CHAPTER TWO
Sa loob ng mahigit dalawang
linggong pagmamasid, alam
na niya halos kung anong
oras dumarating si Rom sa umaga. Kung saan-saan ang classroom nito, kung aling corridors ang dinaraanan sa partikular na oras, kung
saan naglalagi kapag vacant period at kung sinu-sino ang mga kaibigan.Natuwa siya nang malamang isa sa masasabing barkada ni Rom ngayon ay dati niyang kaklase noong isang taon, si Marcial Santiago na mas nakasanayan nilang tawaging Macy. Mabait ang lalaki at palagay niya ay tutulungan siya kapag dumating sa puntong kakailanganin na niyang hingan ito ng tulong tungkol kay Rom. Pero nang maalala niyang may
pangyayari sa pagiging magkaklase nila na isinumbong niya ang barkada nito sa pagkakaroon ng kodigo sa test ay nagduda siya kung maaari nga siyang tulungan ni Macy tungkol kay Rom.Anu't ano man, inaasahan niyang hindi naman sisilipin ni Macy ang atraso' niyang iyon.
After all, marami rin naman siyang kabutihang nagawa rito noon. Pinahihiram niya ito ng spare ballpen, binibigyan ng mga papel.
Puwede. Puwede niyang magamit ang lalaki para makipaglapit kay Rom.Pero pansamantala, kung pupuwedeng siya na lamang muna ang dumiskarte, hindi na siya
hihingi ng. pabor ng ibang tao.Sabay-sabay ang umpisa ng klase sa Aruullo High. Alas siyete ng umaga ang first period. Six-thirty ang flag ceremony. Group cleaning sa mga kuwarto sa pagitan ng six-thirty to seven habang ang mga teacher ay nakikipagdaldalan bilang preparasyon sa pagpasok sa kani-kanilang klase.
Gustung-gusto ni Ginny na ang grupo nila ang nakatokang maglilinis ng kuwarto. Hindi
sa kadahilanang masipag siya kundi may excuse siya na makapagtapon ng basura at kahit paano'y makaraan sa may pinto ng classroom nina Rom. Kapag dumadaan doon,
sinasadya niyang bagalan ang paglakad kasabay ng paghahanap ng mga mata sa pamilyar na kabunan ng lalaki.Alam na alam na niya ang kinauupuan nito. Sa gilid ng aisle na nakapagitan sa upuan ng mga lalaki at babae, ikalawang row.
Hindi niya nakita si Rom sa upuan nito nang magdaan siya ng Miyerkoles ng umagang
iyon. Kaya napilitan siyang pabagalin lalo ang
lakad. Tumigil pa nga siya mismo sa labas ng pinto at kunwa'y inayos ang medyas niya. Nang dadamputin
na niya ang waste basket,
tumingin siya uli sa loob ng classroom.Nakita na niya ang hinahanap. dulong bahagi ito ng silid, nakikitingin sa Chart na itinuturo ng isang kaklaseng babae.
Parang may kumurot sa puso niya nang ngumiti si Rom sa babae pagkuwan.
Napabilis ang lalkad niya patungo sa tapunan ng basura.
GANOON pala ang umiibig, naiisip niya habang nagkaklase. Masarap na masakit.
Masarap kapag nakikita mo ang mahal mo.
Masakit kapag may kangitian siyang iba.
Nagiging inspirasyon daw ng isang umiibig ang damdaming iyon. Bakit siya ay lalo yatang nawala ang isip sa
pag-aaral? Isang simpleng tanong nga lamang ng kanilang History teacher na si Miss Nieves ay hindi niya nasagot.When did the first colonizers of the Philippines arrive in Cebu?
I don't cnow the answer, ma'm.
Nagtaka si Ailene dahil ang dali-dali lamarg ng tanong. Saka History pa naman ang favorite subject niya. Bulong nito sa kanya, "Huwag mo kasing masyadong isipin
'yon. Mahal ka rin no'n."Karaniwang expression kapag tinutudyo.
Pero arno nga kaya kung totoo?
Ano nga kaya't mahal din siya ni Rom?
BINABASA MO ANG
AAYAW-AYAW, HAHABOL-HABOL - HELEN MERIZ (COMPLETED)
Novela JuvenilHíndi madesisyunan ni Ginny kung ipararatndan kay Rom na matinding-matindi ang pagkakagusto niya rito. Hanggang minsan ay masabi ng Kuya Rudy niya: "Kapag nalaman kong me grusto sa kin ang isarng babae e liligawan ko agad, ba. " Nagbigay iyon ng id...