Lumipas ang isang linggo mula nang nag-rally kami sa Makati, at dumating na ang pinakahihintay ng lahat—ang aking kaarawan.
Umagang-umaga pa lang, tumatakbo na silang lahat sa akin para batiin ako. Pagkalabas ko ng tent, nakita ko silang nagluluto ng dalawang putahe ng ulam para sa handa kaya nagpasalamat ako sa kanila.
Nandito rin si Emanuel at tumutulong siyang magluto ng kanin kasama ang mga kalalakihan.
"Naku po, sana hindi na po kayo nag-abala pa. Baka makaabala pa po ako sa inyong lahat, pero maraming salamat po." sabi ko sa mga nagluluto ng ulam.
"Nako! Hindi pwedeng hindi ka mag bi-birthday Inday! walang makakasira ng birthday mo, kahit ang Martial Law." Sabi ni Inday Loring kaya napangiti ako sa galak.
"I’m sorry I couldn’t do more... you deserve so much more than this." Biglang sumingit ang isang boses sa likod kaya naman napalingon ako doon, it's Emanuel.
Nakatayo siya doon, nakasando ng puti, malaki ang biceps niya, at ang buhok niya ay nakahawi pataas. May pumapatak na pawis sa kanyang leeg dahil sa init na galing sa niluluto nila.
Nakita kong nagbubulungan sa kilig ang mga babaeng kasamahan habang nakatingin sa kanya dahil ang kayumanggi niyang balat ay kumikintab kapag natatamaan siya ng araw.
"It's perfect birthday for me, tsaka Magkakasama tayong lahat, yun ang mahalaga." Sagot ko sa kanya.
Pagkasabi ko non, ngumiti lang siya sa akin.
"Sige na, bumalik ka na doon sa niluluto ninyo." sabi ko at tinulak siya ng bahagya kaya naman lumakad na siya pabalik doon sa mga naglulutong lalaki.
"Gwapong bata!" Lumingon sa akin si Inday Loring na may halong panunukso ang mata.
"Talaga bang hindi mo yan jojowain?" tanong niya, kaya natawa ako doon pero hindi ko na yon sinagot.
Si Emanuel? Mukhang kakalabanin ko yata ang buong politika ng Pilipinas kapag naging jowa ko siya.
Baka dumaan pa ako sa korte para lang maging jowa ko yang lalaki na yan.
Pagkatapos ng huntaan namin, dalawang oras pa bago naluto ang lahat ng pagkain, nakisali na ako sa paghahanda ng pagkain sa malaking lamesa namin sa ilalim ng puno ng mangga.
"Kakain na!" sigaw ni Inday Hera sa mga lalaking nagkukwentuhan sa malayo.
Mukhang narinig naman iyon ng mga lalaki, kaya nagdatingan sila at umupo na sa kanya kanyang bangkuan upang makisalo.
"Oh hijo, dyan ka na lang sa tabi ni Emilia." napatingin ako kay Inday Loring dahil doon sa sinabi nya pero hindi na ako tumutol pa.
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at pagkatapos non ay nagsalita.
"Pasensya na, wala kaming cake para sa iyo, kaya imagine na lang muna. Pero pwede ka namang humiling." sabi ni Emanuel sa akin, kaya ngumiti lang ako sa kanila at sinabing walang problema iyon sa akin.
Sana'y akong walang handa at cake, basta kasama ko ang mga taong importante sakin, buo na ang aking kaarawan.
"Happy birthday, happy birthday!" kanta nila habang pumapalakpak kaya ang laki ng ngiti ko.
"Wish na!!!" sigawan nila habang nagtatawanan, kaya natawa rin ako at yumuko na.
"Sana po'y ingatan at alagaan ninyo po si itay kung nasaan man siya ngayon at sana po mag end na din ang martial law. Ang mga taong namatay, inabuso, o nawawala, ay paghilumin mo po ang kanilang sugat at sana'y makamit nila ang hustisyang nararapat para sa kanila. Ingatan nyo po ang samahan at kami'y pagtibayin pa para tuluyan na naming mapuksa ang pamahalaan. Kayo na po ang bahala sa amin, Amen." bulong ko sa aking sarili.
YOU ARE READING
Martial Law (1972) | ONGOING
RomanceIn 1972, during the height of Martial Law in the Philippines, society is divided. The government, led by President Ferdinand Marcos, exerts strict control over the country, silencing dissent and imposing curfews. Amid this turmoil, a love story unfo...