Chapter Fifteen: Serenade her

570 22 2
                                    

A/N: Para po sa mga nagtatanong kung everyday po ba ang pag update ko. Tuwing may free time or weekends lang po ako mag u-update, pero kahit masikip ang sched ko susubukan ko pa rin po mag update kasi ganun ko kayo kamahal 🥰❤️

________________

Nagsabay kami ni Miss Montivera pumunta ng campus pero ako ang unang lumabas sa sasakyan niya dahil baka pag usapan pa kami. Alam niyo naman takbo sa mga isip ng tao ngayon, lahat nalang may malisya. Meron rin naman sariling parking lot ang propesora ganun kasi kapag mataas ang hinahawakan na posisyon sa Luxford.

Nalaman ko lang 'yon kay Ate Dashiel dahil siya ang Vice president ng Luxford.

Pumunta muna ako sa Everlasting Paradise ayon ang tawag sa garden dito sa Luxford. The fresh air, green grass and trees, and alluring different flowers that you'll not get tired of looking at. It's a place that provides comfort, peace, fulfillment and eternal happiness.

Kaka-text lang kasi sa akin ni Kinse naghihintay daw silang tatlo sa akin dito. Ano na naman kayang katarantaduhan ang pag uusapan namin?

Kumaway na parang tanga si Kinse sa akin ng mahagip ako ng mata niya. Ganyan naman 'yan lagi, excited ako makita.

I raised my middle finger at her and she did it back.

Natawa naman ako. Gago talaga.

"Oh, balita sa inyo aking mga alipin?" Saad ako ng nakaupo sa tabi ni Rayven.

"Alipin mo mukha mo." Pambabara ni Safi.

I rolled my eyes. Basher 'yan ng buhay ko e.

"Ano ba kasi ginagawa natin dito? Bilisan niyo may klase pa ako ha." Tinignan ko ang oras at thirty minutes nalang ay klase ko na kay Miss Garcia.

Wala ako ngayong klase kay Miss Montivera.

Nang umalis siya para sa seminar sa Canada ay matandang professor ang pumalit sa kanya para turuan kami. Napaka sungit nga ng matandang 'yon wala pa kami maintindihan sa tinuturo niya hindi kagaya kay Professor Montivera.

"Nagpupulong tayo para malaman kung sino ang pinaka malandi sa ating apat." Tarantadong turan ni Kinse.

"First Honor ka pag dating d'yan, hindi na kailangan pag usapan." Rayven stated.

"Ginagago niyo ba ako?"

Para kasi silang nakakagago alam nila may klase ako tapos walang kwenta lang pala ang pinunta ko rito.

"Gago ka naman na talaga, hindi na kailangan gaguhin." Pambabara ulit ni Safi sa akin.

"Guys, birthday kasi ng little sister ko this coming saturday, Free ba kayo? Invited kayo kasi isip bata naman kayo." Kinse affirm.

"Sino si Dos ba?" I asked.

"Oo, nag invite si kuya Zero ng mga kaibigan niya edi dapat ako rin."

Pumayag kaming tatlo na sumama sa birthday ng nakababatang kapatid niya. Wala rin naman kami gagawin nung araw na 'yon at matagal na huli kong nakita si Dos.

Nagpaalam na ako sa kanila dahil may klase pa ako na papasukan.

𓆝 𓆟 𓆞 𓆝

Natapos ang dalawang subject ko ngayong araw at isa lang masasabi ko. Nakakapagod mag aral pero may pangarap akong gusto matupad, gusto ko pa yumaman.

Nag email na ako sa Red Demons dahil napagdesisyonan ko na sumali sa kanila. May usap-usapan din na may magaganap na eliminations dahil marami rin ang sumali ngayong taon.

FLAMING LOVE [GxG]Where stories live. Discover now