"Gising na!" Napamulat ako dahil sa lakas ng sigaw at kalansing ng rehas.
"Matagal na kayo dito, mga aktibista, Walang mawawala kung aamin na lang kayo kung nasaan pa ang mga kasamahan niyo!" sigaw ng Isang sundalo habang naglalakad.
Bawat yapak ng kanyang paa ay sinasabayan ng paghampas ng batuta niya sa bawat rehas.
"Kaya ngayong araw, sisiguraduhin kong aamin kayo sa hinanda naming sorpresa para sa inyo!" Malakas na boses na dumadagundong sa mga rehas.
Kahapon, bumisita ang isang lalaking hindi ko naman kilala. Ang alam ko lang ay anak siya ni Mr. Velasco. Pero kilala ko siya sa mukha dahil paulit-ulit na kaming nagkikita sa campus dati, bago pa ang Martial Law.
Hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi na papalayain niya ako. Nakakasiguro ba siya doon? Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kagaya niya, pero mas mabuting huwag nang umasa.
Nilinis niya ang mukha ko kahapon, at pagkatapos ng pag-uusap namin, pinasundo niya ako sa isang sundalo. Pagbalik ko sa selda, nakatulog ako agad dahil sa sakit ng katawan.
"Labas!" Napabalik ako sa katinuan nang may sumigaw sa akin.
Napatingin ako, at nakita kong isa itong matangkad na sundalo, na may nakakatakot na muka at boses.
"Lumabas ka, sabi!" sigaw niya, kaya nanginginig akong tumayo.
Marami pa rin akong pasa, pero mas okay na ang pakiramdam ko kaysa kahapon kaya ko ng tumayo kaysa kahapon.
Paika-ika akong lumakad, kaya't tinulak ako ng sundalo at sinara ang rehas ko.
"Subukan mong hindi magsalita ngayon!" sabi niya habang ngumisi, kaya't nakaramdam ako ng konting kaba.
Nakarating kami sa isang kwarto na may mga kadena, kaya't napaatras ako nang makapasok kami. Pero tinulak ako ng sundalo mula sa likod ko.
"Aatras pa eh!" sigaw niya at kinuha ang kamay ko.
Pinigil ko ito, pero sadyang mas malakas siya, kaya't naiposas pa rin ang dalawa kong kamay.
"Anong apelyido niyan?" tanong ng isang lalaking nakaupo sa upuan habang ako ay nakalambitin sa harap niya, ang dalawa kong kamay ay nakataas.
"Santos ang nakalagay sa impormasyon ng babae na 'yan!" sabi ng sundalo.
"Oh, magilas pala. Dalawang Santos ang record natin dito." sabi ng lalaki at tumawa.
Napatingin ako sa kanila at nanlaki ang mga mata ko nang banggitin iyon ng lalaki.
"Sino yung isang Santos?" tanong ko, nanginginig dahil baka ang tatay ko iyon.
Fransisco Santos ang pangalan ng tatay ko kaya baka ang tatay ko yon, baka nandito lang ang tatay ko o kaya naman baka pinalaya na.
Tumawa ang lalaki at tumingin sa akin. "Lakas ng loob mo magtanong ah! Sagutin mo muna ang mga katanungan namin." sabi niya habang ngumisi. Kaya umiling ako.
"Sino nga po?" sigaw ko sa kanila.
Kung si tatay iyon, baka nandito lang siya sa ibang rehas. Baka pwede ko siyang puntahan doon.
Mukhang nagulat ang dalawa sa sigaw ko.
"Sabihin niyo na!" sabi ko, nawawalan na ng pasensya.
"Bakit ba gusto mong malaman? Para makahingi ng advice sa experience?" tanong niya, at tumawa sila ng malakas dahil doon.
Nanggigilid ang luha ko habang nakatingin sa kanila.
"Patay na 'yon, kaya wag ka nang sumigaw diyan." ngumisi ang lalaki, kaya tumigil ang mundo ko doon.
YOU ARE READING
Martial Law (1972) | ONGOING
RomanceIn 1972, during the height of Martial Law in the Philippines, society is divided. The government, led by President Ferdinand Marcos, exerts strict control over the country, silencing dissent and imposing curfews. Amid this turmoil, a love story unfo...