Pumasok si Emanuel sa tent habang nag-aayos ako para sa rally. Sasama kami sa rally ng mga Moro sa labas ng Malacañang.
"Emilia, I need to be there with you at the rally today." sambit niya, pero napailing lang ako.
"Hindi na, Emanuel. It’s too risky for you." sabi ko sa kanya.
Kumpara sa dating mga rally, ngayon ay sa tapat na kami ng Malacañang mag rarally kaya hindi sya pwedeng sumama.
"Hindi ako humihingi ng permiso mo, Emilia. Sinasabi ko lang sa'yo—I need to be there. Laban ko rin ito."
Napalingon ako sa kanya at napataas ang aking mga kilay dahil sa kakulitan nya. Sinubukan kong panatilihin ang mababa kong boses at nagsalita.
"Hindi mo naiintindihan ang hinihingi mo! Kung magpapakita ka roon, makikilala ka ng mga tao. Anak ka ni Senator Vilasco, Emanuel. Target ka na agad! At kung makita ka ng ama mo, alam mo ba kung anong pwedeng mangyari? Ipapahuli ka niya, o baka mas malala pa!" Sabi ko.
"I don’t care about that! Hindi ko na kayang manood lang sa tabi. Hindi ko kayang mabuhay nang walang ginagawa habang may pagkakataon ako!" sabi niya, kaya napahilamos na lang ako sa mukha dahil ang kulit niya.
"Akala mo ba na isang ka nang dakila kapag nakasama ka sa rally nato? Isang marangal na gawain? Hindi ito ganoon, Emanuel! Totoong buhay ito—nasasaktan ang mga tao, may mga namatay! At kung magpakita ka doon, hindi lang buhay mo ang nakataya. Pwede mong ilagay sa alanganin ang buong kilusan! Naiintindihan mo ba 'yon?" Tumataas na ang boses ko habang kinakausap siya.
"Umuwi ka muna sa mansion niyo, Emanuel." dagdag ko pa at tumalikod para ilagay ang mga banner sa bag.
"I’m not afraid, Emilia! Handang-handa na akong lumaban, tulad mo! Pagod na akong laging protektado, na naninirahan sa mansyon habang ang iba'y naghihirap. Gusto ko ng pagbabago—kailangan ng pagbabago." Ang boses niya ay puno na ng frustration.
"At anong pagbabago sa tingin mo ang magagawa mo kung magpapahuli ka o mapapatay? Ang pagpunta mo sa rally na 'yon ay hindi mababago ang bansa, Emanuel. Magbibigay lang 'yan ng isa pang dahilan para mas pahirapan nila tayo!" sabi ko habang patuloy na naglalagay ng gamit sa bag.
"But I have to do something! I can’t keep hiding from this! Hindi ko kayang manood lang habang araw-araw mong inilalagay ang buhay mo sa peligro. Gusto kong tumayo sa tabi mo." sabi niya pa.
Alam kong gusto niya lang tumulong, pero kahit gusto ko man siyang sumama sa'kin, alam ko sa sarili ko na mapapahamak lang siya kapag nandoon na siya.
"I know you want to help, but this isn’t the way. Ang pagpunta mo roon ay lalo lang magpapalala ng sitwasyon, para sa ating dalawa. Hindi ka basta-bastang protester lang—makikita ka nila bilang traydor dahil ang pamilya mo ay nasa panig ng pamahalaan. At ang tatay mo… Emanuel, hinding-hindi ka niya mapapatawad at hinding-hindi siya titigil sa paghabol sa’yo kapag nalaman nyang kasapi ka namin." sabi ko pa.
"So what, Emilia? Gusto mo bang manatili na lang ako sa bahay, ligtas at kumportable, habang ikaw nandoon at inilalagay ang buhay mo sa peligro? That’s not fair! Gusto kong maging bahagi ng laban na ito." sabi niya pa at halatang gusto talagang sumama.
"Not like this. Panganib lang ang dala mo sa lahat kapag nandoon ka. Gusto mong tumulong? Then stay out of sight, lumayo ka sa rally. May iba pang paraan para makatulong ka, mga paraan na hindi maglalagay ng target sa likod mo—o sa likod namin." Alam kong masakit ang sinabi ko, pero iyon ang totoo.
Walang sino man ang pwedeng sumira ng plano namin—hindi si Emanuel, hindi ang gobyerno, at hindi ang kahit sino pa man.
Natahimik siya doon kaya napalingon ako sa kanya. Tanging katahimikan ang namayani sa aming dalawa hanggang sa pinutol niya iyon at nagsalita.
YOU ARE READING
Martial Law (1972) | ONGOING
RomanceIn 1972, during the height of Martial Law in the Philippines, society is divided. The government, led by President Ferdinand Marcos, exerts strict control over the country, silencing dissent and imposing curfews. Amid this turmoil, a love story unfo...