Chapter Nineteen: Feel blue

1.1K 44 9
                                    

"Eris, nalagay ko na mga gamit mo sa likod ng kotse. Ayon na ba ang lahat o may papalagay ka pa? Maluwag pa kasi eh- Hoy! Nakikining ka ba sa akin?! Para ako kumakausap sa hangin tangina mo! Tuyo na laway ko kakasalita tapos hindi ka nakikinig!"

Bumalik ang kaluluwa ko sa katawan ng larong hinila ni Rayven ang buhok ko.

"Aray! Nakikinig naman ako eh!"

Sa totoo lang kahapon pa'ko wala sa aking sarili. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari ng gabing 'yon. Naiinis din ako sa sarili ko dahil pinagpipilitan ko pa ang sarili ko kay Professor Montivera lalo't na alam kong may sariling pamilya na siya.

Isa pang kinaiinisan ko no'ng gabing hinayaan ko maghalikan kami ng propesora sa penthouse niya. Sana una palang hindi na ako pumunta sa kanya para hindi 'yon mangyari.

Tanga tanga mo talaga Eris! Gusto mo bang maging kabet?! Tangina sarap tumalon sa bangin.

"Tara na guys, mamaya na kayo mag sabunutan. Nag text na si Kinse, iniintay na raw tayo sa resort!"

Pumasok na kami sa loob ni Rayven dahil baka iwan pa kami nitong si Safi. Bipolar pa naman 'yan.

"Okay lang ba mag patugtog ako?" Rayven asked.

We nodded in response. Siya kasi ang na sa passenger seat at ako ang na sa back seat dahil gusto ko matulog ng nakahiga rito mamaya lalo't wala pa akong katabi, malaya akong humiga.

As I looked out the window of the car, my eyes met a passing landscape of towering trees, green fields and distant mountains. I couldn't help but feel an awe at the natural beauty surrounding us. It's been a long time since I went to the province. I miss the fresh air and the peaceful surrounding seemed to clear my mind, even just for a moment.

Kunot noo akong tumingin sa harap dahil sa napiling kanta ni Rayven.

Kahit pilitin pa'ng sarili
Ibigin ka, mali
Ako'y mali
Ako'y mali

Paano ba ang magmahal?
Palagi bang nasasaktan?
Umiiyak na lang palagi
Gusto ko nang lumisan

Paano ba ang magmahal?
Kailangan bang nasasaktan?
Lagi na lang 'di maaari
Ngunit ayaw lumisan

"Palitan mo nga 'yang kanta, Rayven! Ang pangit ng song choice mo!"

Napatingin siya sa rear view mirror para makita ang mukha kong naiinis.

"Gago! Okay naman ha! Umamin ka, nakaka relate ka sa kanta!" Pang bwi-bwisit niya pa lalo.

"Mama mo naka relate! Palitan mo na parang tanga naman! Ang dami daming kanta r'yan bakit ayan pa?!"

"Oo na! Ito galit na galit agad."

Tumahimik na ako ng pinalitan niya ang kanta.

Ang dami dami kasing kanta tapos ayan pa ang pinili niya, hindi ko naman sinasabi na pangit ang kanta na 'yon ayoko lang talaga.

Nakarating kami sa beach resort dito kasi gaganapin ang birthday ni Dos ang nakababatang kapatid ni Kinse.

The Casa Querencia offers a relaxing atmosphere, cozy accommodations, a peaceful setting, and a welcoming environment. This was the place they chose to host their little sister's birthday celebration.

"Hoy mga tanga!" Lumingon kami kay Kinse na tumatakbo papalapit sa amin.

Tinignan ko ang suot niya mula ulo hanggang paa.

"Anong klaseng two piece 'yang suot mo? Sana hindi kana nag suot pa ng ganyan dahil daig mo pa ang walang damit." Biro ko.

"Ano ka ba! Mang aakit kasi ako mamaya." Malanding sagot niya.

FLAMING LOVE [GxG]Where stories live. Discover now