Bago nga pumunta sa AV Hall ay sumaglit muna ako sa comfort room para naman mag re-touch, just hilamos, liptint and suklay lang naman.
Ang kaso lang pagkatapos ko't pagkalabas since aminado akong hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko eh may nabunggo ako.
"Hala sorry sorr-" paghingi ko sana nang paumanhin ang kaso lang ay bigla akong natigilan nang maiangat ko ang paningin ko sa mukha nang taong nabunggo ko.
As in napanganga ako sa nakita ko.
Tall, dark-haired and handsome with piercing green eyes na sobrang lamig tingnan and a chiseled features.
Hala ang gwapo-gwapo!
Ang ga-gwapo na nang mga kapatid ni Amisty at nang male mainlead pero mas gwapo ata to eh, kyahhhhhh.
"Are you done staring?" says a deep and husky voice na siyang nakapag pabalik sa akin sa realidad.
"W-what?" utal kong sabi. "Ah! Im so sorry, hindi ko sinasadya." oo nga pala't napatitig ako.
Per wait,
Green eyes?
Hindi bat isa lang naman ang may ganyang kulay ng mata sa librong ito?
Parang napapaso tuloy akong napabitaw sa pagkakahawak sa braso nito nang mapansin kong nakahawak pala ako dito nang mapagtanto ko kung sino siya.
Aquiles Pron Lazarte.
The second male lead!
Bigla tuloy ay naramdaman ko ang panlalamig ng kamay ko dahil nahawakan ko ito.
Aquiles has a mysophobia, a pathological fear of contamination and germs kaya naman ay ayaw na ayaw nitong hinahawakan nang mga tao at humawak sa gamit nang ibang tao.
Naku naman! Kung alin pa ang pinakaayaw nito ay yun pa ang nagawa ko!
Kakasabi ko palang kanina na hindi ako makikipag salamuha dito pero tingnan mo nga naman ang tadhana.
Ang sama sama tuloy nang tingin nito sa akin huhu.
"Sorry po talaga." muli ay paumanhin ko saka dali daling umexit na, nakakaloka.
Pag dating ko nga sa AV Hall ay puno na ito, pero luckily ay may designated seats naman every class and ang diamond class nga ay nasa front seat kaya naman ay nagtungo na ako papunta don.
"Swerte talaga nang Amisty'ng yan no, kahit walang maipakitang kapangyarihan eh napunta pa sa diamond class"
"naku sinabi mo pa girl"
Rinig kong bulungan nang dalawang istudyante na hindi ko naman na pinansin at nag derederetso na sa unahan.
At kung minamalas ka nga naman oo, ang vacant seat nalang ay sa tabi pa ni Mr. Lazarte kaya naman ay dahan dahan akong naupo at hindi talaga ako tumingin dito.
"Good morning Efrosians! Welcome to Efros Academy's new academic year!" malakas na sigaw nang taong nasa stage.
"I'm Clopaz Serventino, ang inyong vice-principal." Ang bata naman niya, sa itsura ay magka-edad lang silang tingnan ni Duke Gabriel, Ami's father. Pero hindi sure sa age since royal siya, hindi tumatanda ang itsura.
"The principal is having a very important meeting right now kaya naman ako ang nandito ngayon sa inyong harapan." sabi nito habang inililibot ang tingin sa mga estudyante at medyo nanatili pa nga sa diamond class seats ang tingin nito.
"Makinig kayong lahat dahil lubhang importante ang sasabihin ko." kaya naman ay medyo natahimik ang hall.
"Napaparami na ang mga atake mula sa mga stygians." sabi nito na ikinatahimik na nga nang lahat nang estudyante.
Stygians means dark, gloomy or hellish in nature. Ito ang tawag sa mga indibidual na gustong sumakop at talunin ang mga namumuno dito sa Efros.
They're a group of people na nag sama-sama mula sa ibat-bang kontinente para sa iisang layunin, the downfall of the land of Efros.
"Kaya naman napag desisyunan nang konseho na bukod sa mga training classes na mayroon kayo in your respective level, madaragdagan pa ito nang dalawang oras na training mula lunes hanggang biyernes, since lahat nang klase dito sa Academy ay nagtatapos nang alas-singko, ngayon ay madaragdagan na ito nang dalawa pang oras na nangangahulugang lahat ay mag eensayo alas-singko hanggang alas-syete ng gabi." mahabang paliwanag ni Vice-Principal na nagdulot nang samut-saring violent reaction mula sa mga estudyante.
"What?! Dagdag training? Eh may physical, weapon, mana and guardian training na nga tayo diba."
"Paniguradong haggard tayo nito araw-araw."
"Agree"
Eh? Parang wala namang ganitong pa epek sa nabasa ko. What happened?!
Isa din tuloy ako sa shook na shook ngayon, kalerkey eh, confident na confident pa naman ako na alam ko na ang mga susunod na hapeningsss.
Dalawa lang naman ang magiging outcome para kay Ami ng mga pagbabago na nagaganap at magaganap palang eh.
It's either mapapadali ang kapalaran niyang mamatay, o mababago din ang ending niya at mabubuhay pa siya, which is kapalaran ko na ngayon.
"Quiet everyone" sita ni Mr. Serventino kaya naman medyo na tone down ang ingay nang mga estudyante.
"Hindi lang yun. Ang dalawang oras na ito ay hindi kasama ng per level training ninyo..."
What? Don't tell me...
"It is a training with your respective classes"
BINABASA MO ANG
Into that World
Fantasy"From this day onward, you and your household will be stripped off of your title and power. As long as the world exists, you will suffer all kinds of illness but never gets to die." That's what the female villain's fate in the romance-fantasy book...
