--
•Jade Angelina•
"Die, Die, Die, Die"
she's here again, haunting me again.
"G-go away. Go away" I cried. patuloy pa rin syang lumalapit sakin and what scares me is she's holding a knife.
My body shivered when laughed like a demon. W-who is she? at bakit nya ako ginugulo, ano ang kailangan nya sakin.
"A-anong k-kailangan mo?" I stuttered as tears keep on streaming down on my cheeks.
"Die, Die" Paulit ulit lang nya iyong sinabi habang papalapit sakin.
"AHHHHH"
"AHHHHHHHHH"
Mabilis ang paghinga ko habang nakaupo sa kama ko.
Again. Another nightmare. hindi ko na napigilan ang pag iyak ko dahil sa panaginip ko. N-natatakot ako
Sino ba sya? ano ba ang kailangan nya sakin. Bakit paulit ulit syang nagpapakita sa panaginip ko, bakit?
Nilingon lingon ko ang paligid at napadpad ang tingin ko sa bintana na nakabukas. Kaya pala ang lamig. Tumayo ako tsaka lumapit doon at akmang isasarado ko na yung bintana ng mapatingin ako sa ibaba. May babaeng nakatayo doon sa may garden nakatalikod sya sakin kaya hindi ko makita ang mukha nito.
"Sino yan?" Lakas loob kong bigkas dahil nakatayo lang sya doon.
Dahan dahan namang luminon ito sakin at nginitian ako.
"Alee, what are you doing there?" Nagtataka kong tanong. Anong ginagawa nya don ng ganitong oras. Di sya gumagalaw at nanatili lang syang nakatayo don habang nakatingin sakin. What's wrong with her?
Dahil sa curiosity ay iniwan kong nakabukas nalang ang bintana ko at kinuha ang leater jacket ko tsaka bumaba at lumabas ng bahay at nagtungong garden kung nasaan si Alee, pero bago pa man ako makarating sa kinaroroonan nya ay nakita ko syang palabas ng gate kaya hinabol ko sya.
"Alee, wait! Hey!" Tumatakbong saad ko hanggang sa makalabas ako ng gate.
Ano bang problema ng babaeng to at ngayong dis oras pa nya ng gabi trip gumala? Nababaliw na ba sya? Di ba nya naisip na delikado maglakad sa gabi ng ganitong oras at mag isa pa?
Napapabuntong hininga ko nalang syang sinundan at habang sinusundan ko sya di ko maiwasang pasadahan ng tingin ang itsura nya.
She's wearing a white dress na hanggang paa nya, yung damit na parang pantulog. Walang suot na tsinelas. Magulo ang buhok. Namumutla ang mga balat sa kamay. At... Wait. Napatigil ako sa paglalakad ng mapagtantong hindi ito ang kaibigan ko.
Wth?
Dahan dahan kong ibinalik ang tingin ko sa nakatalikod na babae at napatigil din sya.
H-hindi to totoo.
Nanginginig ang tuhod ko sa takot at dahang dahang nagpalingon lingon kung nasaan na kami. Ngayon ko lang napagtanto na ang layo ng nalakad ko at nasa mismong tulay ako!
Mas lalo akong kinabahan nang unti unti humarap sakin ang nakaputing babae na ngayon ay nakangiti na ng nakakakilabot.
"H-hindi h-hindi. N-nanaginip lang ako. Wake up jade wake up" Pagmamakaawa ko sa sarili ko habang umiiyak. Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang pinapanood ang babaeng unti unting lumalapit sakin ng nakalutang.
"H-haha t-this is not true. H-hindi totoo ang m-multo" Patuloy na pagkumbinse ko sa sarili ko at pagbuhos ng luha ko dahil sa takot na nararamdaman ko.

YOU ARE READING
HAUNTED APERTURE
Mystery / ThrillerA young photographer's passion for capturing life becomes a doorway to the afterlife. After her untimely death, her camera, once filled with memories, becomes a keepernof justice.. Years later, the camera reappear, luring the unsuspecting girl into...