Dedicated to cheeszontop
"huy saan ka ba galing ha?" Agad na bungad sakin nitong si Jamilla aba o di muna ako pinaupo bago kumuda.
"Dyan lang sa may tabi-tabi" pabiro kong sabi dito ayoko sabihin na dun ako nag lunch sa office ni ms. Sungit baka kung ano pa isipin nitong tukmol na to.
"Ah nice!" Naiirita nitong saad.
"Nga pala jam uuwi na ako mamaya agad ha alam mo na kailangan ko kumayod para sa mga anak ko." May halong pagdadrama ko yang binanggit.
Yes working student ako pero Work at home nag tatrabaho ako bilang V.A sa AGI Corporation malaki kasi sinasahod ko don tapos nag di-digital Art selling rin ako para mas malaki kita. Ako nalang kasi ang nag papaaral sa sarili ko , Namatay si nanay nung Pinapanganak niya ako si tatay naman nag pakamatay dahil sa depression kaya naiwan ako sa mga kamaganak ko pinang pasa pasahan lang ako kasi yung iba sa kanila ayaw sakin yung iba naman mahihirapan daw silang pag aralin ako kaya sa edad na 14 years old naging tindera ako sa palengke tapos naging baby sitter nung 16 kaya nung pagtungtong ko nitong 18 ay nag hanap na ako ng mas malaking pwede pag kakitaan. Hanggang sa natanggap ako sa Alfamart bilang cashier dun nag trabaho ako ng 6months and half lang kasi May nakilala akong babae na nag offer sa'kin ng Work na to si Ate Divine sabi niya I was really good in speaking in English and also I am good in encouraging and entertaining people. Dati yun people change. Kaya ayun nag ipon ako para sa laptop para makapag work hanggang sa naging successful ako.
Kaya naman ako nakapag aral ako dito sa WPI UNIVERSITY ay dahil sa sipag at tiyaga ko sa pag aaral di ako matalino pero di rin naman ako bobo (Average lang ganun) masipag lang.
Tumango lang to sakin at tumahimik na dahil dumating na ang aming Guro na si Ms.Bendaña alam ko crush to ni Sheniah e Strikto rin to tapos yung isa halimaw.
Bakit naisip mo sya self? Tigil mo yan.
"Good afternoon everybody! I'll have a surprise for y'all." Agad na nag ningning ang mga mata ng kaklase ko sa sinabi ni ma'am pero ako wala lang walang energy ang oat na to e.
"Walang pasok!" Sabi ng ibang mga kaklase ko
"May tig 500 daw tayo!" Sabi naman ni Jeff buraot talaga to.
"Sagot ni ma'am tuition natin for whole 1st SEM! " Aba't tarantado talaga tong mga to.
"Surprise quiz today ma'am? yey!" Pabidang bida sabat ni RC sya lang masaya kasi akala nya nakakadagdag points yung kabidahan.
"It's not surprise anymore Rc , okay get 1 half length wise we'll be having a long quiz that's my surprise!" Natatawang saad ni ma'am haist sabi ko na nga ba e.
Agad naman bumagsak ang balikat ng nga kaklase ko dahil sa narinig , yan don't expect too much nga naman kasi.
Nag simula na kami mag quiz feel ko nga di pa nag sisimula mahihimatay na ako ghad di pa naman ako nag review parang shunga naman to si ma'am may pasuprise pang nalalaman.
Natapos na ako sa pag sasagot at pag kalingat ko sa mga katabi ko ay 6 nalang pala kami , grabe??? Sht! Feel ko matalino na ako.
Aabot kaya ng passing score yung sagot ko?
Pag kalabas ko ay nag chat sa'kin si Jamilla nauna na raw ito dahil May family dinner sila kaya ending eto ako mag isang mag lalakad pauwi , Which is good walang bubuyog sa tabi ko hehe.
When I arrived at the parking lot, I got on my motorcycle and was about to start it when I suddenly felt that the wheel was soft. When I checked it , I saw that the tire was indeed flat. Pag minamalas ka nga naman oh pano na to ngayon? Itutulak ko?
BINABASA MO ANG
Under The Moon's Embrace (UNDER REVISION)
RomanceThis story is about a teacher who is very strict, grumpy, and beautiful and who had an one night stand with a woman due to her drunkenness and curiosity. However, she did not expect that she would end up being her student.