Chapter 2

50 12 1
                                    

"Maaari bang ikuha mo ako nang tsaa Rizana?" Pag uutos ko habang nakaupo sa vanity chair at pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin.

Rizana nga pala ang pangalan nang babaeng pumasok kanina dito sa kwarto, at siya ang personal maid ni Amisty sa libro.

"Masusunod po" tugon nito at yumuko muna nang bahagya sa akin bago umalis.

"Hayyy" napabuntong hininga na lamang ako nang malalim.

totoo ngang nandito ako sa isang nobela.

Pagka gising ko ulit kanina ay nandirito parin si Rizana at tinanong kaagad ako kung maayos na ba ang pakiramdam ko, at kung nakakaalala na ba ako.

Pero hindi ko siya pinansin  dahil paulit ulit kong kinikurot ang pisngi ko sa pag asang panaginip lang ito at magigising din ako.

At yun nga, hindi ito isang panaginip!

Nang mapagtanto ko iyon ay kaagad ko na ring tinigil ang pag kurot sa pisngi ko dahil sobrang namumula na ito.

"Hayyy" buntong hininga ko pa ulit at tumitig nalang muli sa repleksyon ko.

Ako pa rin naman ito e.

Yung itsura ko bilang Faith noon ay ganun parin naman bilang Amisty ngayon.

Ang kaibahan lang ay parang glow up version ko itong si Amisty.

Kung dati ay kulay itim lang ang buhok ko, ngayon ay may highlights na itong kulay ginto.

Same lang din ang kulay nang mga mata ko ngayon na kulay itim rin.

Ang tanging nagpa schock lang talaga sa akin sa appearance ko ngayon ay ang balat ko!

Sobrang kinis nito at sobrang puti!

Yung para bang nakainom ako nang sandamakmak na gluta.

Yung para bang skin na alagang belo.

At yung para bang en'exofoliate or scrub nang paulit ulit ang balat ko!

Ganon siya kakinis mga mare!

Pero teka lang ha, baka isipin nyo namang dugyot ako sa katawan ko dati ha!

Pwes, hindi no!

Masasabi ko namang malinis ako sa katawan ko noon, maputi rin ako pero hindi yung puting katulad netong kay Amisty.

As you know, I am a Civil Engineer, at hindi lahat nang trabaho ko ay nasa office lang, kadalasan ay nasa field ako. Habang etong balat naman ni Amisty ay parang hindi nasisinagan nang araw ganern.

Isa pa, wala akong pang pa belo no, tamang scrub lang kaya ako gamit ang bato sa pag ligo ko, like two times a week (oh, my naka relate dyan for sure, wahahaha). Gumagamit din ako nang exofoliator salt at syempre lotion din.

Johnson's para smooth skin ehe.

In short, artistahin pala ang itsura ko kung may panggastos lang sana ako! Hindi naman kasi porket Engineer ay yayamanin na nang bongga no! 25 palang ako kaya mas uunahin ko ang pagkakaroon nang assets.

Anyway, same height and same body shape parin.

"Eto na po ang tsaa Milady" hindi ko napansin na pumasok na pala ulit si Rizana dito sa kwarto dahil sa pagka tutok ko sa sarili ko sa salamin.

"Anong tsaa ito?" tanong ko dito.

Paborito ko kasi ang mag tsaa pero hindi lahat ng flavors ay bet ko, I only like some flavors, specially my favorite, which is the Chamomile Tea with Honey added on it.

Into that WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon