1972
"Itay, eto na po ang ipinabili ninyo." sigaw ko mula sa labas ng aming bahay.
Hawak ko ang isang kilong bigas habang dala-dala ko ang bag ko dahil kakagaling ko lang ng paaralan.
Pumasok ako sa pinto ng bahay na gawa sa kahoy.
Nadatnan ko si Itay na gumagawa ng sulat sa dyaryo, kaya pumunta ako sa likod niya at sikretong binasa ang nilalaman ng sinusulat niya: 'Ang mga patakaran ng administrasyong Marcos ay nagdudulot ng malawakang korupsiyon at paglabag sa karapatang pantao.'
"Itay, bakit po ganyan ang sinusulat ninyo tungkol sa presidente?" tanong ko, kaya nagulat siyang napatingin sa akin, isinara ang sinusulat niya, at ngumiti sa akin.
"Ikaw talaga, bata ka pa. 19 ka pa lang kaya hindi mo pa maintindihan."
"Tara na po at magsaing na po ako." Agad akong pumunta sa lutuan. Habang kami ay naghahanda ng makakain, nakikinig kami sa radyo, pero may isang balita na umagaw ng pansin ng tatay ko.
[Muling nagpahayag ang Pangulo ng bansa ng Batas Militar sa buong Pilipinas. Ipinapatupad ang curfew at mahigpit na pagsubok sa mga mamamayan. Panatilihin ang kalmado at manatili sa loob ng inyong mga tahanan.]
"Anong nangyayari?" tanong ni itay.
Tumayo ang tatay ko at dali-daling pumunta sa kalendaryo namin.
"Bakit, Tay?" tanong ko na walang naiintindihan.
"Septiyembre 23 ngayon, Tay." sabi ko sa kanya dahil naging balisa siya kaagad kakatingin saaming kalendaryo.
"May nabanggit ba ang iyong mga guro tungkol sa Martial Law?" biglang tanong ni Itay kaya napaisip ako doon.
"Ah, opo. Nagkagulo po noong bente uno dahil may pinirmahan daw pong Proclamation ang Pangulo." sabi ko, naalala pa ang mga usap-usapan sa campus.
Lumapit sakin si Itay at hinawakan ako kaya nagulat ako. "Anong Proclamation, Emilia?"
Napaisip ulit ako. "No. 1081 po yata." sabi ko sa pagkakatanda.
Biglang napahilamos ng mukha ang tatay ko kaya dinaluhan ko siya.
"Tay, ano po ba ang ibig sabihin nun?"
Agad binuksan ni Itay ang aming telebisyon at agad bumungad sa amin ang mukha ng Pangulo.
YOU ARE READING
Martial Law (1972) | ONGOING
RomantizmIn 1972, during the height of Martial Law in the Philippines, society is divided. The government, led by President Ferdinand Marcos, exerts strict control over the country, silencing dissent and imposing curfews. Amid this turmoil, a love story unfo...