Chapter 5 (Dream)

128 9 1
                                        

"Ma?" tawag ko kay mama.

Nandito na ako sa bahay! Naka balik na ako sa mundo ko!

"Mama?" ulit na tawag ko kay mama nang walang sumagot sa akin.

"Ma nandito na po ako"

ah baka nasa kusina, hilig pa naman magluto nang maganda kong mama hehe.

Asan na kaya yun? Bat wala rin dito? Wala din sila papa at nono, yung nakababata kong kapatid.

Ang tahimik, nakakapagtaka, napansin ko wala din akong naririnig na ingay sa labas o kahit boses man lang nang isang tao, kahit mga guli guli man lang sana ay wala!

Bigla tuloy akong kinabahan.

"Mama?!" nagpapanic na hanap ko ulit kay mama.

Asan ba siya!





"Faith anak"

si mama!

Narinig kong mula sa garden ang boses niya kaya tumakbo na agad ako papunta dun.


Pagkabukas ko nang pinto ay nakita ko si mama na nakatingala sa langit at pinagmamasdan ang mga bituin at ang buwan.

"Mama"

Lumingon ito sa akin at ngumiti "Halika anak ko"

"Mama!" tumatakbong tawag ko dito at saka yumakap. "Namiss kita nang sobra mama" umiiyak na sabi ko dito.

"At bakit naman umiiyak ang napaka ganda kong anak ha?" malumanay na tanong nito sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.

Natawa tuloy ako bigla sa sinabi nito. "Mama naman nang bobola pa eh." sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.



Bumuntong hininga muna ako bago mag kwento kay mama.

"Alam mo ba ma, nanaginip ako." sabi ko dito at tumingin sa mga mata nito na para bang nagsasabing ituloy ko ang kinikwento ko.

"Nakakaloka ma, napunta daw ako sa ibang mundo, tapos napunta daw ako sa isang katawan, alam mo ba ma, ang ganda ganda duon, ang bahay nila ay isang castle!"

With actions pa yan ha!

Namimis ko talaga ang pag kukwento kay mama nang ganito. Kahit na ba eh parang isang araw lang kaming hindi nagkita, or para ngang panaginip lang yun eh.

"Tapos madami din silang mga katulong dun at ang gaganda nang mga damit, tapos ang po pogi pa nang mga tao dun ma, may mga magic din!" dugtong ko pa sa kwento ko.


"Nagustuhan mo ba dun anak?" tanong sa akin ni mama.

Na pa frown tuloy ako. "Hindi ma eh. Dun kasi, napunta nga ako sa pamilyang may marangyang buhay pero hindi naman united, nakakainis dun mama! Ayoko dun!" napapairap na sabi ko.


"Faith anak," hinaplos haplos ni mama ang buhok ko "Tandaan mo, whatever we are and wherever we are, everything is alright because everything is under the sovereign hands of the One who created us." sabi sa akin ni mama habang titig na titig sa mga mata ko na para bang sinasabi niya na pakatatandaan ko talaga ang mga sinasabi niya.

"Kailangan mo nang bumalik" biglaang sabi nito pagkaraan nang ilang segundo.


0_0

Napalaki tuloy ang mata ko.


"Po?"

bumalik?

"Bumalik saan po mama?" naguguluhang tanong ko pero ngumiti lamang ito sa akin kasabay nang isang paghigop na naramdaman ko mula sa likuran ko.

"Ma!" nagpapanic na sigaw ko habang hinihigop ako nitong parang lagusan.











"Mamaaaaaaaaaa!" sigaw ko kasabay nang pagbangon ko sa kama.

What?!

Nandito na naman ako? Panaginip lang ba ang lahat nang yun?!

Nakauwi na ako eh!

"Ano ba yan!" nanggigigil na umiiyak na sigaw ko sabay sabunot sa buhok ko.

Ano bang ibig sabihin ni mama sa panaginip na iyon? Eto ba yung sinasabi niya na kailangan ko nang bumalik?

Ano naman ang babalikan ko dito e nanduon sila mama ang pamilya ko!




(THIRD PERSON'S POV)

Malalim na ang gabi pero kadarating palang sa kastilyo nang isang matangkad na lalaki na naka pamulsa pa ang isang kamay sa pantalon habang sumisipol sipol at pinapaikot ikot sa isang daliri nang kabilang kamay ang susi nang sasakyan nito. Paniguradong pumuslit na naman ito.

Tres David. Ang ikatlong anak ni Duke Gabriel Cornel.

Galing ito sa isang night club sa kapital nang Efros.


Ang librong 'Journey towards happy ending' ay isinulat na kumbinasyon nang mahiwaga at ordinaryong modernong mundo, kaya naman hindi na nakapagtataka kung may mga lugar pangkasiyahan dito.

Tres is already nineteen years old kaya naman allowed na siyang bumisita sa mga ganoong lugar.


Sisipol sipol itong lumakad papuntang kusina para uminom nang tubig nang mamataan nito ang nakababatang kapatid.

Si Amisty.

Nakaupo ito sa tapat nang isang maliit na lamesa at tulalang nakatitig sa baso na nasa harapan nito na may laman pang kaunting tubig.

Tumuloy siya sa pag kuha nang tubig at dumaan sa harapan nito ngunit hindi manlang siya napansin nito.


'Ano naman kaya ang problema nang babaeng to?'

Tanong ni Tres sa isipan niya. Since nakatulala naman si Amisty ay pinakatitigan nito ang mukha nang kapatid tsaka nito napansin na namumula ang mga mata nito na para bang kagagaling lang umiyak.

'Tsk, si Prince Lionel na naman'  naiiling iling at natatawa pang isip nito, not knowing the truth behind Amisty's sad eyes.

-----
04/03/23 Update
Makikita na natin ang mga male leads sa susunod na chapter pero not sure if dalawa lang muna or sila nang tatlo hehe.

Basta ang sure lang po is it will not take me too long to update again hihi

Into that WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon