CHAPTER FIVE

46 3 0
                                    

CHAPTER FIVE

PANSAMANTALA, kailangan niyang alisin ang isip kay Rom.

Pansamantala, kailangan niyang tuparin ang ipinangako sa
adviser. Hindi sa pangambang
baka nga magsumbong ito sa Inay niya o tamaan sa mga nakatatandang kapatid.
Ayaw din niyang maalis sa honor list
Kailangan niyang humabol.. Mag-makeup. Ayaw
din niyang may maisumbat si Ailene na nasira ang pag-aaral niya dahil sa
pagkahumaling kay Rom

Kaya nang mga sumunod na araw, isinubsob niya ang ulo sa pag-aaral. Iniwasan muna niyang taludturan ang mga whereabouts nio Rom. Hindi na rin muna siya nagpadala rito ng sulat.

Nakabawi siya nang bahagya nang mga sumunod na quizzes. Naging active uli siya sa recitation. Umaasa siyang sa susunod na periodical test ay mangunguna siya kung di man
pangalawa.

Sa mga gabi, kapag pagod na siya sa pag-aaral, may ilang saglit na nag-iisip muna siya bago matulog.

Siyempre'y kay Rom lagi bumabalik ang mga isipin niya.

Bakit kaya ayaw nang makatanggap ng love poems? Bakit ayaw nang kunin ang mga sulat niya?

Nabubuwisit na ba?

Ayaw tanggapin iyon ng isip níya.

Kaya ang ipinirmi níyang hinala sa utak, naiinis na lamang si Rom aa pagiging misteryosa niya.

Oo nga. Hindi sanay si Rom sa ganoong pa drama-drama.

Susulat-sulat siya pero ayaw

namang pakilala.Nakakainis nga naman. Naging kabagut-bagot na sa halip magkaroon pa ng thrill,

Ang dapat siguro, ang hinihintay ní Rom, pakilala na siya. Wala nang pagimik-gimik.i Siyempre'y nanghuhula rin ito. Na baka kung siya ang ilgawan ay mali pala ito ng palagay at hindi naman siya ang 'secret admirer nito.

Iniisip pa lamang niya kung paano ang magandang eksena para makapagpakilala kay Rom, narinig na niya kay Lirio-o sinadyang
iparinig sa kanya-na si Rom daw ay may kánukursunada yatang kaklage na ang pangalan ay Marjorie.

Sabi pa ni Lirio sa kinukuwentuhang nga kaklase: 'Yyong Marjorie yata
na 'yon ang balak kuning kapartner ni Rom sa darating na Junior-Senior Prom."

Hindi! sigaw ng isip niya.

Hindi maaaring mangyari iyon.

' Yong makipag ngitian si Rom sa ibang babae ay kaya pa niyang tiisin.

Pero ang malaman na posible itong manligaw sa iba ay hindi yata niya kaya.

GUSTO niyang makita kung ano ang itsura ng Marjorie na gusto ni
Rom sa JS nila. Pero Ayaw niyang makita ni Rom ang pagkausap niya sa babae,

Kaya isang araw ng PE day ng mga taga-section 3 ay nagpunta siya sa gym na alam niyang katatagpuan sa mga babaing taga-section 3.

Namukhaan agad niya ang ilang kaklase ni Rom. Grupu-grupong nagbibihisan, Ang iba'y inaayos ang PE uniforms. Puting t-shirts
na may tatak Arallo High PE,
Pulang jogging pants na tinernuhan ng white rubber shoes and socks.

Kung kailan pa nasa harapan ang klaseng sadya ay saka para siyang pinanghihinaan ng loob sa gagawin. Gusto na niyang umurong lalo pa't may iba nang nakatingin sa kanya.
loob sa gagawin.

Ano ba ang sasabihin niya sa paghaharap kay Marjorie? Sasabihin ba niyang kaibiga siya nito sa pagtatanungan niya. Gusto lang
naman niyang makita ang itsura ng babae at tama na.

Pero bakit ba niya ipagtatanang kung kaibigan siya? Bakit hindi niya kilala?

Dapat yata ay mag-imbento na lamang siya. Sabihin niya kay Marjorie na writer siya ng school organ nila at gusto lamang niya
itong interbiyuhin. Gusto niyang ma titigan nang malapitan ang Marjorie na umakit sa pansin ni Rom. Gusto niyang marinig magsalita
at makitang kumilos. Para makita niya kung ang katangiang taglay nito para kuning kapareha ni Rom sa Junior-Senior Prom.

AAYAW-AYAW, HAHABOL-HABOL - HELEN MERIZ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon