sikat, at hinahangaan. Samantalang si Isla Aurora Randal, isang simpleng babae na walang kamalay-malay na ang buhay niya'y magbabago dahil sa isang kasunduang hindi niya pinili. Sa kabila ng mak...