Chapter 3:

58 31 2
                                        

CHAPTER 3

Aleeza's POV

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa camera. Pagkalapit ko rito, bigla kong naalala ang litrato na nakuha ko mula sa photo album kanina. Agad ko itong inilabas at pinagkumpara ang dalawang bagay na hawak ko.

Ang camera at ang larawan nito.

Ito 'yon.

Ito mismo ang camera na nasa picture.

Pero... paano ito napunta rito?

Inilawan ko ang paligid ng kwarto gamit ang flashlight. Maya-maya, may isang larawan ang pumukaw sa atensyon ko. Pareho iyon ng litrato na nakita ko sa album ni Tita Aleeya-ang kapatid ni Mommy.

Kung gano'n...

Dito ba ang dati nilang bahay?

Pero nasaan na ngayon si Tita Aleeya?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makarinig ako ng malakas na kalabog mula sa ibaba.

A-ano 'yon?

Doon ko lang naalala ang mga kaibigan ko.

Damn! Oo nga pala!

Mabilis akong lumakad patungo sa pinto habang mahigpit pa ring hawak ang camera. Ngunit bago pa man ako makarating, bigla na lamang sumara ang pinto.

Natigilan ako.

Nanlalamig ang buo kong katawan habang nakatitig sa pintuan.

Nang mahimasmasan ako, agad kong hinawakan ang doorknob at pinihit ito.

But it's locked.

"Shit..." mahina kong mura habang paulit-ulit na sinusubukang buksan ang pinto.

Ayaw talaga. Naiiyak na ako habang paulit-ulit na hinahampas ang pintuan-hoping that someone hears me.

"HELP! PLEASE HELP ME!" Naghihisteryo ko'ng sigaw.

"REIZ... SKY... ANDREA! P-PLEASE HELP ME" Halos maubusan na ako ng lakas sa paulit-ulit na paghampas sa pinto ngunit parang walang nakakarinig sa akin.

Unti-unti akong nawalan ng pag-asa'ng may magbubukas ng pinto para sa akin, kahit na isa sa mga kaibigan ko. Dahan-dahan akong tumalikod sa pintuan at muling ini-ikot ang paningin sa kabuuan ng kwarto.

How can I escape?

Bigla akong nanigas nang may mapansin akong anino ng isang babae.

Unti-unti itong lumitaw sa harapan ko.

"S-sino ka?" nanginginig kong tanong.

Ngunit sa halip na sumagot, dahan-dahan lang siyang lumutang palapit sa akin.

Pagkatapos ay itinuro niya ang camera na hawak ko.

Napatingin ako rito.

Maya-maya, kusa itong bumukas.

May video.

Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang camera.

["Stop it... This isn't a good joke!"]

Isang babae ang lumitaw sa video.

Patuloy siyang umaatras habang kitang-kita ang takot sa kanyang mukha.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari, ngunit nanginginig kong pinulot ang camera mula sa sahig.

["You are just an illegitimate child who has nothing to do with this family. With my family!"]

HAUNTED APERTUREStories to obsess over. Discover now