CHAPTER 7 (ACADEMY AND MEETING THE 3RD LEAD)

141 6 4
                                        

"Lady Amisty"

("Wahhh, ang pretty pretty mo po mommy")

"Lady Amisty gising na po"

("So are you my princess")

"My Lady malapit na ho tayo sa Academy"

"hah!" napamulagat ako mula sa panaginip ko nang marining ko ang boses nang knight.

"Ayos lang ho ba kayo Lady Amisty?"

"Yeah" naaalimpungatang tugon ko.

Sino kaya yung mga taong yun sa panaginip ko?

Yung batang babae, yung ina nito.

Nakakapagtaka lang, panaginip ko pero wala ako dun ganern? Isa pa, hindi ko din kilala yung dalawang yun.

Pero alam niyo ba, may mga nakapag sabi sakin na ang mga tao daw sa panaginip natin ay yung mga taong nakita na natin, kahit yung sa tv lang or yung once mo palang na meet or nakasalubong mo lang sa kung saan ay pwede mong mapanaginipan.

Hindi ko matandaan na na meet ko na yung magandang mag inang yon, so baka naman nasa nakasalubong category lang sila.

Anywayyyyyy, bahala na yang panaginip na yan.

Wait,

Ang dilim naman.

Ay Oo nga pala, bago makarating sa Efros Academy ay may madadaanan munang isang napakalaking tunnel na may isang kilometrong haba.

Ilan pang sandali ay paunti unting may naaaninag na akong liwanag hanggang sa palaki na ito nang palaki.

Nang tuluyan na kaming makalabas sa tunnel ay mga nag lalakihan at nagtataasang puno ang sumalubong sa amin, hindi lang yun dahil ang mas nakakamangha pa ay ang napakalaking gate na alam ko ay ang gate nang Academy.

Sabi sa libro, isang kilometro pa ang layo nang gate nang academy sa tunnel.

Nakakamangha lang dahil pagkalabas na pagkalabas mo palang nang tunnel ay matatanaw mo na ang gate nito kahit na malayo pa ito.

Nakaka excite tuloy!

Ilan pang sandali,




"Wowwwwwww" napapa ngangang turan ko nang makalapit na ang sasakyan sa gate.

Kaya pala kitang kita na ito malayo palang,

Ang laki at ang taas!

Binuksan ko ang bintana nang sasakyan at sinilip ito pero hindi ko makita ang hangganan ng taas nitong gate at pader.

"School Uniform Crest Badge and ID" rinig kong sabi nang isang boses na paglingon ko ay may knight pala na nakayuko sa tapat nang bintana nang knight na kasama ko.

Knight guard ng eskwelahan.

Aigoooo, d ko pa pala alam ang pangalan nitong kasama ko.

By the way, meron pala ditong dalawang knight na nagbabantay sa gate nitong Academy at yung isa nga ay lumapit dito sa sasakyan.

Inabot ko naman agad ang Crest at ang Id ko sa knight.

Bigla naman ay may lumabas na green light sa kamay nang knight guard at ni scan ang ID ko at Crest kasabay nang pag ilaw din ng kanyang mata na parang xray.

Ganito kahigpit ang seguridad dito sa Academy, unlike sa normal world na pag ni present mo ang ID mo eh pwede ka nang makapasok sa school.



Into that WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon